Chapter 8
Asterin’s POV
“Are you going to visit Mama?”tanong sa akin ni Mama nang makita niyang nakabihis ako. Tumango naman ako sa kanya.
“Ibati mo na lang kami.”sabi niya pa, bahagya naman akong nalungkot do’n dahil nag-isa ko nanamang bibisita kay Lola.
“Magpahatid ka na rin kay Manong Lito.”aniya pa kaya tumango na lang ako. Nagpaalam naman na ako kalaunan sa kanya.
“Manong daan muna po tayo sa Demi’s flower shop.”sabi ko kay Manong Lito.
“Sige po, Ma’am.”nginitian niya lang din naman ako. Nangalumbaba lang naman ako hanggang sa makarating kami sa flower shop nina Tita.
Bumaba na rin naman ako kalaunan, sinalubong lang din naman ako ng nakangiting si Tita.
“Hey, mabuti’t nadalaw ka, Hija?”nakangiti niyang tanong sa akin. Nginitian ko rin naman ito pabalik. Siya na mismo ang nag-assist sa akin para mamili although alam ko naman na ang bibilhin ko. Nagtaka naman siya nang makitang ang Iris ang kinuha ko.
“Hmm, it’s my Lola’s favourite flower po..”sambit ko.
“Oh, ganoon ba, Hija? Kung ganoon ay dadagdagan ko na, ibati mo na rin ako sa Lola mo.”tumango naman ako sa kanya dahil do’n.
“Ma..”napatingin naman kami kay Esai na siyang kakapasok lang, bahagya pa itong nagulat nang mapatingin sa akin.
“Hi.”nakangiti niyang saad at kumaway pa sa akin.
“Aba’t ‘yang ngiti mo’y walang kapantay ahh, natuwa ka bang nakita ako o natuwa ka ba na nakita si Asterin?”nakangiting tanong ni Tita sa kanya. Bahagya naman akong nahiya sa sinabi ni Tita. Nailing na lang ako roon, si Esai naman ay mukhang nahiya rin sa sinabi ng Mama niya.
“I’ll go na po, Tita. Salamat po.”sabi ko nang matapos ng maayos ang bouquet ng iris.
“See you around, Esai.”nakangiti kong saad sa kanya. Kumaway lang din naman siya sa akin habang malapad ang ngiti. Maya-maya lang ay nakarating na rin naman ako kung nasaan si Lola.
“Hi, La, sorry ako nanaman mag-isa rito, hindi ko nanaman natupad ang pangako kong yayayain sina Mama na magtungo rito.”sabi ko at napangiti na lang ng malungkot bago ko nilapag ang bouquet of irises sa kanyang puntod.
“Ayaw ko ng magpromise, baka madisappoint nanaman kita.”natatawa ko na lang saad habang nakatingin lang dito.
“Miss na miss na kita.”pabulong kong saad, hindi na namalayan pa ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata para bang niyayakap nanaman ako ng mahigpit nito.
“Sorry, Lola, ito nanaman ako, umiiyak nanaman sa’yo. Sorry po.”sambit ko at pinahid ang luhang tumutulo. Si Lola lang ‘tong natatanging kakampi ko pero napakadaya dahil kung sino pang ayaw mong mawala sa buhay mo, siya pa ‘yong walang sabing kinukuha sa’yo.
“Malamig po ba rito, La? Minsan bisita ka naman sa panaginip ko, kwentuhan mo ako kung gaano ka kasaya riyan.”sabi ko at napangiti sa kanya.
“Ayaw ko ng magdrama sa’yo, La, baka sawang sawa ka na sa mga rants ko sa buhay.”natatawa ko pang saad.
“Kukwentuhan na lang kita tungkol sa mga masasayang parte ng buhay ko ngayon.”sambit ko bago ko nilabas ang sketch pad ko.
“I started another comics, Lola.”nakangiti kong sambit habang nagsisimula magdrawing, hindi ko naman mapigilang mapangiti habang dindodrawing si Lola at ang iris na ibinigay ko.
“I also start making friends but I don’t really know kung hanggang saan tatagal, Lola, hinhintay ko na lang talaga na matapos.”sabi ko na napakibit ng balikat. Kapag may mga taong dumadating sa buhay ko, ineexpect ko na lang talaga na panandalian lang para hindi ako kailanman madisappoint. Simula no’ng mawala si Lola parang ayaw ko ng kumilala pa ng iba dahil nakakatakot. Nakakatakot kapag tuluyan ka ng iniwanan nito.
“Alam mo ba, Lola, kapag tumitingin ako sa langit, pakiramdam ko tinitignan mo rin ako pabalik.”natatawa kong saad habang dinodrawing na ang natatandaan kong mukha nito.
“Ang daya daya mo kasi e, pero sige na pagbigyan na kita, alam ko naman pong masaya ka na diyan.”aniko at malapad na ngumiti. Kwento lang din ako ng kwento sa kanya ng kung ano, alam kong makikinig siya, halos lahat ba naman kasi ng nonsense na kinukwento ko sa kanya noon ay pinapakinggan niya. Hindi siya nagsasawa.
Nakangiti lang ako the whole time na nagssketch habang nagkukwento sa kanya.
“Hindi na ako magpopromise na dadalhin sina Mama rito, La, masiyado ata silang busy, pero huwag kang mag-alala! Mahal ka ng mga ‘yon!”nakangiti ko pang saad at isang beses pang dindrawing-an ang papel hanggang sa matapos.
“Tapos na po!”nakangiti kong saad at pinakita sa kanya ang drawing na magkausap kaming dalawa habang parehas nakangiti. I know she’s smiling at me right now. Paniguradong tuwang tuwa nanaman ‘yon. Dito na rin ako halos nagpalipas ng araw. Mayroon naman din kasi akong pagkain at kung ano ano pang dala, maski nga canvas ay mayroon ngunit hindi ko rin naman nagamit dahil abala ako sa pagtingin lang sa payapang paligid.
“I think I need to go na po, Lola..”sabi ko nang makita na tumatawag na si Mama sa akin.
“I’ll visit again, don’t worry.”nakangiti kong saad sa kanya.
“See you! I love you always!”sambit ko bago ko sinagot ang tawag ni Mama at bitbit na ang ilang gamit.
“Hello po, Ma?”bungad ko nang sagutin ang tawag.
“Nandiyan ka pa rin ba? Umalis kami nina Ate mo, may pinaluto naman akong pagkain kina Manang.”sabi niya sa akin.
“Opo, Ma..”sambit ko naman. Pinatayan na rin naman niya ako ng tawag matapos ang ilang bilin. Bagsak ang balikat akong lumabas ng sementeryo, it was always like that, hindi nila ako magawang isama sa mga lakad nila. Parang hindi pamilya. Iniisip ko nga kung ampon ako pero natatawa na lang ako sa aking sarili dahil imposible ‘yon. Aba’t ano namang akala mo, Asterin? Malateleserye ang buhay mo? Nailing na lang ako ss sarili bago naghintay ng dadaan na bus.
Sigurado rin akong kasama nila si Manong Lito, well, kung hindi nila kasama si Papa pero sure din naman akong kasama nila ‘yon.
Nang makasakay ako sa bus, nakatingin lang ako sa labas. Pinilit ko na lang ang sariling maging masaya. Nang makarating sa village ay bumaba na rin naman ako sa gate, para lang akong naglalakad sa buwan habang nakatingin lang din sa kalangitan, hindi ko mapigilang mapangiti sa kulay nitong mala rosas.
“Ang ganda..”pabulong kong saad. Araw araw na lang ata talaga akong namamangha rito.
“Ang ganda nga..”halos mapatalon naman ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko.
“Esai!”bulyaw ko na napahawak pa sa akinh dibdib.
“Hindi ko alam hobby mo na ‘yang panggulat o ano!”hindi ko mapigilang sambitin ngunit malapad lang siyang ngumiti sa akin.
“Why are you spacing out?”tanong niya sa akin.
“What are you doing here?”tanong ko naman pabalik.
“Hmm, this is where I live?”patanong naman na sagot niya sa akin. Oo nga naman. Bakit ba tinatanong ko pa ‘yon.
“How about you? You don’t like shopping that much?”tanong niya sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil do’n.
“Tita Niela is with my Mom.”sabi niya naman. Napakibit na lang ako ng balikat dahil do’n, well, mukhang doon sila nagtungo ni Ate. Nakayuko lang ako habang naglalakad ngunit natigil nang harapin ako ni Esai.
“Want to hang out with me?”nakangiti niyang tanong sa akin. Natigilan naman ako roon at bahagyang umiling na lang. Well, kahit paano’y mas gugustuhin ko na lang na manatili sa bahay kaysa magtungo sa kung saan.
“Hmm, alright. I’ll walk you home tho.”sabi niya pa at ngumiti, hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kanya, pakiramdam ko’y sobrang genuine lang din naman ng ginagawa niya pero minsan kasi’y hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin na baka palabas lang lahat.
Maski sa mga sumunod na araw ay madalas ako nitong hintayin sa labas ng gate sa school. Sumasabay sa pag-uwi.
“Aminin mo nga sa akin, Asterin.”nanliliit ang mga mata ni Macy habang nakatingin sa akin. Bahagya naman akong napatawa sa paraan ng pagtingin niya.
“Wala akong dapat na aminin, Macy.”sabi ko at napanguso na lang.
“Aba’t ilang beses kang nakikitang kasama si Kuya Esai sa uwian! Gusto mo ba ‘yon?”tanong niya sa akin at nginisian pa ako. Agad naman akong umiling sa kanya.
