Chapter 1
Asterin’s POV
“Asterin, wake up, nandiyan na ang bisita ng Mama’t Papa mo.”sabi nina Manang Lyka nang pumasok sa kwarto.
“Opo, Manang.”aniko at ngumiti sa kanya. Tumayo naman na ako pata asikasuhin ang sarili. Tinignan ko lang ang sarili sa salamin, hindi ko mapigilang mapabuntong hininga nang makitang dumami lang ang tigyawat ko, ang ilan naman ay gumaling na ngunit nangitim nga lang. Ni hindi pa nga naalis ng tuluyan ay nadagdagan namaman. Napangiwi na lang ako sa sarili bago ako bumaba ng kwarto.
Agad ko naman nakita si Mama at Papa na pinapakilala na si Ate. Agad nila akong sinenyasan na lumapit.
“Si Asterin, bunso namin.”sabi pa ni Mama at ngumiti sa kanyang bisita. Magalang lang akong bumati rito bago pinaglaruan ang aking mga daliri lalo na no’ng doon na nagtapos ang pakikilala sa akin.
“Caroline is actually top of her class. Matalino ang batang ‘to e.”pagmamayabang pa ni Mama sa Ate kong si Caroline. Sanay na ako. Mula ata pagkabata ko’y ‘yon na ang naririnig. Magaling kasi sa lahat si Ate, sa sports, sa academics, music, lahat ata’y kaya niyang gawin. Nanatili lang akong nayuko habang nakikinig sa walang sawang pamumuri ni Mama sa kapatid.
“Sabi ko nga rito kay Asterin, sundan niya ang yapak ng Ate niya e pero syempre wala pa rin talagang tatalo sa original, ‘di ba?”natatawa pa nitong saad. Nagtawanan pa sila ng kausap. Pinupuri rin nila ang anak nitong lalaki. Minsan ay hindi ko maiwasang magselos kapag kinukumpara ako sa iba pero naisip ko na baka tama lang naman ‘yon, normal lang naman ito sa bahay namin.
Ni hindi ko nililingon ang mga ito, hindi ko na kailangan pang makatanggap ng kahit ano mang pangungutya. Tahimik lang din ako kahit nang nasa hapag na kami. Kapag tinatanong ay sumasagot ngunit hindi naman madalas mangyari ‘yon. I felt really left out. Nang matapos kaming kumain ay nanatili pa rito ang kaibigan ni Mama. Kanya-kanya naman ng usapan ang mga ito. Tumayo na lang din ako para sana umakyat na sa kwarto dahil hindi rin naman ako mapapansin ang mga ito.
“Oh, saan ka pupunta, hija?”nakangiting tanong sa akin no’ng babaeng kaibigan ni Mama. Kita ko ang tuwa niya habang pinagmamasdan si Ate. Pinipilit pa nila ‘tong makipag-usap sa anak na binata nito.
“Aakyat na po, Tita Demi.”sabi ko na lang at bahagyang ngumiti.
“Ano nanaman bang gagawin mo, Asterin? Ayaw mo bang manatili muna rito? Sigurado ka bang pag-aaral ‘yang inaatupag mo?”tanong pa ni Mama sa akin. Napakagat ako sa aking labi dahil nakakahiya naman kung mapapagalitan ako rito sa harap ng mga bisita although parang sanay na sanay naman na ako roon.
“Ma, hayaan niyo na po. Humahabol nga po sa honor.”natatawang saad ni Ate. Pakiramdam ko’y may kasamang pang-iinsulto ‘yon. Nang lingunin ko siya’y pinagtaasan niya lang naman ako ng kilay. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpaalam na sa kanila bago ako dumeretso ng kwarto.
Nagsimula naman na akong mag drawing sa tablet ko. The only thing I’m good at na alam kong para lang talaga sa akin ay ang pagdodrawing at pagpipinta. ‘Yon lang ang meron ako na hindi ko kailanman sinubukang gayahin kay Ate. Sa mga drawings ko? Tila ba hindi ko kailangan isipin na pangalawa ako na isa lang akong sunud-sunuran sa Ate ko.
Buong gabi ko ‘yong ginawa. Noong isang linggo ko pa tinatapos ang isang kabanata. Hindi naman kasi ganoon kadali ito.
Bahagya akong napangiti nang makita ko ang ilang comments nang matapos ko na ito at naipost na sa isang website kung saan walang nakakakilalang kung sino sa akin. Kapag nalaman kasi nina Mama ito’y paniguradong patitigilin ako lalo na’t hindi ito connected sa pag-aaral. Minsan naisip ko na ang unfair dahil si Ate, ayos lang kahit na ano pang atupagin nito ngunit saka ko lang din naman napagtanto na, oo nga pala, hindi naman ganoon kataas ang mga grado ko sa kanya. Kahit anong gawin niya’y matalino na siya. Hindi na kailangan pang magsunog ng kilay para lang makuha ang kanyang gusto.
Napapikit na lang ako at inalis sa aking nga isipan ‘yon.
“You should stop being jealous, Asterin.”pabulong na saad ko sa sarili at nahiga sa kama. Matagal lang akong natulala sa aking kisame bago nilingon ulit ang ilang mensaheng natanggap mula sa mga fans ng drawing ko. Bahagya naman akong napangiti doon.
I can actually stay in my room for a whole day na hindi man lang nabobored. I have so many things to do. Nang matapos akong makipaginteract sa ilan, tumayo na ako sa aking kama at kinuha ang canvas ko bago ako lumabas sa kwarto. Hindi ko mapigilang mapangiti nang silipin ang bakuran. Papalubog na ang araw! Nagmamadali naman akong bumaba sa aming hagdan ngunit agad ding natigilan nang makita ko na nandito pa rin pala ang mga bisita ni Mama.
Nawala naman ang ngiti ko at napalitan ng hiya dahil ang mga mata nila’y nasa akin ang tingin.
“Saan ang punta mo, hija?”nakangiting tanong ni Tita Demi sa akin. Bahagya naman akong napagingin sa katabi nitong si Auntie Rosas. Hindi ko alam na nandito ito. Kapatid ito ni Papa at istrikto sa lahat ng bagay, si Ate nga lang ata ang paborito nito sa aming magpipinsan dahil ito lang naman ang hilig niyang ipagmalaki sa lahat.
“Sa labas lang po..”sambit ko bago lumapit kay Tita bago nagmano.
“Hindi ka man lang ba mag-aaral, hija?”tanong pa nito sa akin.
“Ate, kakalabas lang ni Asterin.”sabi naman ni Papa sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa labas, baka mamaya’y magtagal pa ang pakikipag-usap ko sa mga ito. Gusto kong eksaktong masaksihan ang paglubog ng araw. Sana pala’y sa bolkanahe na lang ako pumwesto.
“Nagmamadali ka?”tanong niya pa at pinagtaasan ako ng kilay. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na lang sumagot. Kung sasagot pa ako’y mas lalo lang ‘tong magagalit kahit na wala naman talaga siyang dapat ikagalit. Hindi ko alam kung dahil ba matandang dalaga ito o sadyang ganoon lang talaga siya makitungo sa akin.
Agad din naman akong lumabas nang wala na ang atensiyon nila sa akin ngunit agad akong napabuntong hininga nang wala na ang hinihintay na paglubog ng araw. Tuluyan na itong lumubog. Para naman hindi sumama ang loob ko’y ipininta ko na lang din ang unti-unting pagkaway ng buwan. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagpipinta, tila ba dinadala ako nito sa kung saan.
Napatayo naman ako nang nagsilabasan sina Mama at mukhang paalis na ang kaibigan nilang sina Tita Demi. Hindi ko alam kung paano niya ito naging kaibigan but base on what I heard, kalilipat lang dito sa Villa Sure nina Tita.
“Mauna na kami, hija,”nakangiti niyang saad sa akin. Ngumiti lang din naman ako sa kanya.
“I think we need to go, see you around, Asterin.”sambit sa akin ni Kuya Koa. ‘Yong anak na lalaki ni Tita Demi. Kita ko naman ang malapad na ngiti ni Ate rito. Sinenyas niya pa ang cellphone niya at kumindat dito. Hindi na bago sa akin ‘yon, maraming kaibigang lalaki si Ate at marami rin akong nabalitaan na naging boyfriend nito. Sino nga bang tatanggi kung ganito katalino at kaganda? Kahit sino naman ata’y talagang gugustuhin siyang maging nobya. ‘Yon nga lang hindi alam nina Mama’t Papa na may nobyo ito.
Sa tingin ko naman, kahit malaman pa nila’y hindi naman nila ‘yon pipigilan. Ayos lang ‘yon sa kanila. Bahagya naman akong napatingin kay Kuya Koa, kita ko ang pagkunot niya ng noo kay Ate bago niya rin ito kindatan. Napakibit na lang ako ng balikat doon.
Kahit ako’y ginagamit kong reference si Ate sa mga drawing ko, hindi ko naman kasi maitatanggi na maganda ang taste of fashion nito at maganda rin siya. Napatingin naman sa akin si Kuya Koa nang mapansin niya ang pagmamasid ko sa kanya, hindi ko lang kasi maiwasang pagmasdan ang kabuoan nito, sigurado akong maganda rin kung gagawin ko siyang reference sa bagong character na idodrawing ko.
Nginitian niya lang ako nang mapansin niya ang tingin ko sa kanya bago siya kumaway nang tuluyan na silang umalis.
Kinabukasan, maaga akong nagising at maaga na ring nakagayak para sa pagpasok sa eskwela.
“Una na po ako.”sambit ko dahil hindi ko na matagalan pa ang maghintay kay Ate. Tumango lang naman sa akin si Mama. Nauna na akong lumabas ng bahay para magcommute.
“Oh, ihatid na kita, Asterin.”sabi ni Mang Kanor sa akin bahagya naman akong umiling, pagagalitan lang ito ni Mama panigurado ako. Kapag kasi ako ang nagcocommute, ayos lang sa kanila ngunit kapag si Ate ang nauna at kailangan niya ng umalis, hahayaan nilang maiwan ako ng sasakyan. Bahagya na lang akong ngumiti kay Mang Kanor bago ako naglakad patungo sa sakayan.
Nagmamadali akong sumakay sa bus dahil nagmamadali rin ang driver. Halos hindi ko naman magawang kontrolin ang sarili lalo na nang umandar agad iyon habang naglalakad pa lang ako. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita kong natapon ang acrylic na hawak hawak ko.
“Hala, kabibili ko lang nito.”reklamo ko sa sarili ngunit nagulat nang mapatingin sa isang lalaking siyang natapunan. Ang napakapikit nitong mga mata’y bahagya akong nilingon. Kunot agad ang noo nito nang mapatingin sa akin.
“Sorry po!”hindi ko mapigilang sambitin, pupunasan niya pa sana ‘yon ngunit agad kong hinawakan ang kamay niya ngunit huli na dahil mas kumalat pa sa uniform niya. Kunot noo niya namang nilingon ang kamay kong nakahawak sa kanya.
“Miss, ano ba? Dadaan din kami!”sabi no’ng mga nasa likod ko. Napakagat na lang ako sa aking labi. Nakasimangot naman na umusog ang lalaki palapit sa may bintana.
“I’m really sorry..”sabi ko nang makaupo na.
“It’s fine.”suplado niyang saad, bahagyang napakunot ang noo ko nang mapansing parehas kami ng school na pinapasukan. Well, masiyadong maluwag ang St. Empire para makilala ko ang lahat ng estudyante.
“Do you have extra uniform? Do you want me to buy you? I’m really sorry! Hindi ko sinasadya!”nahihiya kong saad. Hindi na lang niya ‘yon pinansin at inalis na lang ang uniform na suot niya.
“What do I need to do?”tanong ko pa dahil hindi mapakali.
“Let me take a nap.”sabi niya na parang wala lang ang nangyari bago siya sumandal sa may salamin para matulog. Hiyang hiya naman ako rito at nanahimik na lang, hinayaan siyang umidlip. Nang makarating na sa school ay hindi ko alam kung gigisingin ko ba ‘to o ano.
“Uh.. we’re here.”ani ko sa kanya. Tumango lang naman siya sa akin. Lumabas naman na ako nv bus at nilingon siya ng makababa.
“I’m really sorry, here’s my numb—“natigilan naman ako sa sasabihin dahil nakatingin lang siya sa akin. Baka isipin pa nitong sinadya ko ‘yon.
“If you need a new uniform, you can go to 203 building.”sabi ko at bahagya lang siyang nginitian. Mukhang wala rin naman ‘tong balak na gawin ‘yon kaya napakibit na lang siyang umalis.
Naglakad na rin naman ako papasok ng classroom. Napangiti na lang din ako nang makita ko si Macy na tumatakbo patungo sa akin.
“Hi! Mabuti’t inagahan mo nga talaga ngayon!”nakangiti niyang saad bago kinawit ang kanyang braso sa akin. Bahagya na lang akong napangiti. Sa lahat ng kaibigang mayroon ako, siguro masasabi kong si Macy ang pinakatotoo. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan gayong ang layo naman ng personality namin sa isa’t isa. Minsan nga’y naiisip ko kung nauubusan ba ‘to ng enerhiya o ano.
Napangiti na lang ako nang ang dami dami niya na agad kinuwento sa akin habang naglalakad kami papasok sa classroom.
“Ano ba ‘yan, Macy, grade 9 ka pa lang ang harot harot mo na!”natatawang saad ni Margaret na siyang nakikiusisa sa kwentuhan namin. Agad namang napairap sa kanya si Macy, noon pa man ay magkaaway na talaga ang mga ito. Lagi rin kasing gigil sa isa’t isa.
Nag-angilan lang sila bago kami pumasok sa classroom. Kakatapak lang din talaga namin sa ikasiyam na baitang. Kaibigan ko ma si Macy simula pa lang noong first year high school kami.
Hindi na rin naman niya pinansin pa si Margaret na patuloy pa rin sa pagdadaldal. Medyo matagal pa naman magsisimula ang klase kaya inabala ko muna ang sarili sa pagdodrawing, mamaya ako magpipinta dahil paniguradong makukulayan nanaman ang aking damit.
“Alam mo, pakiramdam ko’y hindi ka na mahkakajowa pa, ano ba namang mula umaga hanggang gabi’y iyan na ang ginagawa mo.”sabi sa akin ni Macy. Nilingon ko naman siya dahil do’n.
“Macy, we’re too young for love. I can’t even see myself having a relationship right now.”ani ko bago napakibit ng balikat. Napatawa naman siya sa akin dahil dito.
“Anong too young? Kapag tinamaan ka, ‘yon na ‘yon. Walang bata bata sa pag-ibig. Alam mo bang at the age of 16 possible raw na nakilala mo na raw ang soulmate mo.”sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya. Kung ano ano talaga ang nababasa nito sa internet.
“Ewan ko sa’yo, Macy, you should use your time to study, hindi sa mga ganyang bagay.”naiiling kong saad sa kanya.
“Alam mo wala ka ng nasa isip kung hindi ang mag-aral, hindi naman lahat ng nakapagtapos ay may mararating sa buhay! Minsan kailangan mo rin ng tiyaga at sipag kaya tiyagain mo na ring maghanap ng nobyong mayaman. Hindi mo ba alam? ‘Yon na ang uso ngayon.”natatawa niya pang saad, kahit kailan ay pagnonobyo pa rin ang naiisip nito.
Napailing na lang ako dahil do’n. Well, I don’t really mind if someone already have boyfriend in our age or years younger than us but for me? I can’t imagine things like that. I can’t imagine myself taking care of someone when I can’t even fully do that for myself.
Pakiramdam ko’y sobrang bata ko pa para umibig, para subukan ang magmahal ng kung sino. I can’t even love myself then susubukan ko pang magkagusto sa iba? That’s kind of absurd I think.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Novela JuvenilPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...