Chapter 41
Asterin’s POV
“Nandiyan na ba kayo?”tanong ni Ate Elai sa akin mula sa kabilang linya.
“Nandito na po si Esai, Ate, sabi ko naman po sa inyo kaya ko namang magpunta diyan kahit hindi ako sunduin ni Esai.”nakanguso kong saad, bahagya naman akong nilingon ni Esai kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Papunta kami ngayon sa bahay nila, nangako kasi ako kay Ate noong nakaraan na dadalaw ako dito sa bahay nila sa manila.
Nakakahiya pero ano pa bang magagawa ko gayong nangako na ako?
“It’s fine! Siya pa nga ang nagsabing susunduin ka niya!”natatawa niyang saad sa akin. Nilingon ko naman ulit si Esai, tinignan niya naman ako na nakataas ang kilay.
“Sige na, sabihin mo kapag nandito na kayo. Pakisabi rin kay Esai na huwag ka niyang ayaing kumain dahil nagluto si Mama.”sambit nito. Nagpaalam na rin naman siya kalaunan.
“Anong sabi?”tanong ni Esai sa akin.
“Tinatanong kung nasaan na raw tayo at huwag ka rin daw mag-ayang kumain dahil naghanda raw si Tita.”sambit ko bago binaba ang phone. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa bahay nila.
Sinalubong naman agad ako ni Ate Elai nang makita. Katulad noong nakaraan, dinamba lang ako nito ng yakap, napangiti na lang ako habang niyayakao siya pabalik.
“Akala ko hindi nanaman tayo matutuloy!”hinila niya na ako paalis sa tabi ni Esai kaya napatawa na lang ako.
“Asterin!”halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Kuya Koa na siyang dadampa na rin ng yakap sa akin ngunit naitulak na agad ni Esai. Napatawa naman si Kuya Koa dahil do’n.
“Hindi mo sinabing bibisita ka!”sambit niya habang nakangiti sa akin. Nakakausap ko rin ‘to minsan, bumabati kapag birthday niya o ‘di naman kaya’y kapag may mga okasiyon katulad ng kay Ate Elai.
“Hindi naman ikaw ang bibisitahin niya rito, Kuya.”sabi naman ni Esai kaya natatawang umirap si Kuya Koa. Hindi niya naman pinansin ang kapatid at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa akin.
“Alam mo ba mayroong patay na patay sa’yo sa trabaho ko? Ireto ba kita? May boyfriend ka na ba?”sunod sunod na tanong niya, napatawa naman ako roon at umiling.
“Wala po akong boyfriend.”sambit ko.
“Ang ganda mo lalo kaya ang daming patay na patay sa’yo parang ‘yong kilala ko lang---“bago niya pa natapos ang sasabihin ay lumabas na si Tita mula sa kusina.
“Asterin.”nakangiti ‘tong lumapit sa akin. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya.
“Kumusta na po, Tita?”tanong ko habang malapad ang ngiti.
“Ayos lang, Hija! Ikaw? Kumusta na? Ilang beses kong napanood ‘yong movie mo, nakakaiyak!”sambit niya pa. Hindi ko naman maiwasang mahiya dahil do’n, sanay naman na akong pinupuri ng iba tungkol sa mga movies ko ngunit hindi ko lang maiwasang mahiya lalo na’t sina Tita ito.
“Oo nga! Ilang beses nagbabayad si Esai---“bago pa matapos ni Kuya ang sasabihin, siniko na siya ni Tita Demi.
“Huwag kang sabatero, Koa, akala ko rin ba’y aalis ka na? Kanina ka pa late!”sambit ni Tita Demi kay Kuya Koa. Flight attendant ito, ‘yon ang pinakagusto niyang gawin kaya walang interes sa business nila.
“Si Asterin kasi, hindi mo sinabi na pupunta ka pala! Edi sana’y nagday off ako, marami pa naman akong kwento!”sabi niya at ngumisi pa. Naiiling na lang sa kanya si Ate Elai habang si Esai ay nakangiwi rito, masama rin ang tingin sa kapatid.
“Sige na nga, alis na ako. Chat chat na lang tayo, Asterin. Saka pafansign muna pala, selfie na rin!”sabi niya kaya napatawa ako.
“’Yan! User ka talaga kahit kailan, Kuya, sigurado akong ibebenta mo lang naman ‘yan sa mga kasama mo sa trabaho!”sabi ni Ate Elai, natawa naman si Kuya Koa, guilty din, ‘yon talaga ang balak gawin. Natawa na lang ako at pinagbigyan ang mga hiling niya.
“Pavideo greet na rin---“bago niya pa matuloy ay hinila na siya ni Tita Demi, nahihiya na rin sa akin. Napatawa naman na ako roon, just like the good old days. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.
“Pasensiya ka na, Hija, ang kulit kasi talaga ng Kuya Koa mo, alis na nga, Anak, late ka na!”sambit ni Tita Demi, tinaboy lang din nina Ate si Kuya Koa na natatawang nakiselfie pa bago pakaway kaway na umalis.
“Pasensiya na talaga, Asterin.”sabi ni Ate Elai.
“Ayos lang po ‘yon.”nakangiti kong saad sa kanila. Kahit paano’y pakiramdam ko’y welcome din ako rito sa bahay nila.
“Handa na ang niluto ko, halina kayo!”sambit ni Tita sa amin. Tumango naman kami habang si Ate Elai, sobrang daming kwento, nalilibang naman ako sa pakikinig sa kanya.
She already have her own sport center kaya minsan kilala niya rin talaga ang mga tao sa industriya, minsan kasi’y ginagawang advertiser ang kanyang mga hawak na players. Sobrang hilig talaga niya sa sport na ‘yon na rin ang pinagkakakitaan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakapiranggot na inggit doon, sana’y ako rin. Gusto ko rin makapagpagawa ng sarili kong art gallery.
“Ang dami mong narating sa ikli ng panahon, hija. Sigurado akong proud sa’yo ang Mama’t Papa mo.”sambit niya sa akin, ngumiti naman ako roon. How I wish, hindi ko pa kailanman narinig na proud sila sa akin.
Nasa may hapag na kami, nagkukwentuhan lang tungkol sa kung ano. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may pumasok sa loob. Hindi ko alam kung paano ako magrereact, ganoon din sina Ate Elai nang makita kung sino ang malapad ang ngiting may bitbit na kung ano.
Akala ko ba’y nasa abroad pa ito? Kailan siya umuwi? Bakit hindi ko alam? Bakit mo ba dapat malaman, Asterin?
Agad akong napatingin kay Ate Caroline na natigilan at nawala ang malapad na ngiti nang mapatingin sa akin. Si Auntie Rosa ay ganoon din, hindi sila makapaniwala habang nakatingin sa akin. Kita ko naman ang pagbalik ng ngisi mula sa mga labi ni Ate. Hindi ko mapigilang mainis, maging masaya, malungkot at kung ano ano pang emosiyon. Hindi ko alam kung ano nga bang mararamdaman ko ngayong nakaharap ko na siya.
Naiinis ako sa nakikitang mapanginis niyang ngisi, hindi ko lang maiwasang maaalala kung paano niya sirain ang pangalan ni Mama at kung paano niya ninakaw ang mga bagay na akin. Hindi ko rin maiwasang matuwa na nakikita ko ito ngayon, mas lalo rin siyang gumanda, mas nadepina ang sexy’ng katawan nito. She’s really pretty, sobra.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil kahit paano’y Ate ko ito, hindi man kami magkadugo pero Ate ko pa rin siya, nakasama sa isang bahay.
“Oh, may bisita ka pala, Tita!”nakangiti niyang saad bago lumapit kay Tita Demi at niyakap ‘to ng mahigpit bago niya hinalikan sa pisngi. Napahigpit naman ang pagkakahawal ko sa aking kutsara at nag-iwas ng tingin. Tumayo rin ako upang magmano kay Auntie Rosa, kahit paano’y Tita ko pa rin ‘to at naturuan naman akong gumalang.
“Oh, Asterin, nandito ka pala? Wala ka na bang project? Baka mamaya’y magaya ka sa Mama mo!”natatawa niyang saad nang magmano ako sa kanya.
Kumuyom naman ang kamao ko roon. Hindi ko mapigilang mairita sa sinabi nito, she’s obviously the same Auntie Rosa years ago.
“Oh… open ka rin minsan ng tv, Auntie.”nakangisi kong saad, hindi man gustong magyabang ngunit iritado na ako rito. Aba’t hindi ko naman hahayaang mabaliwala ang pagtetrain sa akin ni Mama Ella no. Sobrang daming tinuro no’n sa akin.
“Nag-artista ka lang, yumabang ka na.”mariing saad niya, sa paraang dalawa lang kami ang nakakarinig, kumuyom ang kamao ko dahil do’n.
“Natuto lang po.”natatawa kong saad bago bumalik sa kinauupuan ko dahil inis na inis na ako, parang imbis na makapaglibang, masstress lang ako rito. Hindi maiwasang ang pagkainis. Nakakairita. Ang tagal naming hindi nagkita at ganoon ang bungad niya? Anong mayroon sa mindset nito at hanggang ngayon ay hindi niya maituwid.
“Hello, Asterin!”masiglang saad sa akin ni Ate Caroline, parang walang ginagawang kung ano sa akin, sa amin. Akala mo’y ayos kami kung makalapit siya ngayon. Tipid ko lang siyang nginitian, wala ako sa mood para makipagplastikan dito.
“Ano pang gusto mo?”tanong sa akin nang katabi kong si Esai.
“Ayos na ako.”sabi ko at ngumiti lang ng tipid bago nagsimula na ulit sa pagkain. Pinaupo na rin ang mag-ina. Mag-ina. Hindi pa rin talaga ako masanay sa loob ng ilang taon, si Mama ang naging ina nito.
“What? Huh? Hindi ako pupwede… busy ako… ano?”nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Esai, nilingon ko naman siya dahil do’n. Napatingin din siya sa akin.
“What’s the problem?”tanong ni Ate Elai sa kanya.
“May problema raw sa kompanya,”sambit niya at nilingon ako. Hindi ko alam kung nagdadalawang isip siyang umalis dahil sa akin o ano. Nginitian ko naman siya at pinaalis.
“Sige na, hindi naman ikaw ang pinunta ko rito. Alis na.”natatawa kong saad sa kanya. Napanguso naman siya habang nakatingin sa akin, maya-maya’y may tumatawag nanaman kaya wala siyang choice kung hindi ang sagutin ‘yon.
“Are you sure you’re fine here?”tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
“Yup! Ingat!”sambit ko. Nagpaalam din siya kina Tita, nakita ko pa kung paanong malambing na nagsalita si Ate habang nakangiti sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin, binalik lang ang mata sa pinggan.
Nang umalis ‘to’y tinabihan naman ako ni Ate Elai at kinuwentuhan ng kung ano, nagkunwari lang ako na hindi interesado sa usapan nina Ate Caroline, Auntie Rosa at Tita Demi, nagkunwaring nakikinig lang kay Ate Elai. Mabuti na lang ay artista ako at magaling umarte.
“Esai’s really hard working no, Tita?”nakangiting saad ni Ate, sobrang close nila ni Tita Demi na talagang niyayakap pa niya ito.
I want to focus sa pinag-uusapan namin ni Ate ngunit hindi ko magawa, hindi ko lang talaga maiwasang ifocus ang sarili sa usapan nila. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Ate o masiyado ko lang talagang iniisip ‘yon, talagang nilalakasan niya kasi ang tinig habang nagkukwento ng experience nila ni Esai na obvious naman na alam din ni Tita dahil kasama niya ‘to.
“I really like when we travel sa maldives, Tita, sobrang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan ang araw.”nakangiti niyang saad.
“You should also visit that, Asterin, ang ganda roon, sobrang dami ko ngang litrato na galing kay Esai e.”sabi niya pa at ngumiti sa akin nang lumingon ako. Nakitaan ko pa ng malapad na ngiti ang kanyang mga labi, tinignan ko naman kung sincere ba talaga ang ngiti nito. Hindi ko alam.
“Right, you two should catch up, ikwento mo rin kay Asterin ang mga offer mo, ang dami ring fans nitong si Caroline.”pagmamalaki ni Auntie Rosa sa kanyang anak.
“Yup, I already travel na rin, sobrang sayang magpinta.”nakangiti pa nitong saad. I know. Ayaw ko mang mainggit ngunit hindi ko rin maiwasan dahil talagang ‘yon ang pinakangarap ko sa lahat.
“Sus, if she didn’t stole your works, hindi naman siya sisikat ng ganyan.”bulong bulong ni Ate Elai sa akin. Napailing naman ako roon, I don’t think so, maybe she’s really good. Hindi naman siya sisikat hanggang ngayon kung talagang dahil lang sa akin.
Nagpatuloy pa ang pagkukwento niya ng kung ano ano, lahat ng experience nila ni Esai, bumubulong bulong naman sa tabi ko si Ate Elai ngunit isa lang ang pagtanto ko habang nagkukwentuhan. Marami na nga talaga akong hindi alam.
“Alam mo bakit ba ang hilig mong makisingit? Papansin ka rin talaga no?”tanong sa akin ni Ate Caroline nang iwanan kami nina Tita dahil nagtungo sa garden habang si Ate Elai naman ay lumabas dahil may kausap na player.
“Nililigawan ako ni Esai.”sambit niya pa. Bahagya akong nagulat ngunit hindi ko pinahalata, hindi naman siya sinungaling, magnanakaw nga lang.
“Oh? Bakit sa akin mo sinasabi? Ako ba ang pinaniniwala mo o sarili?”natatawa kong tanong sa kanya. Agad sumama ang timpla ng mukha nito.
“Girl, sasagutin ko na siya.”sabi niya pa.
“So? Ano naman sa akin? Nathreaten ka bigla? Ganda ko ba?”natatawa kong tanong dahil madalas niya akong sabihin na pangit ako noon. Hindi ko rin maipagkakaila na nasasaktan ako.
Fuck.
Bold of you to assume that something’s going on between the two of you when all those years sila ang magkasama ni Ate. Sila nga naman talaga. Bakit ba umaasa ka pa, Asterin?
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...