“Walang namamagitan sa amin, Macy.”sabi ko at napanguso pa.
“Sus! Ganyan ka naman e, hindi nagsasabi.”nagtatampo niya pang saad.
“Friend ni Mama ang Mama niya, Macy, wala lang talaga ‘yon.”sabi ko naman.
“As if wala lang! Ang suplado kaya ni Kuya Esai! Alam mo bang nagconfess si Aya roon kaso basted agad.”natatawang saad ni Macy. Bahagya naman akong nagulat doon, maganda si Aya at may balingkinitang katawan sa kabila ng murang edad niya ngunit talaga bang nabasted siya ni Esai?
“Hindi lang ‘yon! Pati nga ‘yong mga senior, bet na bet siya, matalino raw kasi.”sabi pa ni Macy sa akin. Nakikinig lang naman ako sa kung paano niya tinataas ang bandera ni Esai. Well, hindi naman kasi talaga maitatanggi ang gwapong itsura nito, talaga kahuhumalingan ng iba.
“So ikaw naman ang magkwento?”tanong niya pa sa akin at excited na excited na niyuyugyog ako.
“I told you already, kaibigan lang ni Mama sina Tita Demi, nagkakausap lang kami dahil do’n.”sabi ko na napakibit pa ng balikat.
“Sana friend din sila ni Mama, para naman busog lusog ang mga mata ko sa bahay. Panay hampaslupang froglet ang nandoon.”reklamo niya pa kaya napatawa na lang ako sa kanya. Madalas din itong magreklamo sa akin kung paano siya alilain ng mga Kuya at pinsan niya, family house kasi. I want a house like that, hindi naman kasi maganda kung isang malaking bahay nga ngunit minsan mo lang makita ang mga tao sa bahay.
“Una na ako, friend, ayan na ang froglet kong pinsan.”natatawa niyang saad at tinuro si Kuya Jack. Nailing na lang ako sa kanya at kinawayan siya. Binati lang ako ni Kuya Jack at binati ko lang din naman ‘to pabalik.
Naglakad naman na ako palabas ng school, hindi na ako nagulat nang makita ko si Esai.
“Hi,”nakangiti niyang bati sa akin.
“Want to ride with me?”tanong niya at tinuro ang motor na siyang nasa gilid ng gate. Agad naman akong umiling nang maalala kung gaano ito kabilis magpatakbo at ‘yong nakisabay pa siya sa bus. Napatawa naman siya ng mahina tila ba alam na agad ang naiisip ko.
“Promise, hindi talaga ako ganoon kung magmaneho.”natatawa niyang saad ngunit nanliit lang naman ang mga mata ko sa kanya.
“No thanks.”sabi ko at sumakay na lang sa bus na siyang kararating. Napanguso naman ako nang makita ko si Esai na siyang nasa likod ko na rin.
“Talaga bang iiwanan mo ang motor mo roon?”hindi makapaniwalang tanong ko dahil mukhang mamahalin pa naman.
“Yeah?”patanong na sagot niya naman. Nailing na lang ako at hindi na rin siya kinausap dahil may mga estudyanteng nakatingin sa amin, wala na kasing maupuan. Nakatayo lang kami rito sa aisle ng bus.
“Want to grab snack before we go home?”tanong niya pa sa akin. Napatingin naman ako sa kanya dahil dito. Sobrang lapit lang din kasi niya sa akin dahil marami ring estudyanteng nakipagsiksikan, hindi ko alam kung dahil ba sa kanya o ano sapagkat halos lahat ng babaeng sakay ng bus ay sa kanya lamang ang tingin. Nagsitikhiman pa ang mga ito nang marinig ang tanong ni Esai sa akin. Nailing na lang ako dahil dito.
“Narinig niyo ‘yon? Magkasabay ngang umuuwi!”dinig ko pang bulong no’ng babae sa tabi ko. Malalim akong napabuntong hininga dahil do’n.
“What do you think?”tanong pa ni Esai mukhang hindi rin naman napapansin ang mga ‘yon.
“I don’t think we should.”sabi ko na lang at nanahimik dito. Napatingin na lang din ako sa labas, pinagmamasdan ang nadadaanan. Laking pasasalamat ko na lang din nang makarating na kami sa village. Naghiwalay din kami ni Esai kaya kita ko ang tuwa sa kanila. Nailing na lang akong pumasok sa village, hindi ko naman alam kung saan nagtungo si Esai. May mga tric naman na nag-aaya sa aking sumakay ngunit umiling lang ako dahil gusto ko lang lakarin ang village.
“Here. Drink that before going to bed.”abot sa akin ni Esai na mukhang tumakbo pa galing sa convenience store. Green tea at may kasama pang dark choco.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...