Chapter 9

2.1K 97 1
                                    

Chapter 9
Asterin’s POV

“Asterin, ‘yong sinabi ko sa’yo, please lang pakibantayan ‘yang kilos mo kung ayaw mong malaman nina Mama.”sabi ni Ate sa akin. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo dahil dito ngunit hindi rin naman ako nagsalita at hinayaan lang siya sa gustong sabihin, ayaw niya kasing makita ako na kasama si Kuya Koa. I mean, I don’t really know why she’s doing this?

Hindi ko alam kung ganoon ba niya ito kagusto or she’s just being protective? But she never been one not until Kuya Koa came. Hindi ko mapigilan ang pagbuntong hininga ko. Maya-maya lang ay nandito na rin sina Tita Demi, hindi ko na sana gusto pang lumabas. Gusto ko na lang na manatili rito sa kwarto ko kaya lang ngayon na lang ulit dumalaw ang mga ito, paniguradong pagagalitan ako nina Mama.

Bumaba na rin ako ng kwarto kalaunan, binati ko lang ang mga ito, napatingin naman ako sa kasama nilang babae. Kung hindi lang ito kamukha ni Tita Demi’y baka mapagkamalan ko pang nobya nina Esai.

“Niela, this is my daughter Elai. Nagkausap naman na kayo, hindi ba, Caroline?”nakangiting tanong ni Tita Demi.

“Oo naman po, Tita.”nakangiting saad ni Ate at ngumiti pa kay Ate Elai na siyang mukhang iritado lang ang mukha. Ito ata ang kambal ni Esai na tinutukoy ni Kuya Koa. Hindi maitatanggi na talagang maganda ito, simula sa kanyang makapal na kilay at mapupulang mga labi. Napatingin pa ako sa magandang porma nito, parang gusto ko na agad magdrawing. She’ll be a good reference for my comics! Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang maimagine ‘yon.

Agad din namang nawala nang makita ko itong napatingin sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at napayuko na lang. Para akong tinignan ng isang anghel. Ang ganda niya. Sana ganyan din ako kaganda, hindi ko na lang maiwasang mainggit sa makinis na mukha niya.

“This is my daughter Asterin.”nakangiting saad ni Mama kay Ate Elai. Bahagya ko naman siyang nilingon. Tila ba bored na bored na ito sa pagpapakilala sa kanya. Hindi naman ako naglahad ng kamay o ano, baka mamaya’y hindi niya pala gusto, nakakahiya naman.

“Elai.”malamig niyang sambit bago naglahad ng kamay. Nahihiya ko naman ‘yong tinanggap.

“Asterin po.”sambit ko at agad din namang inalis ang kamay sa kanya.

“She’s the girl I told you about, Lil sis!”nakangising saad ni Kuya Koa at inakbayan pa ang kanyang kapatid.

“Ayaw mo kasing tignan mga drawings niya! Sabi ko naman sa’yo maganda!”pabulong pang saad ni Kuya Koa.

“Kahit tanong mo pa si Esai, pinaframe niya pa nga ‘yong sa kanya e!”sambit pa ni Kuya Koa kaya agad napabaling ang tingin ko kay Esai na siyang ngumiti sa akin.

“Hi,”nakangiti niyang saad.

“How’s your day so far?”tanong niya nang lapitan ako.

“Hmm, nothing’s unusual?”patanong na sagot ko naman. Magsasalita pa sana siya ngunit hinila siya ni Ate Elai. Nagpahila rin naman ito dahil sa tingin ko naman ay hindi ganoon kalakas si Ate Elai para mahila talaga siya.

Nagtataka ko lang naman silang tinignan ngunit nawala na rin ang atensiyon ko sa kanila nang senyasan ako ni Manang na lumapit.

“Ipinagtabi kita ng less sugar na cupcake.”napangiti naman ako dahil do’n.

“Thank you po, Manang, hindi niyo naman na po kailangan pang gawin ‘yon.”natatawa kong saad sa kanya.

“Siya sige na, ‘yon lang talaga ang sasabihin ko, kunin mo na lang kapag gusto mo.”sabi niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti lang. Minsan naisip ko na baka si Manang talaga ang totoo kong magulang ngunit natatawa na lang ako sa aking isipan sa mga dramang pinag-iisip ko.

“Let’s eat na muna, Demi, baka gutom na rin ang mga bata.”nakangiting sambit ni Mama. Nasa trabaho si Papa ngayon, ganoon din siguro ang Papa nina Esai.

Nagtungo na rin naman kami sa hapag, naririnig ko pa ang pakikipag-usap ni Ate kay Ate Elai.

“I like your bag, where did you buy that? They said it’s limited edition, sayang at hindi ko naabutan. I’m busy sa acads e.”dinig kong sambit niya.

Tahimik lang akong naupo maski nang magsimula ng kumain. Lahat sila’y abala lang din sa pagkain at pagkukwentuhan. Nang matapos ako’y napatingin sa akin ni Esai.

“That’s it? ‘Yon lang ang kakainin mo?”tanong niya pa sa akin, tumango naman ako sa kanya dahil dito.

“Busog ka na?”tanong niya pa ulit. Tumango lang naman ako sa kanya. Tinignan niya lang ako ng matagal, nawala lang sa kanya ang atensiyon ko nang kausapin ako ni Ate Elai.

“I like your hair, natural?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil dito. Natural or not, kung maganda, maganda pa rin.

“Do you know me?”tanong niya pa sa akin.

“Po?”naguguluhan kong tanong dahil nanliliit ang mga mata nito sa akin.

“Huwag ka ngang magmafeeling diyan, Elai.”natatawang sabi ni Kuya Koa sa kanya.

“Stop scaring her.”sabi naman ni Esai.

“What? I didn’t even do anything! I’m just asking.”nakangusong saad ni Ate Elai. Nakatingin lang naman ako sa kanila habang nagtatawanan ang mga ito. Bahagya naman akong napatingin nang may sumipa sa paanan ko. Napatingin ako kay Ate na siyang nakataas ang kilay sa akin.

“Why don’t you go to your room? Hindi ba’t doon ka naman magaling, just paint.”pabulong na saad niya habang naroon ang malditang mukha. Napakagat naman ako sa aking mga labi dahil dito. Hindi ko rin sigurado kung anong dapat kong maramdaman. Napakuyom na lang ako ng kamao bago napatango. Tama naman din siya, hindi rin naman talaga ako madalas tumambay sa baba lalo na kung may bisita kahit pa kaedaran lang din namin ni Ate.

“Ma.. magrereview po muna ako.”paalam ko kay Mama na siyang kausap si Tita Demi. Napatingin naman sila sa aking dalawa.

“Nako, ayaw mo bang makipagkwentuhan muna sa mga Ate’t Kuya mo, Asterin?”tanong ni Tita sa akin.

“Tita, she need to go na rin po e, finals na nila niyan,”nakangiting saad ni Ate. Sinenyasan pa ako nito kaya ngumiti na lang ako kay Tita Demi.

“Saka, Tita, baka hindi rin siya makarelate sa usapan namin.”natatawa pang saad ni Ate.

“Sorry po, Tita, akyat na po muna ako.”sabi ko at ngumiti lang sa kanila. Nakita ko naman ang panonood lang sa akin nina Esai. Yumuko lang ako bago nagmadali na ring umakyat sa kwarto. Totoo rin namang kailangan ko ring mag-aral para sa finals. Hindi ko alam kung bakit sumasama ang loob ko ngayon gayong laging malaki ang pasasalamat ko kay Ate kapag pinapaakyat niya ako sa kwarto tuwing nandito ang mga kaibigan niya o ‘di naman kaya’y mga anak ng kaibigan ni Mama dahil nakakatakas ako sa pang-iinsulto ng mga ito.

Maybe I like those three, hindi sila nangungumpara. Hindi ba’t ang gandang makipag-usap sa taong hindi ka ikukumpara sa kahit na sino?

Nagtungo na lang din ako sa kwarto ko. Dumeretso lang din naman ako sa aking study table. Natulala lang din ako sa mga notes ko. Nagawa ko rin namang libangin ang sarili sa pag-aaral. Hindi ko na rin naman namalayan ang oras kahit paano. Nang matapos ay nag-unat unat lang ako at balak namang magdrawing sa labas. Panigurado naman akong wala na roon sina Tita Demi, anong oras na rin, lunch lang naman kasi ang sinabi nila.

Kailangan ko naman ng fresh air dahil pakiramdam ko’y masiyadong nabornak ang utak ko sa pag-aaral. Lumabas naman na ako ng kwarto ko.

“Asterin, Hija, ito na ang cup cake mo.”sabi ni Manang nang magtungo roon para kunin.

“Thank you po, Manang.”ani ko bago ‘yon kinuha at lumabas ng bahay para magtungo sa garden. Nilapag ko lang naman ang cup cake sa lamesa at magsisimula na sanang magdrawing nang matigilan ako.

“Infairness, gumagaling ka na, isa pa nga.”napatingin ako kina Ate Elai at Esai na siyang nagpipictorial ata sa gilid. Napaawang naman ang mga labi ko dahil do’n. Tumayo naman na ako bago pa nila ako makita o ano ngunit huli na ang lahat.

“Wait,”nagulat naman ako nang hawakan ni Ate Elai ang palapulsuhan ko. Mahigpit ‘yon kaya nabitawan ko ang lapis na hawak. Mabuti na lang pala’y hindi ko dinala pa ang cupcake.

Nanlalaki naman ang mga mata niyang pinulot ‘yon. Napaawang naman ang labi ko nang basahin niya ang nakasulat do’n.

“Elin the sun ray.”sambit niya. ‘Yon din ‘yong lapis na nakita ni Esai noon. Natigilan ako lalo sa pagbanggit niya no’n, she’s just probably reading it, right?

“Where did you found it? Did you buy it or something?”sunod sunod ang tanong niya sa akin kaya napaawang ang mga labi ko dahil nakakatakot din ang tingin niya. My first ever fan gave that to me. My pen name is Sunray. Then the name is Elin.

“What’s wrong with you, Elai, stop it, you’re scaring her.”sabi ni Esai sa kanya. Hinihila na ito paalis sa tapat ko.

“What? I’m just asking!”sabi naman ni Ate Elai na sinamaan ng tingin si Esai.

“Someone gave it to me po..”sabi ko at binawi sa kanya ang lapis.

“Who gave it to you?”nakataas kilay na tanong niya. Hindi ko naman alam kung paano ‘yon sasagutin.

“Fuck! I guess it right!”nagulat naman ako nang halos mapatalon ito sa tuwa. Ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi ay walang kapantay. Napakunot naman ang noo namin ni Esai sa kanya.

“You’re Elin the sun ray!”malapad ang ngising saad niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact do’n.

“The creator of moonlight kiss!”sambit niya pa at malapad ang naging ngisi sa akin. Halos pasukan na ng mansanas ang bibig ko dahil dito.

“Nice to meet you, I’m Iale.”nakangiti niyang saad. Nagloading naman sa akin ‘yon hanggang sa nanlaki ang mga mata ko.

“Iale? As in that number 1 fan?”gulat ko pa ring tanong nang mapagtanto. Ito ‘yong kauna-unahang nagbasa ng comics ko at siya rin ang nagbigay ng isang set na personalize na lapis sa akin na hanggang ngayon ay nagagamit ko pa rin. 

“Omg! Omg! What a small world!”patalon talon na saad nito. Wala na ang masungit na awrang bumabalot sa kanya kanina.

“Omg! Can I hug you? Please! I’m really a huge fan, can I ask for an authograph?”tanong pa niya, hindi ko naman alam kung anong uunahin ko sa mga tanong nito. Dinamba na rin naman niya ako ng yakap kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

“Hala! Seryoso ba ‘to? Omg! I’m so lucky! I tried really hard to find you!”sabi niya pa at isang beses pa ulit akong niyakap. Pakiramdam ko’y tuwang tuwa ang puso ko dahil sa kanya. Hindi pa rin ito mapakali habang nakatingin sa akin, ganoon din naman ako sa kanya, hindi ko rin alam kung paano ako magrereact ngayon. Medyo kinakabahan din ako na baka sabihin niya kina Mama at patigilin ako sa comics. Para kina Mama kasi’y wala akong mararating do’n. Hindi ko nga maintindihan e, pilit nila akong sinasali sa mga musical thing or sa kahit na ano, pero sa bagay na gusto ko’y hindi nila ako magawang suportahan.

“I’m sorry sa inasal ko, I found you suspicious, pakiramdam ko talaga ay kilala kita. Then boom! I really know you.”nakangiti niyang saad sa akin. I started creating comics before akong tumuntong ng grade 8 at si Iale ang una kong naging kaibigan. I won’t call her fan dahil pakiramdam ko’y hindi ko ganoon kadeserve ‘yon.

“She’s the girl I’m talking about!”sabi pa niya kay Esai na nagtataka lang sa kanya.

“Elin the sun ray!”sabi pa niya.

“Yeah, saka ko lang natandaan.”ani Esai.

“I told you she’s really talented!”nakangisi pang saad ni Ate Elai sa kanya.

“She is.”nakatingin naman sa akin si Esai nang sambitin ‘yon. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n.

“I told you, she’s also pretty!”halos mabulunan naman ako sa sarili kong laway doon, I’m not. Alam ko ‘yon. Kahit ilang beses pa akong bolahin ay hindi ako maniniwala dahil sobrang daming nakakalat na salamin sa bahay.

“She is.”dinig kong sambit ni Esai.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon