Chapter 44
Asterin’s POV
“Nasisiraan ka na ba, Esai? You’re courting Ate! Tigilan mo nga ako.”inis kong sambit. Hindi na mapigilan ang emosiyon, pinaglalaruan ba ako nito?
“What are you talking about? I never court your Ate. Noon hanggang ngayon, isa lang gusto ko. I’ll court you, sa ayaw at gusto mo.”sambit niya pa.
Hindi na tuloy mawala sa isipan ko ‘yon kahit na lumipas na ang mga araw. Manliligaw daw pero pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay hindi na nagpakita pa sa akin. Tsk. Maski sa gabi’y hindi rin niya ako hininihintay o ano. Bakit nga ba umasa pa ako sa sinasabi niya?
“Hoy, ano naman ‘yang mukhang ‘yan? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa!”natatawang saad ni Mama Ella sa akin. Napanguso naman ako at hindi pinansin ang mapang-asar na tinig nito. Nangalumbaba lang din habang nakatingin sa phone. Kahit chat ay wala ito tapos ang kapal ng mukga niyang sabihin sa akin na manliligaw siya?
“Hulog ka nanaman no?”natatawang tanong ni Mama Ella sa akin, napairap naman ako sa kanya kaya tinawanan niya ako. Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa set, mabilis lang din na nagsimula ang shoot. Nagawa ko naman ng maayos ang mga lines ko. Nang ibang artista na ang sinasalang, naupo na ako sa upuang para sa akin.
“Ae! May chika ako!”sambit ni Mariam nang lumapit siya sa akin. Nilingon ko naman siya, magbabasa dapat ako ng script pero sige.
Hindi ko naman nagawang makinig dahil nataranta ako nang makita ko si Esai na siyang nakatayo sa gilid. Akala ko’y namamalikmata lang ako ngunit napatikhim ako nang kausapin siya ng film director namin dito. Pinatawag pa kami papalapit do’n. Kita ko ang ilang artista na malapad ang ngiti habang nagpapakilala kay Esai.
Mukhang kararating niya lang din, agad akong siniko ni Mariam ngunit hindi ko magawang tignan siya dahil na kay Esai lang ang tingin ko. Nakataas lang ang kilay ko sa kanya at hindi pinansin ang tinatapon niyang tingin sa akin.
“This is Mr. Esai Gallejo, hmm, he actually wants to be film director kaya kinausap niya ako kung pwede bang maging apprentice ko, so we’ll be working with for months, hanggang matapos ang teleserye.”sabi ng film director namin na si Mr. Wen.
“Wow! Nakakagana namang umarte kung ganoon!”natatawang saad ni Denice habang nakatitig pa kay Esai na nasa akin naman ang mga mata ngayon. Napakunot lang ang noo ko roon, kailan pa siya nagkainteres sa filming? Saka paanong nasingit niya pa ‘yon gayong may business at studio pa siyang inaasikaso. Nagpapakamatay ba ‘to?
“Excited working with you.”nakangiti at malambing ang tinig ni Alice habang naglalahad ng kamay kay Esai. Hindi ko maiwasang maipairap doon.
“Sus, talande.”pabulong na saad ni Mariam na nasa tabi ko. Napailing na lang ako at bumalik na rin sa pwesto ko dahil tapos naman na ang sasabihin ni Mr. Wen. Nagpakilala na lang ang mga artista sa kanya.
Nagtungo na ako ulit sa upuan ko bago nagsimulang magbasa ng script ngunit agad akong natigilan nang makitang nakatayo na si Esai mula sa harapan ko.
“I brought you some drinks and snack, kainin mo kapag nagutom ka.”nakangiti niyang saad sa akin habang nilalapag ‘yon, hindi ko naman maiwasang mapagtaasan siya ng kilay. Aba’t parang noong nakaraang araw lang ay hindi niya ako kinakausap at hindi man lang nagchat kung kailang niya sinabing nanliligaw siya!
“Ano? Hindi ako gutom.”suplada kong saad.
“Kaya nga kapag nagutom ka, hindi ba?”tanong niya naman kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya napanguso na lang niyang nilapag ang drinks at snack na para sa akin. Nilingon ko lang ‘yon.
“I’m sorry if I haven’t see you for a while… busy lang,”sabi niya kaya napairap ako.
“Kahit chat hindi mo magawa?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Kalaunan ay pinamulahan din ng mukha. Nakakahiya ka, Asterin, akala mo’y jowa ka na kung makaasta, ni hindi mo nga sigurado kung manliligaw mo ba talaga ito o ano. Napailing na lang ako sa sarili. Namuo naman ang ngisi sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin kaya masama ko siyang tinignan.
“Hmm, I’ll take note of that… I thought you don’t like it, baka isipin mong sa chat lang kita liligawan…”sambit niya pa. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil mayroong nakatingin sa gilid namin at nakikinig sa usapan.
“I’m busy rescheding my schedule but I’m your full time man now.”kita ko pa ang pamumula ng mukha niya ng sabihin ‘yon, hindi ko naman mapigilan ang pagtawa.
Shocks. Cute. Hindi ko pa nakitang nanligaw si Esai kahit kanino. Parang unti-unti tuloy nawala ang inis ko sa kanya. I have doubts noong nakaraan ngunit ngayong makikita ko siya bilang apprentice ni Mr. Wen, ang tanga ko naman kung hindi ko pa makikitang genuine ang nararamdaman niya para sa akin.
“Hindi ko alam na ganyan ka pala kakorni, Esai.”natatawa kong pang-aasar. Napatawa pa ako nang takpan niya ang nahihiyang mukha.
“’Yan, sige, magharutan, aba, magshuhoot na, may trabaho pa kayong dalawa!”sambit ni Mama Ella sa amin. Napanguso naman ako roon habang si Esai ay napangiti na lang na nagpaalam sa akin.
“Ae, ikaw na ang sasalang.”tawag sa akin ni Mama Ella, tumango naman ako roon. Sa hindi ko malamang dahilan, kinakabahan ako, parang noong unang beses kong sumalang sa pageant at sa pag-arte. Napatingin pa ako ng isang beses kay Esai na siyang katabi ni Mr. Wen. Nakatitig naman siya sa akin at nginitian pa ako nang makitang nakatingin sa kanya. Iniwas ko naman agad ang tingin, pakiramdam ko’y may judge na manghuhusga sa akin.
Pakiramdam ko rin ay mabablangko ang utak ko at pakiramdam ko’y manginginig ang tinig dahil sa pag-arte. Mabuti na lang ay ganoon ang scene, kinakabahan ang character ko, maayos kong nadeliver ang mga linya dahil sa kabang nararamdaman, hindi ko rin nilingon si Esai dahil baka manghina na ng tuluyan ang tuhod. Act professional, Asterin!
Pilit kong winala sa isipang nandito si Esai at umarte na parang wala lang. Napanguso ako nang matapos ang scene ko. Hindi ko alam kung maayos ba akong nakaarte pero sana naman maayos dahil nakakahiya kung hindi. Aba’t bakit naman ikaw ang nahihiya gayong hindi naman ikaw ang nanliligaw, Asterin!
“You’re really good!”sabi ni Esai at malapad na ngumiti sa akin habang inaabutan ako ng tubig, nagpasalamat lang ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko binobola lang ako nito, ni hindi ako satisfied sa pag-arte ko kanina, parang hindi naman ganoon ang normal na ako.
“Saan ang punta mo after this?”tanong niya sa akin.
“I still have shoot after this, for an advertisement.”sambit ko na napakibit ng balikat.
“Hmm, I’ll fetch you after that, let’s have dinner then hatid kita sa school mo.”sambit niya sa akin. Tumango naman ako. Maharot ka rin, Asterin, hindi ka man lang nagpakipot ng kaunti. Well, gusto ko rin naman at ayaw ko ring tumanggi.
Seryoso rin naman si Esai nang sabihing nag-aaral nga talaga siyang magfilm, desidido naman kasi ito sa lahat ng bagay kaya hindi naman ‘yon nakapagtataka. Naging abala lang ako sa panonood sa kanya habang hinihintay ang turn ko. Nang matapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya niya bang pagsabayin ang business niya o ano.
“Alam mo parang malulusaw si Esai sa titig mo, magpakipot ka naman ng kaunti, Asterin, huwag kang magpahalata!”sabi ni Mama Ella sa akin. Napairap naman ako sa kanya.
“Mama Ella, hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanya, kung makikita mo nga ang mga tingin niyang mga ‘yon!”puna ko, hindi lang naman kasi ako ang nakatitig dito, aba.
Hanggang sa shoot para sa advertisement ay hindi ko maiwasang isipin ‘yon, he’s courting me, it’s really real this time. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Ate, kahit paano’y may tiwala ako sa kanya ngunit may tiwala rin akong hindi magsisingungaling si Esai at pati na rin sa effort niya. Hindi siya magsasayang ng oras kung wala lang talaga ngunit may kakapiranggot na tiwala ako sa sinabi ni Ate kaya naman tinext ko si Ate Elai.
Ako:
Hi, Ate, pwede pong magtanong?
Nandito na si Esai nang magreply ito, napatitig muna ako sa mukhang modelong si Esai, fresj na fresh ito, malayo pa lang mukha ng mabango, halos lahat ng nasa shoot ay nakatitig sa kanya dahil naghihintay siya sa labas.
“Uyy si Mr. Gallejo, nasa labas!”natatarantang saad ng ilang staff.
“Hala, siya ba ang photographer sa susunod na shoot?”tanong pa nila.
Tinignan ko muna ang reply ni Ate Elai bago ako nagtipa roon.
Ate Elai:
Sure, ano ‘yon?
Ako:
Nililigawan po ba ni Esai si Ate Caroline?
Agad naman na tumawag si Ate Elai dahil do’n. Napanguso naman ako ng sagutin ‘yon.
“Saan mo naman nakuha ang fake news na ‘yan?”natatawang tanong niya.
“’Yan ba ang sinabi ni Caroline noong nakaraan kaya ang aga mong umuwi? Ang bruhildang ‘yon talaga!”nakikita ko na agad ang inis sa mukha nito.
“Hmm, natanong lang po, Ate.”sambit ko naman.
“No, hindi siya naligaw, naliligaw o manliligaw. Isa lang gusto no’n.”natatawa niyang saad. Magsasalita pa sana ako nang makitang pinapasok na ng staff si Esai at nakangiti ‘tong lumapit sa akin.
“Are you already done with your shoot?”tanong niya sa akin.
“Ahh, yup. Ate, una na po ako.”paalam ko kay Ate mula sa kabilang linya, nagtanong pa ito kung si Esai ba ‘yon, sinagot ko lang din naman. Nang matapos ang tawag ay tinignan ko na si Esai. Ang mga staff ay nakatingin sa amin, bahagya naman akong nag-iwas ng tingin dahil sa mga tingin ng mga ito.
“Si Elai?”tanong niya. Tumango naman ako.
“Uhh… I’m sorry I asked her if you’re courting Ate Caroline.”sambit ko, nakatingin lang naman ‘to sa akin bago tumango.
“Galit ka ba? Sorry kung nagtanong pa ako sa ibang tao, it’s not like I don’t trust you, hindi ko lang pangarap maging kabit at makasira ng relasiyon. Isa pa kahit paano’y may kaunting tiwala pa rin ako kay Ate.”ani ko. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagpapaliwag, naguilty lang dahil parang walang tiwala rito.
“Hmm, it’s completely fine, I’ll gain your trust while courting you.”nakangiti niyang saad sa akin. Pinamulahan naman ako nang mukha nang mayroong mga nakarinig na staff, I know na hindi naman ‘to makakalabas sa media kaya lang ay nakakahiya pa rin!
“Uuwi muna ako. Sa bahay na tayo magdinner.”sambit ko habang papalabas na kami, hinayaan lang naman ako ni Mama Ella na umalis dahil nagpaalam ako sa kanya kanina.
“Hmm, is it really fine? Baka magalit ang Tita mo.”sabi niya.
“Mas safe magdinner sa bahay! Walang issue.”natatawa kong saad kaya pinag-isipan niya pa. Natawa naman ako roon.
“Arte, nag-isip pa.”nangingiti kong sambit sa kanya. Umirap naman ‘to ngunit natawa rin. Katulad nga ng usapan, nagtungo lang kami sa bahay. Pinagmamasdan niya naman ang bawat sulok ng bahay, halatang bago sa paningin.
“Is this your house?”tanong niya. Umiling naman ako.
“Bahay namin.”sambit ko at ngumiti.
“Wait here, I’ll just freshen up.”paalam ko na iniwan muna siya sa sala, tumango lang naman siya sa akin. Nang matapos ako’y bumaba naman na ako para silipin siya, nakita ko namang nililibot niya lang ang mga mata sa mga trophies and certificates pati na rin sa mga litrato ko roon. Kita kong napangiti siya nang huminto sa huling litrato. Agad akong natigil nang mapagtanto kong siya ‘yon, ‘yong litrato noong nagphophoto shoot kami para sa reference ko. Hala! Hindi ko pala naalis!
Agad akong napatakbo sa gawi niya para lang agawin ‘yon, nakita ko naman ang pagtaas niya ng kilay at ang naging ngisi sa mga labi niya.
“Hindi mo naman sinabing crush mo pa rin pala ako.”
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...