Chapter 13
Asterin’s POV
“’Yan! Diyan ka magaling! Napakaplastik mo!”natatawang saad ni Ate Elai nang makita si Esai na nakangiti sa akin. Hindi niya na pinansin pa ang sinabi ni Ate Elai.
“I didn’t know that you’re with Elai, I thought you’re busy?”casual na tanong niya sa akin.
“Hmm, she makes time for me.”pabirong saad ni Ate Elai at kumindat pa sa akin. Napangiti na lang ako dahil do’n.
“I need to go, iwan ko na muna kayo, ingatan mo kotse ko, sinasabi ko sa’yo, kokotangan kita kapag may gasgas ‘yon.”banta niya kay Esai. Napangiwi naman sa kanya ang kapatid.
“Ikaw ang mag-ingat, knowing you? Paniguradong kung saan saan mo nanaman dadalhin.”sabi ni Esai bago ibinigay ang susi sa kanyang kambal.
“I’m really sorry, Asterin, let’s continue our date next time, promise wala ng sagabal!”natatawa niyang saad sa akin. Nginitian ko na lang siya at kinawayan dahil nagmamadali na ito.
“I’ll go now,”nakangiti ko ring paalam kay Esai ngunit agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
“Do you want to hang out with me?”tanong niya. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa mga mata nito, parang kay hirap tanggian. Wala naman talaga akong gagawin sa bahay ngayon at baka mamaya’y kainin nanaman ako ng kalungkutan.
“Do you mind?”tanong ko naman pabalik sa kanya.
“It seems like you’re busy.”sabi ko dahil naririnig ko ang reklamo niya sa kabilang linya kanina.
“Nah, not really.”natatawa niyang saad. Napangiti na lang ako dahil do’n.
“Okay then.. let’s hang out..”sabi ko at tumango sa kanya.
“But before that, let’s put those clothes in Elai’s car.”sabi niya at tinuro ang mga pinamili namin ni Ate Elai. Napatango naman ako at kinuha ang ilan.
“She’ll kill me if she’ll know that we didn’t put extra care with her clothes.”natatawa niya pang saad. Napangiti na lang ako dahil dito. Makikita kasi ang pagmamahal niya sa kapatid. Naglakad naman na kami patungo sa parking lot at nilagay ang mga damit ni Ate Elai.
“You’re really close with her no?”hindi ko mapigilang itanong.
“Hmm, I don’t really know, maybe? Or maybe not, madalas din kasi talaga kaming mag-away.”sambit niya at nilingon ako. Napatawa naman ako ng mahina do’n, knowing their personalities? Paniguradong walang gustong magpatalo maski isa sa kanila.
“Have you eaten?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako roon.
“Then let’s go for a ride.”sabi niya at nginitian ako. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto bago siya nagtungo sa driver seat.
“It’s been a while since the last time I talked to you.”sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
“I’ve been busy with my life. Coping up with my grades, trying to beat my sister..”pabulong na saad ko, hindi ko na namamalayan na sinasabi ko na pala ang mga nasa isip lang.
“Trying to be best at everything but ended up failing and losing that one thing na naging parte na ng buhay ko.”hindi ko mapigilang sambitin. Nakikinig lang ito sa akin. Hinayaan akong magsalita.
“I’m sorry, I’m telling you some nonsense things again.”sabi ko at pinaglaruan ang aking mga daliri.
“I told you.. I can lend you my ears.”nakangiti niyang saad.
“Sige nga, iabot mo nga?”utos ko sa kanya. Napaawang naman ang mga labi niya at naguguluhan habang nakatingin sa harapan ng kanyang kotse. Hindi ko naman mapigilan pa ang pagtawa dahil sa naging reaksiyon nito.
“You tend to be corny sometimes no?”naiiling niyang saad ngunit makikitaan din naman ng ngiti mula sa kanyang mga labi. Nakaramdam naman ako ng kaunting kahihiyan dahil dito. Napailing na lang din ako sa aking sarili at pinigilan ang gustong kumawalang ngiti sa akin.
Ibinaling ko na rin naman ang atensiyon sa kalsada. Siguro nga’y tama lang talaga na sumama ako kay Ate Elai, I really need to unwind, ilang araw din na school, academy, at bahay lang ako, pakiramdam ko’y talagang naburyo ang utak sa walang katapusang pag-aaral.
“Let’s go.”nakangiti niyang saad nang makarating kami sa isang golf courses. Bahagya naman akong nagulat habang nakatingin dito.
Lumabas naman siya ng kotse at pagbubuksan sana ako ng pinto ngunit naunahan ko na siya. Napabuntong hininga lang ako habang nakatingin dito. I’ll learn another thing? Kaya pa bang iproseso ng utak ko ‘yon?
“Let’s just stop thinking about anything and just enjoy things.”nakangiti niyang saad sa akin.
“I don’t really know how to play golf but you know what, you don’t really need to force yourself to learn something. Sometimes, you can enjoy it with being good. It’s fine to focus in that one thing you’re really good at.”nakangiti niyang saad sa akin. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko dahil sa sinabi nito. Nakatingin lang ako sa kanya at dahan dahan na napatango. I was always been focus to be good at everything.
“And if someone’s good at it, it’s actually fine, ano ‘yong hindi tama? Forcing you to follow someone’s trail. You’re your own, Elin.”sabi niya na ginulo ang buhok ko. Hindi ko mapigilang mapatulala lang din sa kanya kaya napatawa ito ng mahina bago niya ako hinila para tuluyan na kaming makapasok sa loob. Hindi ko akalain na matutuwa akong makarinig ng ganitong mga salita mula kung kanino. Nakatitig lang ako sa kanya bago niya ako hinila patungo sa loob.
“Thank you.”pabulong na saad ko.
“Don’t thank me yet, ni hindi pa nga tayo nagsisimulang maggolf.”natatawa niyang saad sa akin.
“Are you really sure you want to play? Sobrang tirik ng araw.”tanong ko sa kanya. Well, wala naman kasi sa akin ‘yon. It’s fine.
“Why? Ayaw mo ba? Should we just go to bowling area around here?”tanong niya sa akin.
“Hmm, nah, it’s completely fine. Ikaw lang inaalala ko, sa kutis mong ‘yan parang hindi nabibilad.”sabi ko kaya agad nanliit ang mga mata niya sa akin.
“You think so?”tanong niya kaya tumango ako. Hindi naman na niya nagawang ipagtanggol ang kanyang sarili nang may lumapit na sa amin para magturo.
“Can we just play within ourself, Ma’am? Don’t get me wrong, it’s not like we’re nagmamarunong.”sabi niya kaya bahagya akong napatawa sa pagiging conyo niya.
“We just want to play without certain rule.”aniya pa, tumango lang naman ang babae sa amin at inabot ang ilang golfing cart at ilan pang gamit. Bahagya naman akong naexcite sa ideyang walang kahit anong daoat na aralin.
“So the only thing na gagawin is ishoshoot ang ball?”nakangiti kong tanong sa kanya.
“Yeah.”sabi niya naman at tumango sa akin. Malapad naman akong napangiti dahil do’n. Hindi ko maiwasang matawa dahil wala kaming ideyang dalawa sa ginagawa but still we manage to enjoy ourselves.
“Anong klase ‘yon? Napakadaya, dalawang beses mong tinira.”natatawa niyang saad sa akin.
“What? Wala namang rule na nagsasabing hindi pwede.”natatawa ko ring saad sa kanya. That’s why may mga rule and guideline for us to follow, para maayos ang lahat.
Hindi ko na lang talaga namamalayan ang pagngiti at pagtawa ko habang nakikipaglaro sa kanya. It was really fun, isabay mo pa ang magandang kapaligiran at maski ang weather today.
Napaupo naman kami parehas sa liliman kalaunan, parehas na hinihingal sa mga rule na gawa gawa lang namin.
“Ang sabi mo’y walang rule rule.”natatawa kong saad sa kanya.
“What? You were the one who started it.”natatawa niya ring saad bago ako pinagbuksan ng inumin. Napangiti na lang ako dahil ako nga ang unang nagimbento ng rule sa aming dalawa.
“The view is nice. Sana pala’y dinala ko ang camera ko.”sabi niya habang nakangiti lang na nakatingin sa paligid. Hindi ko naman mapigilang mapangiti ng mapait do’n.
“I envy you..”pabulong na saad ko kaya napatingin siya sa akin.
“I don’t know if I can do things just like it use to be.”sambit ko. Nakakainggit dahil nagagawa niya pa ang mga bagay na gusto niyang gawin.
“I want to paint again, I want to continue doing it but it won’t let me, I can’t even draw now, the white canvas remain blank, it just stare at me telling me that I can’t do anything. Baka manatili na lang na blangko..”saad ko. Nakatingin lang naman siya sa akin dahil do’n.
“And you know what they said to me? That I won’t be able to be do it.. na hanggang dito lang ako, baka nga tama lang sila. Hanggang dito lang ang kaya ko, I won’t be able to fullfill my dream.”hindi ko mapigilang maalala kung ilang beses kong narinig ‘yon sa ibang tao. Baka nga tama sila. Baka nga mananatili na lang akong sunod sunuran sa yapak ng Ate ko habambuhay.
“Are you sure it’s not just your excuse?”tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko sa kanya.
“Do you really think that they’re the problem? Don’t you think that it’s you?”he seriously asked me. And that when it hits me. Maybe he’s right, I was the problem all along.
“Maybe you thought that they were the one who think that you can’t but little did you know it was you..”sambit niya habang nakatitig sa aking mga mata.
“When others won’t believe in you, please, trust in yourself.”aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilang tamaan do’n.
“Are you really sure that you can draw anything? Even a kindergarten student can draw a stick man. If you think that you can’t draw or what, try to draw the basic. Just try, if you’re afraid that it will not be as you like to be, you should be afraid of not trying anything instead..”nakangiti niya pang sambit. Nakatingin lang naman ako sa kanya do’n. He’s right, tama nanaman siya. Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yon?
“You like it, right?”nakangiti niya pang tanong sa akin.
“Then don’t abandon it..”sabi niya pa bago ginulo ang buhok ko. Hindi ko naman na namalayan ang ngiti sa mga labi ko.
“You’re right, why would I abandon it?”nakangiti kong saad. It was already a half of me. Why would I? Why would I abandon myself?
“Want to go home?”nakangiti niyang tanong sa akin. Alam na alam agad ang paraan ng tingin ko. Napatango ako dahil do’n.
“Let’s go home. Go home, Elin.”pabulong niyang saad sa akin. Napangiti naman ako dahil dito.
“I will.”sambit ko. Inihatid niya ako sa bahay katulad nga ng sabi niya.
“Thank you..”saad ko at malapad ang ngiti sa kanya.
“No need to thank me.”naiiling niyang saad at napatawa pa. Nagtataka naman sa akin sina Tita nang makita ako.
“Nasaan si Elai, Hija?”tanong niya sa akin.
“May emergency daw po, I’m sorry, Tita, but I really need to go in my room.”sambit ko, nagpaalam na sa kanila. Kita ko naman ang tingin ng mga ito na hindi ko na pinansin pa. I was to determine to go in my room. Hindi ko alam kung kaba o ‘di naman kaya’y saya ang nararamdaman ko habang naglalakad patungo sa kwarto.
“I want to paint again.”determinado kong bulong sa sarili.
Nang makapasok ay dumeretso agad ako sa harap ng canvas. Napapikit ako nang tila ba sinasabihan nanaman ako nito na hindi ko kaya. Napailing ako sa sarili. Hindi mo pa nga sinusubukan, Asterin.
Naupo ako sa harapan ng blankong canvas, nakipaglabanan nanaman ng tingin dito but this time I was really determine to draw or even just write something.
“Do anything. Kahit ano, huwag lang blanko.”sambit ko pa.
Napatingin pa ulit ako sa blankong canvas na nasa harapan ko ngayon. Dahan dahan akong hinawakan ang lapis na siyang nasa gilid, dahan dahan ko ‘yong nilapit sa puting canvas, nagsulat lang ako ng kahit anong linya. Hindi ko mapigilang humanga nang ang linyang ‘yon ay tuloy tuloy ng nalagyan ng iba pang mga hugis. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil para bang ang aking kamay na ang kusang nag-iisip.
“I finally did it..”pabulong na saad ko sa sarili, ang malapad na ngiti’y hindi na nawala pa sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...