Chapter 45
Asterin’s POV
“Saan mo natutunan ‘yan?”natatawa kong tanong, tinatago ang kahihiyan. Hindi ko alam kung kay Kuya Koa niya nakuha ang ugali, nahahawa na ata. Napanguso na lang din siya, nahiya rin kalaunan.
“What about that photo? Bakit tinatabi mo pa rin?”tanong niya naman na binalik ang pang-aasar sa akin.
“Huh? Hindi lang siguro naalis ni Tita noong nagligpit siya.”palusot ko naman ay nginiwian siyang nilagay ang litrato roon.
“For how many years? 2 years na hindi naligpit?”natatawa niyang tanong kaya agad ko siyang pinanliitan ng mga mata.
“Are you stalking me?”tanong ko dahil 2 years na noong napagawa ko itong bahay.
“I just saw in an article? Nabalita ‘yon.”sambit niya kaya napakibit na lang ako ng balikat, iniba na rin ang usapan.
“Tara na, magluluto ako, what do you want to eat?”tanong ko sa kanya at inanyayahan siya sa kusina. Hindi ako magaling magluto ngunit marunong naman ako.
“Hmm, kare-kare?”patanong na sagot niya. Napatango naman ako roon, marunong naman ako. Nagawa ko na ‘yon sa isang cooking show noong nakaraan.
Umupo naman siya sa upuan na nasa tapat ng countertop at pinanood ako. Napatikhim naman ako, parang pinagsisihan ko tuloy na inaya ko pa siya rito sa bahay at talagang nagmagaling pa akong magluto.
“You can do your own things, hindi mo ko kailangan panoorin.”natatawa kong saad at bahagya ring nahihiya habang naghihiwa.
“I’m now doing my thing.”natatawa niyang saad at napakibit pa ng balikat. Nagkwentuhan na lang din kami habang nagluluto ako.
“Tell me about your experiences, nakita ko ang litrato mo sa lamesa, nanalo ka pala ng pageant?”tanong niya sa akin.
“Oo, that’s the start of my career pero hindi rin naging madali dahil sobrang hirap ding makisama sa mundong hindi mo alam ang pasikot sikot.”pagkukwento ko, nakikinig lang naman ito sa akin tila interesadong interesado sa mga nangyari.
“Gusto kong mag-aral no’n ng fine arts kaya gabi gabi ko ring iniiyakan kapag umuuwi na sa bahay kapag katapos ng shoot o kahit na ano pang event, gusto ko lang ulit ituloy pangarap pero kailangan kong kumayod, nakakahiya kay Mama Ella dahil wala siyang katulong sa pagpapagamot kay Mama.”sambit ko na ngumiti pa sa kanya. Nakitaan ko naman ang mata nitong nakikisimpatya sa akin.
“That’s why I would like to thank you…”sabi ko at napanguso.
“Nababasa ko lahat ng message mo sa akin noon kahit na hindi ako nagrereply. Salamat, lahat ng ‘yon nakapagpagaan sa nararamdaman ko.”nakangiti kong saad. Bahagya naman siyang nagulat do’n.
“I thought you’re not using facebook…”nakanguso niyang saad at nakaramdam pa ata ng hiya. Napatitig naman ako sa kanya. Minsan kasi’y nagchachat siya roon para magkwento lang ng mga random things na naranasan niya. Alam ko rin na akala niya’y hindi ko na ginagamit ‘yon, ayaw ko lang na ihinto niya ang pagchachat kapag nalaman niyang nababasa ko. It became my source of strength, huminto nga lang noong mga nakaraang taon dahil hindi na rin siya naging active sa facebook.
“I red your messages, nareply-an na kita kahit ilang taon na lumipas.”natatawa kong saad.
“Really? Pakita.”sabi niya.
“Just open your account.”ani ko at ngumisi.
“I forgot my password.”sambit niya kaya natawa ako. Sabi ko na nga ba e. Nagkibit naman ako ng balikat kaya naningkit ang mga mata niya. Wala namang importante roon, sadyang nireply-an ko lang lahat ng message niya. Hindi ko alam kung anong meron sa akin noon, minessage ko lang din dahil alam kong hindi niya mababasa. Iniba ko naman na ang usapan namin.
“Why don’t you chase your dream now?”tanong niya.
“Bakit hindi fine arts ang kinuha mo?”tanong pa niya.
“Hmm, saka na,”nakangiti kong saad at nagkibit ng balikat.
“How about you? Kwentuhan mo ako tungkol sa’yo noon.”sambit ko sa kanya kahit alam ko ‘yong mga nauna noon.
“Papa got married again, I have a little sister now,”sabi niya sa akin kaya natigilan ako at napatitig sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya at sa hindi malamang dahilan niyakap ko naman ito.
“I’m sorry if I wasn’t there.”sabi ko dahil paniguradong nasaktan din ito noong mga panahong ‘yon.
“It’s fine, I’m already okay, I’m the one who should say sorry to you, I’m not there when you need someone to talk to.”aniya.
“Myghad! My eyes!”nagulat naman kami nang may magsalita sa gilid kaya napabitaw kami sa isa’t isa. Agad kong nakita ang malapad na ngisi ni Natalie habang kasama si Mama Ella na may mapang-asar din na tingin. Napatikhim naman ako dahil do’n.
“Ano? Itutuloy na ba ang pagmamahalang naudlot?”natatawa pang tanong ni Natalie. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya.
“Ang gaga, nagdadala na ng lalaki sa bahay niyo, Mama Ella!”natatawang saad ni Natalie. Magkasama kami sa iisang agency kaya halos din lahat ng close na artist ni Mama Ella, Mama Ella rin ang tawag sa kanya. Napailing naman ako roon.
“Dapat pala’y hindi muna tayo umuwi,”natatawang saad pa ni Mama Ella kay Natalie. Naghagikhikan naman sila kaya napailing ako.
“Mama Ella!”reklamo ko na naiiling na lang. Hanggang sa mag-ayos kami ng hapag ay naroon pa rin ang mapang-asar na ngisi nila. Si Esai naman ay tahimik lang at mukhang wala lang naman sa kanya ang pang-aasar ng mga ito.
“Mama Ella, hindi ko pa po pormal na napakilala sainyo si Esai, Esai si Mama Ella. Mama Ella, si Esai.”sambit ko kaya magalang na bumati si Esai.
“Itong batang ‘to plastik, kilala ko na ‘yan, nagpaalam pa na liligawan ka raw niya!”natatawang saad ni Mama Ella kaya napalingon ako kay Esai. Nagkibit lang naman siya ng balikat doon.
“Natalie, si Esai, Esai si Natalie, ‘yong kinukwento kong maldita sa akin noon.”pabulong na saad ko kaya narinig ni Natalie.
“Hoy, ang kapal ng mukha mo, Asterin! Ikaw nga ang maldita noon! Ilang beses ako, kaming sumubok na kaibiganin ka ngunit lagi’y tipid lang ang sagot mo!”sabi niya na inirapan pa ako. Napakunot naman ang noo ko roon, wala akong matandaan na nagmaldita ako.
“Huh! Hindi mo alam ‘yon dahil mas gusto mong mapag-isa, si Macy lang naman ang tumagal dahil siya lang ‘tong seatmate mo.”aniya pa.
“I don’t remember, I also want to have friends that time but hindi ko naman gusto na ipilit ang sarili lalo na’t napapansin kong ayaw niyo sa akin.”sabi ko na napakibit ng balikat.
“I remember pa noong sinugod ka ni Ate Grace dahil lang kay Esai!”natatawa niyang saad. Kahit kailan ay ang daldal nitong si Natalie.
“Sinugod ka? Bakit daw?”tanong naman ni Esai.
“Hmm, wala, matagal na ‘yon, nililigawan mo raw ata.”sabi ko naman.
“I don’t really recall courting anyone in school, but I recall wanting to court someone until she turn 18.”sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Sino?”tanong ko naman.
“You.”aniya kaya halos masamid kami nina Natalie at Mama Ella. Napatawa naman sina Natalie doon at malapad ang ngisi.
“Noong grade 10 pa lang tayo’y alam kong may namamagitan na sainyo. Halos araw araw ba namang magkasama.”natatawang saad ni Natalie.
“By the way, bakit ka pala nandito?”tanong ko nang matapos ang usapan namin tungkol noong high school.
“Aba’t kanina pa ako nandito pero ngayon mo lang naisipang tanungin!”sabi ni Natalie sa akin.
“Well, wala akong kasamang magbar, yayayain sana kita kaya lang ay mukhang hindi ka sasama kaya nakikian na lang ako, sayang naman ang punta ko kung hindi.”aniya kaya napailing na lang ako. Umalis na rin naman siya nang makapagpahinga sandali. Si Mama Ella ay umakyat na rin sa taas dahil mayroon pa siyang nga gagawin.
Naiwan naman kami ni Esai dito sa baba, wala kaming katulong kaya kami kami lang din ang naglinis. May naglilinis naman dito sa bahay kada umaga kapag wala na kami.
May oras pa kaya naman inanyayahan ko si Esai sa room kung nasaan ang ilang painting ni Lola.
“I want to have an art gallery para ilagay ang ilang pinta ni Lola. I want them to see her masterpiece.”nakangiti kong saad sa kanya. Nakikinig lang naman siya sa nga sinasabi ko at nakangiti lang din sa akin.
“Do you want to go in your Lola’s house?”tanong niya sa akin.
“Hindi ako mapasok, may bago na raw may-ari, but I like it whenever na bumibisita ako sa orphanage, ganoon pa rin kasi ang bahay, wala pa ring pinagbago.”nakangiti kong saad.
“We can enter there, I know kung sino ang owner.”sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Talaga? Can we talk to them? I really want to buy the house, sobrang sentimental din no’n para kay Lola!”medyo naexcite kong saad.
“Yeah, sure, let’s set a date for that,”aniya kaya napangiti ako at tumango.
“Let’s visit na rin ang mga bata sa orphanage.”excited kong saad. Napatango naman siya sa akin do’n. Ilang buwan na rin kasi akong hindi nakakadalaw pero hindi ko naman nakakalimutan ang magdonate.
Naging maayos din naman ang takbo ng gabi namin no’ng araw na ‘yon. Hindi rin nakakalimot si Esai na sunduin ako. Minsan wala rin siya sa set dahil abala sa business ngunit kapag may mga oras siya’y talagang makikita mo siyang pakalat kalat doon. Kinakabahan pa rin ako kapag naiisip kong nakatingin siya sa akin ngunit kapag natatapos ay ilang pamumuri ang natatanggap ko galing sa kanya katulad ngayon, malapad ang ngiting lumapit at iniabutan ako ng tubig.
“Ang galing mo!”nakangiti niyang saad.
“Thanks.”sambit ko bago tinanggap ang inumin sa kanya. Napansin ko naman ang ilang tingin ng artista sa amin. Hindi ko naman gusto ‘yon kaya napanguso na lang akong lumayo sa kanya. Well, kahit paano’y hindi ko rin maiwasang maging concious sa paligid dahil paniguradong issue nanaman ‘to kung sakali, si Mama Ella nanaman ang mamomroblema.
“Ang unfair talaga, Mr. Gallejo! Bakit wala kaming patubig?”natatawang tanong ni Mariam sa kanya.
“Oh, ito.”sabi niya at tipid na nginitian ‘to. Akala mo’y binudburan naman sa asin si Mariam sa kilig.
“Thanks po, ehe. Pinopormahan mo ba ‘tong si Ae, Mr. Gallejo?”pang-uusisa niya pa kaya hinila ko na lang siya patungo sa upuan namin. Mapang-asar naman niya akong tinignan.
“Aba’t akala mo ba’y hindi namin napapansin ang special treatment sa’yo, huh?”tanong niya na nanliliit ang mga mata.
“Ewan ko sa’yo, Mariam, tigilan mo ako.”sambit ko dahil hindi naman nila alam na nanliligaw ‘to, nakakahiya naman kung ipagkakalat ko, hindi ba?
“Hi, Ae! Good morning!”malapad ang naging ngiti ni Harvee na siyang ngayon ko lang ulit nakita dahil nasa japan ito noong nakaraan, doon sila nagshoot ng movie niya.
“Good nga ang morning ko kanina kaya lang ah dumating ka.”sambit ko bago sumimsim sa iniinom, napatawa naman sa sinabi ko ang katabi kong si Mariam, napasimangot naman ng bahagya si Harvee ngunit malapad ulit ngumiti.
“Sus, I know you miss me, masiyado ka talagang pakipot.”sabi niya na hinawakan pa ako sa braso. Napangiwi naman ako roon, that’s why I don’t like this guy, maliban sa mayabang, ang hilig hilig pang humawak sa kung saan saan, nakakairita. Tinapakan ko naman ang paa niya, sakto at nakaheels ako. Natatawa niya namang tinaas ang dalawang kamay habang nakangiwi.
“Easy, miss kita, hindi mo man lang ba ako yayakapin o ano, ang tagal kitang hindi nabisita!”sabi niya pa ngunit nawala na ang atensiyon ko sa kanya nang makita si Esai na seryosong nakatingin sa camera habang kinakausap ni Alice na malapad ang ngiti. Napangiwi pa ako nang makita kong pinupunasan nito ang pawis niya. Ni hindi man lang binawalan!
Tumawa tawa pa si Alice na mas lalo lang nagpakulo ng dugo ko, nakakainis dahil hindi ko naman dapat ‘to nararamdaman. Hindi naman ako ganito noon.
“Ang harot talaga niyang si Alice.”bulong ni Mariam nang mapansin kung saan ako nakatingin.
“Mas maharot siya, ni hindi niya man lang binawalan kahit may nililigawan na, halatang gusto rin.”sambit ko na napakuyom pa ang kamao sa iritasiyon. Wow, Asterin, ni hindi pa nga sa’yo, kung makapagreklamo ka!
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...