Chapter 39

1.9K 62 1
                                    

Chapter 39
Asterin’s POV

“Asterin, hindi ka pa ba uuwi?”tanong ni Mama Ella mula sa kabilang linya.

“Mamaya na po, Mama Ella, tulog na po kayo.”sambit ko sa kanya.

These past few days, talagang nalilibang akong maupo sa bench dito sa labas, mapuno kasi kaya presko, ang sarap pang pagmasdan ang kalangitan. Maliban doon, may hinihintay din kaya lang ay hindi ko naman siya magawang makita, noong nakaraang linggo ko siya huling nakita. Hindi na nasundan pa.

Nakatayo na ako nang matigilan nang makitang palabas na si Esai ng studio niya, mabuti na lang pala’y hindi pa ako umaalis. Natigilan naman siya at napatingin sa akin, napakurap pa ito ng ilang beses at kita ko ang pag-awang ng kanyang mga labi. Maliit na kalsada lang naman ang pagitan naming dalawa. Mukhang gulat ito na nakita niya ako ngayon.

“Hala.”bulong ko sa sarili nang maramdaman ang biglaang buhos ng ulan. Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yon? Walang mga bituin kanina! Hindi ko na tuloy alam kung swerte ba ako o malas. Kung kailan nakita ko na si Esai saka naman bubuhos ng ganito kalakas ang ulan.

“Elin.”nagulat ako nang nakatawid na si Esai, aba’t may lahi bang flash ‘to.

“Uyy, Esai! Ikaw pala!”nagawa ko pa talagang bumati sa gitna ng malakas na ulan.

Hinila niya naman ako at parehas na nanakbo patungo sa studio niya. Binuksan niya lang ‘yon at pinapasok ako. Malawak at maganda ang studio niya, alam ko’y hobby niya lang ‘to kaya hindi ko rin maiwasang mainggit.

“Upo ka muna.”sambit niya kaya tumango lang ako. Nagtungo lang siya sa dressing room niya bago kumuha ng bagong towel.

“Ito lang ang damit na medyo komportableng tignan.”sabi niya kaya agad akong umiling.

“Nako, ayos lang, hindi naman ako gaanong basa.”ani ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay at tinignan pa ang damit.

“Change your clothes. Baka magkasakit ka.”sabi niya, nahihiya man, tinanggap ko na lang din ‘yon at nagtungo sa dressing room para magbihis. Bago pa ako makapasok ay nilingon ko siya.

“How about you? You won’t change your clothes? Nabasa ka rin.”sambit ko sa kanya.

“I’ll change here.”aniya kaya napatango ako. Mabuti na lang ay kaswal lang kami sa isa’t isa

Amoy na amoy ko na agad ang mabangong halimuyak mula sa damit niya. Actually, mayroong mga damit dito pero mga pang photo shoot ‘yon. Lumabas naman na ako ng makatapos makapagpalit. Awkward naman akong ngumiti.

“Uhh… thanks.”sambit ko bago naupo sa kabilang parte ng sofa.

“Do you want coffee?”tanong niya sa akin. Bahagya naman akong tumango. Mayroon pa siyang coffee machine dito sa studio niya. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa buong paligid. Noon pa man ay minimalist na ito kaya hindi na rin naman ako nagtaka nang makitang ganoon pa rin hanggang ngayon.

Madami ng pinagbago, bukod sa lumawak, marami na rin siyang chechebureche para sa pagkuha niya ng litrato. Lumapit naman na siya na may dalang coffee.

“Thank you… pasensiya na sa abala.”nahihiya kong saad.

“It’s nothing.”sambit niya na iniabot sa akin ang kape.

“What are you doing out there?”tanong niya sa akin.

“Ahh, nag-aaral ako.”ani ko at ngumiti sa kanya. Napaawang naman ang labi niya habang nakatitig sa akin.

“I’m dying to tell you this… hmm, I’m really proud of you… you did well all these years.”sambit niya kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. He always have his way of making people feel good. Parang napupuno ang puso sa saya.

“Thank you…”sabi ko bago sumimsim sa kape. Natahimik naman kaming dalawa habang nakaupo sa sofa niya, ang malakas na ulan lang ang naririnig mula rito sa loob.

“I also want to say that to you.”hindi ko mapigilang sambitin.

“I’m proud of you, Esai.”sambit ko. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

“By the way, are my fans annoying you?”tanong ko sa kanya.

“Nah, not really, hindi naman ako ganoon kaactive to read their comments.”sambit niya, napatango naman ako, ganoon naman talaga siya, bakit nga ba nag-aalala pa ako?

“They are actually interesting, you’re like a baby kitten they need to protect.”sabi niya kaya bahagya naman akong nahiya.

“I’m happy that there’s so many people that really love you…”nakangiti niyang saad. Tumango naman ako roon, ramdam na ramdam ko rim naman kasi talaga ang pagmamahal ng fans ko.

“Anong oras na, kailangan ko ng umuwi.”sambit ko kahit na ayaw ko pa naman talaga, paniguradong masesermonan ako ni Mama Ella kapag hindi pa ako nakauwi.

“Malakas pa ang ulan.”aniya.

“It’s fine, may dala akong kotse.”sabi ko at nginitian siya.

“Ihahatid na kita.”sambit niya pa kaya umiling na ako.

“Delikado sa kalsada, if you don’t want to stay here, let me drop you…”aniya pa. Napanguso naman ako bago tumango.

“Paano ang kotse ko?”tanong ko naman.

“We’ll use your car then?”patanong na sagot niya naman.

“Paano ka?”tanong ko ulit. Agad naman akong napailing nang maisip na magcocommute ito.

“Let’s just use your car.”sambit ko.

“I can fetch you tomorrow if you want…”mahina lang ‘yon, mukha siyang nahihiya. Parang gusto ko na rin tuloy mahiya dahil sa kanya.

“Ano… hindi na, nakakahiya naman.”awkward pa akong natawa roon.

“You don’t have to, busy ka rin, hindi ba?”tanong ko.

“Hindi naman, I’ll fetch you, anong oras?”tanong niya. Sinabi ko naman ang oras ng pagpasok ko, kaswal lang kaming nag-usap na dalawa habang nasa kotse niya, hindi naman na ganoon kalakas ang ulan. Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya.

“Chat me kung nakauwi ka na.”sabi ko, bahagya naman akong nahiya dahil sa sinabi kaya agad na dinugtungan.

“I mean, ano…”hindi ko alam kung paano ieexplain, baka mamaya’y sabihin nito’y masiyado naman akong feeling close.

“I’ll chat you. Good night, Elin.”sambit niya. The nostalgia feeling of him calling me Elis makes my heart shiver.

Nang makapasok, nadatnan ko agad si Mama Ella na nanliliit ang mga mata habang nakatingin sa akin. Napatikhim naman ako roon.

“Anong ibig sabihin no’n, Asterin Elin, aba’t nagawa mo na agad humarot? Sino ‘yon?”tanong niya pa sa akin. Napanguso naman ako sa pangliliit ng mga mata ni Tita sa akin.

“Si Esai po, Mama Ella…”sambit ko kaya agad nanlaki ang mga mata niya at napalitan ng mapang-asar na ngiti.

“Basta huwag kang papahuli sa media.”aniya pa kaya napailing na lang ako.

Nang makalinis na ng katawan, nahiga na ako sa kama at nakatanggap ng chat mula kay Esai.

@EsaiGallejo: I’m already home.

@AeEndrano: Okay. Pahinga na.

Mabilis lang ‘tong nakapagreply.

@EsaiGallejo: Hmm, sleep well, Elin.

And that night, I slept peacefully, hindi pa rin makalimutan ang encounter namin ni Esai. Kinabukasan, nang nasa set na ako’y hindi ko pa rin maiwasang isipin si Esai, talaga bang susunduin niya ako?

“Ms. Ae, nandiyan po si Sir Harvee sa labas.”sabi sa akin ni Maricel. Napasimangot naman ako roon.

“Just let him in.”ani ko.

“Good morning, Ae.”nakangiting saad ni Harvee at hahalikan pa sana ako sa pisngi ngunit nakailag na agad ako bago niya pa magawa ‘yon. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya patawa tawa siyang naupo sa upuan na katabi ko lang.

Nagtanong tanong pa siya ng kung ano ano sa akin, hindi ko naman sinasagot ‘yon kaya nakatingin lang sa aming dalawa ang make up artist. Laking pasasalamat ko na nagstart na rin ang show dahil iritado na ako sa pakikinig dito kay Harvee.

Malapad naman akong ngumiti sa kanya nang nasa harap na kami ng camera, pilit akong ngumiti kahit iritadong iritado na sa pagkakahawak niya sa baywang ko.

“Isa ka talagang plastik, Ae.”natatawa niyang bulong sa akin. Minsan naiisip ko na magaling talaga akong artista dahil nagawa kong kontrolin ang mukha kahit inis na inis na sa lalaking kasama. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.

Malapad naman ang naging ngiti sa amin ng host ng show. Ganoon din kami.

“Looking great!”nakangiti niyang saad sa amin. Nagtanong tanong lang ‘to ng kung ano ano, sinagot din naman namin ‘yon.

“We’re good, sa relasiyon normal naman na may mga hindi pagkakaunawaan.”sambit niya, pinilit ko ang sarili na huwag ngumiwi. Actually, sa showbiz kapag sinabi mong may hindi pagkakaunawaan, iisipin na agad ng mga tao na break na kayo, advanve mag-isip e.

“That’s right, is it about Mr. Gallejo?”natatawang saad no’ng co-host kaya bahagya siyang siniko no’ng host. Hindi naman na mababawi ang tanong dahil nakalive kami.

“Uyy, grabe, mataas po ang standard no’n, nakakahiya naman po kung malink ako sa kanya gayong sobrang kilala siya hindi lang sa industriya.”saad ko. Hindi ko gustong madamay si Esai at baka kuyugin pa ‘to ng mga fans ko at ni Harvee, nakakahiya.

“How about your new show? You should promote it.”nakangiti nitong saad no’ng host. Laking pasasalamat ko na lang talaga na iniba rin ang tanong. Prinomote naman namin ang bago naming movie.

Nang makalabas ay agad kong inalis ang kamay niyang nasa baywang ko. Napatawa naman siya ng mahina roon at nagtaas ng kamay.

“Easy.”natatawa nitong saad kaya napairap ako at naglakad na paalis.

Maayos naman ang naging daloy ng araw ko at nang kinagabihan, hindi ko alam kung bakit sobrang extra ayos ako, halos hoodie nga lang ang suot ko kapag pumasok. Nakangisi naman si Mama Ella habang pinagmamasdan ako. Iniwas ko ang tingin sa kanya, ni hindi nga ako sigurado kung susunduin ba ako ni Esai dahil hindi siya nagchat at nahihiya naman akong itanong. Baka busy ito, nakakahiya naman kung makakaabala pa ako, hindi ba?

“Aba’t talagang nagmake up pa!”puna ni Mama Ell kaya nahiya ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba ginagawa ito!

Nang napatingin ako sa phone ko, nakita ko ang chat mula sa kanya. Ang sabi nito’y hindi siya mahilig magscroll sa social media ngunit madalas ko namang makita ang likes niya sa ig, sa mga tag photo ako sa mga fans.

@EsaiGallejo: I’m already outside, but take your time.

Napangiti naman ako roon, naalala lang ‘yong araw araw niyang pagsundo sa akin.

@AeEndrano: Palabas na ako! Thanks sa pagsundo!

“Nagmadali pa.”sabi pa ni Mama Ella habang pinapanood ko, natawa na lang ako at nailing sa pamumuna nito. Naglakad na lang ako patungo kay Esai, agad kong nakita ang kotse niya na nakapark sa tapat ng bahay.

“Hi, sabi naman sa’yo ‘di na kailangan e.”nahihiya kong saad.

“It’s fine, I’m not that busy.”aniya bago ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok naman na ako roon.

“Have you eaten?”tanong niya nang makasakay na rin.

“Yup!”sabi ko kaya napatango siya, napatingin naman ako sa likod ng kotse niya. Nakita kong may mga pagkain do’n.

“Uhh, you can just eat that while studying.”aniya at iniabot sa akin. Pansin ko namang dalawa ‘yon kaya napatitig ako sa kanya.

“Kumain ka na?”tanong ko. Ngumiti lang siya at bahagyang umiling.

“Actually, hindi pa ako ganoon kabusog, let’s eat for a while, anong oras pa lang naman.”nakangiti kong saad sa kanya at pinahinto ang sasakyan nang nasa tapat na kami ng school.

“Are you sure?”tanong niya. Tumango naman ako. Well, I don’t really mind eating with him pero sira ang diet kung sakali, kailangan nanaman ng extra work out. Hindi naman na kami lumabas pa at dito na sa may kotse kumain dahil sayang pa ang oras kung lalabas. Kaswal lang kaming nagkukwentuhan, syempre, magkaibigan naman kami noon kahit na hindi kaibigan ang turing ko sa kanya. He was just randomly asking about my day, katulad noon. But now, marami siyang baon na tanong.

“What about you? How was your day?”tanong ko sa kanya.

“It’s extra good.”nakangiti niyang saad. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa oras na para pumasok, kakabitin naman.

“Alis na ako, salamat sa pafoods and pagsundo. Bawi ako next time.”ani ko.

“So there’s next time…”sambit niya kaya agad akong napatikhim doon at nahiya. Mahiya ka naman, Asterin.

“Sige na, bye!”sambit ko.

“Hmm, Elin…”tawag niya nang paalis na ako. Nilingon ko naman siya.

“Can I get your number?”tanong pa nito kaya hindi ko mapigilan ang pagngiti.

“Hmm, sure.”sambit ko. Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad papasok sa eskwela.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon