Chapter 36

1.9K 67 1
                                    

Chapter 36
Asterin’s POV

Agad kong binalik ang ngiting nawala nang lingunin ko siya.

“Oh, nice to see you, Mr. Gallejo.”nakangiti kong saad sa kanya. He was still the same Esai, he can still make my heart skip.

When we already go in unfamiliar place, nag-aral ako hanggang isang taon lang, tinapos ko lang ang senior high school dahil masiyado ng nahihirapan si Tita sa pag-aaral ko at pagpapagamot kay Mama. Hindi naman ‘to mayaman, simple lang naman talaga ang buhay niya sa probinsiya.

At kung kailan hindi mo hinihiling, kung kailan hindi mo pinapanalangin, ibibigay sa’yo. Saka ko naranasan ang glow up na napakatagal kong hinintay nang makagraduate ako ng senior high. Sumali ako sa mga pageant sa probinsiya, sa awa ng Diyos, nanalo. Iniisip ko nga na medyo paborito na Niya ako noon dahil si Mayor mismo’y naghahanap ng ipapasok niyang baguhang artista sa industriya, paracket racket lang muna ako.

Una’y maliliit na product lang ang iniindorse, nagsimula sa pinakababa hanggang sa tuluyan ng nakilala. Sa four years na ‘yon, hindi ko maiwasang balikan ang mga ginawa ko. Pinagsisihan ko no’n ang pananaboy kay Esai. Naisip ko kung gaano ako kaimmature that time, talagang nagawa ko pang pag-isipan ng masama ang intensiyon niya gayong sa 3 years ay ako lang naman lagi ang kasama nito.

“Good to see you, Ms. Endrano.”bati niya rin at tinanggap ang nakalahad na kamay ko.

But that’s already in the past, everything we had are already gone. He was my first love, I was aware of that. Now, he’s already my sister’s boyfriend. Panay ang post ng Ate ko kasama ito, she’s already living in Auntie Rosa, noong umalis kami, nakausap ni Mama Ella si Auntie. She said na siya na ang mag-aalalaga sa anak.

They are already living in abroad, magkaibigan si Tita Demi at Auntie Rosa. ‘Yon ang balita ko sa kanila, hindi ko lang alam kung totoo ba o hindi. Nakikibalita pa rin ako sa social media account ni Ate dahil kahit paano’y turing ko pa rin naman sa kanya’y kapatid, may mumunting galit pa rin sa akin lalo na’t hindi niya man lang nagawang bisitahin si Mama. She’s living her life happily, kahit paano’y masaya na ako para sa kanya roon. Ang alam ko rin ay tinuloy niya na rin ang pagdodrawing.

“Ma’am Ae!”tawag sa akin ni Maricel kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

“Hmm, may bulaklak ka po ulit na natanggap!”sabi niya na iniabot ang lavender bouquet na madalas kong matanggap, nagpasalamat naman ako para roon. Dapat kanina pa, it always lift my mood.

“Should we start?”tanong ni Mr. Hernandez.

“Sure, Mr. Hernandez,”sambit ko at iniabot kay Maricel ang bulaklak.

“Send them a thank you letter.”pabulong na saad ko. Tumango naman ito. Sa loob ng ilang taon, marami ng nagbago, tumaas na ang confidence sa daming papuri na natatanggap mula sa fans. But I know some aren’t true, I watched almost everyday kung paanong sa isang pagkakamali’y tatalikuran ka no’ng mga taong unang sumuporta sa’yo.

Esai is already busy with his camera, naghahanda na. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan siya, mas lalo lang ‘tong tumangkad at gumwapo. But as his usual self, he look distant. Ni hindi niya ako nginitian nang batiin ko siya kanina. May pa ‘you’ll always be my sunray pa siya’, ngayon ay parang wala na siyang kilala. Well, ano nga bang pakialam mo, Asterin?

I act professional, parang wala lang naman ang presensiya ng isa’t isa para sa aming dalawa. Although, I know I still like him dahil nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko ang ilang litratong pinopost ni Ate. Siya lang naman ang ginusto ko, noon hanggang ngayon. Hindi rin naman naging kami, magkakilala lang.

“You look pretty.”pamumuri niya. Natigil naman ako roon, sa daming pumuri sa akin, sa kanya lang ‘tong alam kong totoo ngunit bakit parang ayaw ko namang maniwala? Sa sobrang daming gandang nakakasalamuha nito, imposible ‘yon.

“Thanks.”sabi ko na lang at ngumiti ulit sa camera. Well, kaya ko ng makipagplastikan ngayon.

Nang matapos ang shoot ay agad akong dinaluhan ni Mr. Hernandez.

“Join us, Ms. Endrano, dinner lang.”nakangiting saad nito sa akin. Si Mama Ella naman ang lumapit sa amin dahil do’n.

“Uhh, I think tatanggian namim ‘yan, Ric, dalawang oras lang ang tulog nitong alaga ko.”natatawang saad ni Mama Ella.

“Oh, sayang naman, kasama pa naman sana natin si Mr. Gellejo.”sabi niya na tinuro si Esai na siyang katabi niya lang.

“It’s fine, we can just move our dinner the in our next photoshoot.”ani Esai na napakibit ng balikat. Nilingon ko naman siya, nakatingin din siya sa akin ngunit hindi ko makikitaan ng kahit anong emosiyon mula sa mga mata nito.

“Sa susunod bawal ng tumanggi.”natatawang sambit ni Mr. Hernandez sa akin. Ngumiti naman ako roon.

Nang makaalis kami sa lugar, pinakiramdaman ko lang ang tibok ng puso ko. Napairap na lang ako sa sarili, get your.act together, Asterin.

“Ma’am, ayos lang po kayo?”tanong sa akin ni Maricel.

“I’m fine.”ani ko at pinikit na lang ang mga mata hanggang sa makarating na ako sa bahay ko. Nakapagpatayo na rin ako ng bahay sa probinsiya, kung saan naroon si Mama. Magaling na siya, she’s now living her life peacefully, mababait ang mga kapitbahay namin doon, welcome na welcome kami. Bumibisita ako kapag walang gaanong ginagawa rito ngunit sobrang dalang lang no’n kaya madalas na sa tawag lang kaming nagkakausap.

Gusto ko siyang dalhin dito sa manila ngunit ayaw niya, mas gusto niya na lang ng payapang buhay ngayon. Nakakulong pa rin si Papa, madalas ko na lang din ‘tong bisitahin.

“Mama Ella, anong oras kang uuwi?”tanong ko kay Mama Ella bago bumaba ng van ng agency.

“Hmm, baka late na, Nak, marami pa akong dapat na ayusin at paniguradong makikipag-away nanaman ako.”bulong niya, bahagya naman akong napatawa roon, hindi ko alam ngunit minsan ay nahahawa na talaga ako sa pagiging maldita ni Mama Ella lalo na kapag walang tulog na ganito.

Pumasok naman na ako sa kwarto at naglinis ng katawan, nang maalis na ang lahat ng make up at mga chechebureche sa katawan. Dinala na rin agad ako sa pagtulog ng sarili.

Nagising lang ako kinaumagahan, the sun is already up, lumabas lang ako ng kwarto para silipin si Mama Ella, she’s still sleeping kaya nagbihis na muna ako dahil may schedule ako ng pageexercise ngayon. Nag-iwan lang ako ng note bago ako sumakay sa kotse ko at nagtungo sa gym.

“Good morning, Ms. Endrano.”bati sa akin ng instructor ko. Binati ko lang din ito pabalik. I change my surname into my Lola’s surname, I just want to start my career without being involve with my Mom and Ate, ayaw ko lang na makumpara at mamuhay sa kung ano sila dahil una sa lahat, hindi ako sila.

It became really smooth, my day went on at ito nanaman, magkikita nanaman kami ni Esai. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay apektadong apektado pa rin ako sa presensiya niya.

Mabilis lang din natapos ang shoot, marami akong pamumuring narinig mula sa mga staff sa loob, malapad lang naman akong ngumiti.

“Siguro naman ay pwede ka ng magdinner kasama namin, Ae?”nakangiting saad ni Mr. Hernandez. Ngumiti naman ako at tumango.

“I had a good night sleep last night, so yeah, let’s go.”sambit ko kahit na may shoot pa ako ng maaga bukas.

“Oh, maganda pala ang tulog, kaya mas lalong gumaganda.”pambobola ng isang photographer na kasama ni Esai. Nginitian ko naman siya roon.

Maayos naman ang naging takbo ng dinner namin kahit hindi ko maiwasan ang paninitig kay Esai, hindi ko lang kasi talaga maiwasang tignan ang ilang pagbabago sa kanya. Halos masamid naman ako sa iniinom nang balingan niya ako ng tingin. Nagkunwari lang akong pinagmamasdan ang paligid, aba’t artista ako. Kayang kaya kong umarte ngunit hindi ko alam kung bakit sa kanya pa talaga ako magmumukhang tanga!

“Elai wants to see you…”sambit niya, kami lang naman ang nakarinig no’n kaya alam kong sa akin niya sinasabi.

“Yes, we are still talking to each other, I’ll try to chat her…”sambit ko sa kanya, noong umalis kami’y nag-uusap pa rin kami ni Ate Elai, minsan minsan kapag nakakapagpaload ako dahil wala naman kaming wifi doon noon.

Nagkakamustahan pa rin kami ngayon doon sa dating account ko o kahit pa sa account ko sa ig ngayon. Maski sa facebook ay friend pa rin kami. Minsan nga’y doon ko nakikita ang mga litrato ni Esai at Ate Caroline e.

“Eherm, baka magkadevelop-an kayo, Mr. Gallejo at AE ahh.”natatawang pang-aasar ni Mr. Hernandez, akala mo’y bata lang ‘to at hindi talaga may ari ng kompanya. Napailing na lang ako roon at natawa. 

Si Mama Ella’y naniningkit ang mga mata sa akin, alam niya rin kasi ang nakaraan namin ni Esai kaya kung makapagreact siya’y akala mo’y gustong gusto na akong asarin.

Akala mo’y mga reporter ang mga ito, sobrang daming tanong. Imbis na ako ang sumagot, si Mama Ella ‘tong parang nagiging interpreter ko, manager na manager ang dating. Noong nagstart ako’y kilala talaga ‘to sa industriya kaya madali lang din akong nakakuha ng ilang proyekto.

“Akala ko’y masungit ka, Ma’am Ae!”sabi no’ng isang babae habang nakangiti sa akin.

“Sobrang intimidating mo po.”sabi niya pa.

“Nako, sinabi mo pa!”natatawa nilang saad.

“We all have are bad days, masungit din talaga si Ma’am Ae kapag ganoon.”pagkukwento ni Maricel. Mabuti nga’t nagtagal ito sa akin, pakiramdam ko’y siya madalas ang napagbubuntungan ng galit kapag mainit ang paligid.

Tahimik lang naman kami ni Esai sa gilid, minsan nakikisama sa tawanan at usapan nila, I’m on a diet kaya hindi ako gaanong kumakain.

“Ayaw mo ba niyan, Ms. Ae?”tanong nila sa akin.

“She’s on a diet,”natatawang saad ni Mama Ella.

“That’s how you normally eat?”tanong ni Esai sa akin.

“Minsan.”tipid kong sambit. Matagal naman siyang nakatingin sa akin kaya napatikhim ako. Hindi naman madalas na ganito ang kain ko, kapag may mga shoot lang talaga na kailangan mong imaintain ang perfect body na gusto ng mga tao.

Napansin ko rin ang tingin niya sa leeg ko, bahagya akong nagulat do’n ata agad na napahawak sa leeg ko. I forgot that I always wore his necklace, hindi ko alam kung habit ko na ba ‘yon o sadyang gusto ko lang talaga. Engot, Asterin. Mas lalo kang mahahalata, artista ka pa man din, hindi ka marunong umarte. Napatikhim naman ako sa naiisip ko.

Nagkunwari lang akong hinahagod ‘yon, nagkunwaring hindi lang talaga bumababa ang kinain. Nakakahiya ka, Asterin. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil do’n. Inabutan niya naman ako ng tubig nang mapansin ‘yon.

“Uhh… thanks.”ani ko at nag-iwas ng tingin.

“No problem.”sambit niya at tipid akong nginitian. Natapos naman na rin ‘yon, para akong nakahinga ng maluwag, ngayon ko lang napagtanto na sobrang laki pa rin pala ng epekto niya sa akin. Mabuti’y nagagawa ko pang maging professional sa harap nito kahit na nanlalambot na ang tuhod habanv pinagmamasdan siya.

“Huwag mong sabihing bumabalik nanaman ‘yang nararamdaman mo sa first love mo.”natatawang saad ni Mama Ella habang nasa van kami, patungo na sa set para sa shoot ng bagong drama na kinabibilangan ko.

“Of course not, Mama Ella.”naiiling kong saad at nag-iwas ng tingin. Sinubukan ko na lang umidlip kahit na hindi maiwasang maalala ang mukha ni Esai. Kaya ayaw kong makita ito! Paniguradong ilang buwan ko nanamang mapapanaginipan ang mukha niya. Noong nakita ko siya sa unang photoshoot ko, hindi ako nakatulog ng ilang araw. Ngayon nanaman ay nagpakita nanaman siya sa akin.

Hindi rin ako makaidlip kaya naisipan kong libangin na lang ang sarili sa pagsosocial media. Napailing na lang ako dahil imbis na malibang, nasstress lang ako. Ibababa ko na sana nang mapatingin sa ig ko.

Esai Gallejo follow you…

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon