Chapter 52
Asterin’s POV
5 years later…
“Hello, Esai, nasaan ka na?”bunga ko nang tawagan si Esai.
“Nako, kanina pa po siya rito, Ma’am.”sambit ni Manong Guard at tinuro si Esai na siyang nakaupo lang sa isang gilid dito sa labas ng opisina ko.
“I’m here.”sabi niya kaya nilapitan ko siya.
“Bakit hindi mo sinabing nandiyan ka na pala?! Sana pumasok ka na---“sabi ko ngunit natawa lang niyang iniabot sa akin ang lavender bouquet. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti, kahit kailan ay hindi niya pa rin nagagawang kalimutan ang mga small achievements ko na talaga namang kahit paano’y ikinatutuwa ko.
Nagopen na kasi ako ng isa pang art gallery at napasign ko na rin ng contract ang isang artist na sinusubaybayan ko rin.
“Sana’y pumasok ka na… always welcome ka naman diyan, ang init init, Love.”naiiling kong saad sa kanya.
“Ayaw kong maistorbo ka, I thought may meeting pa?”tanong niya habang pinagbubuksan ako ng kotse niya.
“Maagang natapos, I’m glad na tinggap agad no’ng artist ang offer namin!”nakangiti kong saad sa kanya.
“Of course they will, a legendary artist was the one who ask for them.”sambit niya kaya natawa ako.
“Masiyado mo namang tinataas ang bangko ng girlfriend mo, huh?”natatawa kong saad sa kanya.
“I’m just telling the truth,”aniya at nagsimula ng magmaneho.
“Let’s buy pizza! Paniguradong gusto ni Gun ‘yon.”sambit ko kay Esai. Tumango naman ito sa akin. It’s been almost 5 years bago ako nagsimulang buoin ulit ang pangarap ko, akala ko’y magiging madali dahil ‘yon ang gusto ko ngunit hindi pala ganoon, marami pang lubak na madadaanan ngunit atleast, nakarating ako ngayon, hindi ako huminto, nagpatuloy lang sa pagtakbo. Ang mga pinta ni Lola’y nagawa ko na ring idisplay sa art gallery ko, display lang, hindi ko rin kasi magawang ibenta dahil malaki ang halaga noon para sa amin nina Mama Ella.
Marami rin akong artist na nagawang kunin, sobrang daming magaling, noong tumapak na ako sa mundong ‘yon, saka ko lang napagtanto na hindi naman talaga ako ganoon kagaling, sadyang marunong lang but still, nagawa ko pa ring ipapatuloy ang pangarap ko.
“What about you? What do you want to eat?”tanong niya sa akin.
“Hmm, shawarma?”patanong na sagot ko naman. Lumabas naman na kami ng kotse niya. Mayroon pa rin namang ilang nakakakilala sa akin ngunit madalas ay hindi rin naman. My life is now completely normal and I’m really enjoying it.
“Nabasa mo ‘yong update ng ‘tell me to stop’? Ang ganda no?! Grabe, ang galing talaga no’ng creator, mas lalo pang gumwapo si Vince.”dinig kong saad no’ng isang malapit sa amin ni Esai. Nagkatinginan naman kami at parehas na nangiti sa isa’t isa, well, I still draw, sobrang saya ko dahil araw araw kong ginagawa ‘yon. Hindi nakakapagod. Sa totoo lang ay bawat araw parang excited ka pa rin lalo na kapag may mga bago kang gustong idrawing. Marami akong free time, kumikita rin ako sa bagay na gusto kong gawin noon pa man. Parang punong puno ang puso ng tuwa.
Isama mo pa na may free reference pa ako, laging game lang si Esai lalo na kung hindi siya busy, madalas ‘yon ang bonding namin saka minsan kapag wala siyang mahanap na model, ako ang ginagawa niya kaya may ilan pa rin talagang nakakilala sa akin. Although, hindi ko na ‘yon ginagawa para magpaimpress sa ibang tao, hobby na lang din.
“Opo, Ma, papunta na po kami ni Esai,”sambit ko kay Mama nang tumawag ‘to.
“Osiya sige, mag-ingat kayo sa pagmamaneho.”aniya pa at nagpaalam na rin.
Habang nasa kalsada’y hindi ko maiwasang mapatingin sa billboard na nasa harapan namin.
“Naalala mo ‘yong billboard nating dalawa no’n?”natatawa kong tanong sa kanya. After ko kasing sabihin na magreretire na, ‘yong magazine na kumuha sa akin no’n, nakiusap na gagawin kaming front page at ginawa rin kaming billboard.
“Of course, you remember sa sobrang pagkagusto mo sa akin, parang gusto mo pang ipalagay sa tapat ng building niyo.”ani ko, ako na ang sumagot sa tanong ko. Napatawa naman siya roon.
“Bawal? Para may inspirasiyong magtrabaho.”aniya kaya napairap na lang ako.
Naging mabilis lang ang matagal na byahe dahil siya ‘tong kasama ko. Nang makarating kami sa carederia ni Mama, kita ko namang punong puno ‘yon, ang maliit na carederia niya’y lumaki ng lumaki hanggang sa magkaroon na rin ng ilan pang branch mula sa mga karatig na lugar.
“Akala ko ba’y nasa bahay ka na, Ma? Ano pang ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya.
“Sandali lang, Nak, kakapunta ko lang din naman ito, sinilip ko lang.”sabi niya kaya napakibit na lang ako ng balikat at napatango. Dumaan din kasi kami dahil nakita namin siyang nandito.
“Sina Demi, Hijo? Pupunta na raw ba?”tanong ni Mama.
“Opo, Tita,”sabi niya at tumango kay Mama. Simula kasi no’ng nagtungo si Esai rito, sumunod din si Tita and just like that, balik namaman silang dalawa sa dati. Hindi naman din naging mahirap ang pagbyahe kaya kada may panahon sila’y nagtutungo sa bahay ng isa’t isa.
Nagtungo naman na kami sa bahay, agad akong napangiti nang marinig ang ingay sa loob, mukhang buhay na buhay nanaman ang mga tao rito.
“Tita Asterin, pizza ‘yan?”tanong ni Gun, ang anak ni Kuya Koa, nandito naman na pala sila. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
“Yay!”napatawa naman ako roon kaya pinanggigilan ko pa ang pisngi niya.
“Mag-anak ka na kasi para hindi ka nakikurot ng pisngi ng anak ko.”natatawang saad ni Kuya Koa kaya napairap ako sa kanya.
“Ang bagal naman kasi nitong kapatid ko, tatanda na ata kayo bago niyo pa maisipang mag-anak!”pang-aasar niya pa kay Esai na sinamaan lang siya ng tingin.
“We’ll get there, Kuya.”sabi naman ni Esai. Napanguso naman ako roon, kailan kaya? Ngayong nakatapak na ako sa mga pinapangarap ko noon, nagsisimula naman akong magkaroon ng bagong pangarap, ‘yon ang bumuo ng pamilya kasama si Esai. Kulang na lang ay ako ang magpropose dito dahil parang wala siyang plano. Well, alam ko naman na ako ang nagsabing gagawin ko muna ang pangarap ko. I know din naman na siya na talaga, siya lang ‘tong nakikita kong kasama ko sa hinaharap.
“Uyy, Mayor!”nakangisi kong saad kay Mama Ella nang nakita ko siyang papasok sa bahay, nawala na rin sa iniisip ko. Kinurot ako ni Mama Ella sa tagiliran dahil akala niya namaman ay inaasar ko siya. Respetado at kilala si Mama Ella kaya hindi naman naging mahirap sa kanya ang pagtakbo rito lalo na suportado pa no’ng mga dating Mayor.
“Ewan ko sa’yo, tigilan mo nga ako, Asterin.”sabi niya na inirapan pa ako. Napatawa naman akong sumunod sa kanila sa loob. Nagmano lang ako kay Papa na siyang nakalaya na rin, bumaba rin kasi ang paratang sa kanya dahil naging maayos naman sa loob ng kulungan. Binati ko rin si Ate at ang asawa niya, kinasal lang sila noong nakaraang taon. Agad niyang nilayo ang anak sa akin nang magtatangka akong halikan ‘to sa pisngi. Napairap na lang ako roon ngunit hinalikan pa rin si Sed, isang taon pa lang din ito.
Napangiti ako dahil kumpleto kami lahat, maski sina Tita Demi or should I say, Mama Demi dahil ‘yon ang gusto niya, dumating na rin kasama si Ate Elai, well, nandito na rin ang boyfriend niya.
Nagsimula na rin ang kainan sa labas ng bahay dahil hindi naman kalakihan ang hapag namin. Napuno lang din ng kwentuhan at tawanan ang garden namin.
“I remember Esai when we were in college, noong nakatira na kami sa bahay nina Lola, hinahatid niya ako para lang masilayan si Asterin na abalang abala sa kung ano ano sa bahay. User ‘to!”natatawang biro ni Ate Caroline kay Esai na natawa lang habang hindi inaalis ang kamay na nasa upuan ko. Natawa lang din ako roon dahil ilang beses na ata nilang naikwento ‘yon, aba’t ilang beses ko pang naririnig no’n na pinaguusapan ng schoolmate ko at talagang nakakapangselos pa noon. Ngayon ay natatawa na lang talaga ako.
“Si Ate nga patay na patay kay Kuya Koa no’n e!”natatawa kong saad kaya napatawa rin si Ate Elai.
“Eww, I realize Koa is too ugly for me.”natatawang saad niya rin. Nailing na lang din si Kuya Koa roon habang nakaakbay pa rin sa kanyang asawa. Patay na patay talaga rito.
Nagpatuloy lang ang kwentuhan hanggang sa tuluyan nang gumabi, hindi naman pinakawalan nina Papa ang isa’t isa dahil gusto pang mag-inuman kahit na gabing gabi na. Hinahayaan ko naman sila dahil inaantok na rin ako.
“I’ll go now, I really want to sleep.”sambit ko kay Esai. Tumango lang naman siya sa akin at nginitian ako. Naglinis lang ako ng katawan bago nagtungo sa kwarto na para sa amin, hinele na rin naman ako ng malamig na gabi kaya mahimbing akong nakatulog.
Kinaumagahan, medyo late na akong nagising, ang ingay na ng mga tao sa bahay, naririnig na rin dito sa loob ng kwarto ang sigaw ni Gun. Napatawa na lang ako dahil kapag nandito ‘to, punong puno ng ingay ang bahay. It’s actually fun, masayang magising sa ingay ng mga ‘to.
“Good morning, happy anniversary, Love.”nagulat naman ako kay Esai na siyang nandito pala sa loob, mukhang mas nauna pa itong nagising sa akin. Napangiti naman ako nang iabot niya ang isang canvas pati na rin bulaklak. Hindi ko mapigilang mapangiti, ang ganda namang bungad sa umaga.
“I love you…”sabi ko na sinubsob pa ang mukha sa kanyang dibdib. Nanatili lang kaming ganoon hanggang sa lumabas na rin.
“Happy anniversaty to the both of you!”nakangising saad ni Ate Elai. Nagpasalamat naman kami roon.
“Saan ang date niyo?”tanong ni Kuya Koa sa amin. Nagkibit naman ng balikat si Esai, napanguso ako dahil mukhang wala itong plano pero ayos lang, ako na lang ang mamimili kung sakali.
Nanatili lang kami rito hanggang sa maghapon, hinintay lang din na magsialisan ang mga tao bago kami lumarga ni Esai, may kanya kanya rin naman kasi silang lakad.
“Una na rin po kami, Tita, Tito.”sabi ni Esai kay Mama at Papa na siyang abalang abala na rin sa pag-aayos ng ilang kailangan gawin para sa carenderia ni Mama.
“Sige, ingat kayo, enjoy sa date niyo.”sambit ng mga ito at kumindat pa. Napatawa na lang ako at nailing sa kanila.
“Where are we going?”tanong ko sa kanya.
“Just stay still.”sabi niya kaya napanguso na lang ako at napatango. Malapad naman ang naging ngiti ko nang makarating kami sa museum kung nasaan ang masterpiece ni Lola. Nang nasa tapat na kami ng painting ni Lola, hindi ko maiwasang mapangiti.
Kung noon, nakikita ko ang isang babaeng may kasamang orasan, ngayon kapag pagmamasdan ko ang buong pinta, hindi ko maiwasang makita ang isang mukha na may ngiti sa labi. Napangiti na lang ako dahil tama nga talaga sila, nakadepende pa rin talaga sa tao kung paano ito pagmamasdan. Nagpatuloy lang din kami sa paglalakad ni Esai dito sa museum.
Natigil din ako nang huminto siya sa isang pinta, napatawa pa ako ng ginaya niya ang lalaki sa painting, the guy is kneeling in front of the girl, he was proposing, kung ano ano talaga ang trip ng lalaking ‘to. Natulala ako nang marealize ang nangyayari. Nakita ko rin ang singsing na hawak niya habang nakaluhod sa harapan ko.
“Will you be my wife, Elin?”he asked. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan.
“Of course…”ani ko, parang napuno bigla ang puso, hindi ko alam kung paano ako magrereact lalo na nang isinuot niya ang singsing sa akin at tumayo para halikan ako sa labi. The kissed feel so sweet and unhurried at the same time, it connect me to him… napangiti ako nang matapos ang halik, nanatili lang akong nakayakap sa kanya, sinasabayan ng tibok ng puso nito ang akin.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...