Chapter 34

1.8K 69 3
                                    

Chapter 34
Asterin’s POV

“Ano? Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi? Naawa ka pa rin ba sa pamangkin ng asawa mo?”natatawang saad ni Mama Ella.

“Mahiya ka naman, Ate! Anak mo na ang pinagtutulungan dito! Sa kagustuhan mong maging isang mabuting tao, nakalimutan mo ng may anak ka!”sambit ni Mama Ella kay Mama. Kita ko namang nakayuko lang si Mama roon, kanina pa siya ganoon, pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

“Stop it, Ella, umalis ka na rito, ano bang gusto mong mangyari?”inis na saad ni Auntie Rosa.

“Oh, bakit? Hindi ako kasing bait ng kapatid ko, gaga.”sabi pa ni Mama Ella.

“Bakit ba? Natatakot ka bang malaman ni Caroline na ikaw ang tunay niyang ina at iniwan mo lang dahil gusto mong humarot sa ibang bansa! Ano? Hindi mo ba gustong malaman ng anak mo? Na kinarma ka pagkatapos mong makipag-apid sa alam mong may asawa na?”natatawang saad pa ni Mama Ella. Natigilan naman ako roon, nang lingunin ko si Ate’y nakatulala lang din siya sa isang tabi. Naawa ako ngunit ang galit ko’y hindi pa rin nawawala.

“Sinabi ng manahimik ka e!”sigaw ni Auntie Rosa at walang sabi niyang sinugod si Mama Ella, para namang bumalik ang luha ko sa mga mata at pinanood kung paano nagsabunutan ang dalawa. Walang sabi sabing hinila ni Mama Ella si Auntie Rosa, sinabunutan niya lang ‘yon, parehas silang gigil sa isa’t isa.

“Baka gusto mong ikaw ang palayasin ko rito, kakaladkarin kita palabas ng bahay, gaga!”sambit ni Mama Ella habang wala namang laban sa kanya si Auntie Rosa. Pare-parehas lang kaming natigilan nang may nagtatawag na mula sa labas ng bahay.

Sinilip naman namin ang mga ‘to, parang wala na akong karapatan na iproseso sa utak ang lahat ng ganap ngayong umaga dahil may panibago nanaman.

“Ma’am, ngayon na po ireremata ang bahay niyo.”sambit ng isang lalaking may dala dalang kasulatan. Nanlaki ang mga mata ni Mama Ella bago niya inagaw ang sulat mula sa kamay nito.

“What the heck is this? Isinanla ang titulo ng bahay?”gulat na gulat na tanong ni Mama Ella. Hindi rin naman ako makapaniwalang lumapit do’n, it’s Lola’s house! Nakikitira lang kami rito! Wala kaming karapatan para ibenta ‘yon.

“Hanggang sa susunod na linggo na lang po kayo pupwedeng manirahan dito, Ma’am, hindi na po kami magbibigay pa ng palugit.”sabi no’ng lalaki. Parehas lang naman kaming natahimik ni Mama Ella. Maya-maya lang ay parehas na pumasok. Umiiyak na tinulak ni Ate si Auntie Rosa bago siya patakbong lumabas ng bahay. Nakita ko namang humahagulgol na si Auntie sa isang gilid bago siya naglakad palabas.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, sobrang gulo na ng utak ko, hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Napapikit na lang ako dahil kung ano ano na ring pumapasok sa aking isipan.
 
“Anong ibig sabihin nito, Ate?”galit na tanong ni Mama Ella kay Mama na hindi ko alam kung ano na ring nangyayari dahil pabulong bulong siya sa isang gilid.

“Alam mong hindi sa’yo nakapangalan ang bahay! Para kay Asterin ‘to! Hindi para sa’yo, hanggang ngayon ba’y hindi ka pa rin talaga nadadala?! Gagawin mo talaga ang lahat para sa sarili mo lang! Sarili mo lagi! Nakakahiya ka! Grow up, Ate! Kailan ka ba matatauhan?!”sigaw ni Mama Ella sa kanya. Hinawakan ko naman na ito at umiling na lang, baka mamaya’y sila pa ang mag-away, masiyado ng nakakapagod.

Parehas kaming natigilan ng tumawa ng malakas si Mama. Tila kinilabutan naman ako sa biglaan niyang pagtawa.

“Anong nakakatawa, Ate? There’s nothing funny here! Magtino ka naman! Maawa ka sa anak mo!”sigaw ni Mama Ella sa kanya, hindi ‘to tumigil kakatawa at maya-maya’y bigla bigla na lang bumulong sa kanyang gilid. That’s when I realize that something is wrong with her, agad kong hinawakan ang kamay ni Mama Ella dahil mas lalo pa siyang nagalit. I often hear her laugh kapag nasa kwarto siya, madalas akala ko’y may kausap lang ‘to but I think there’s something na hindi ko alam. Hindi ko napapansin.

That was the day my mom diagnosed with psychotic disorder dahil sa major change of life at pati na rin sa madalas nitong pag-inom. They also said na maari ring dahil sa drugs. Hindi ko naman alam kung saan siya kukuha ng pera para roon.

“Let’s just go in the province, Hija, let’s give your Mom a new environment.”sambit ni Mama Ella sa akin. Sa kung saan ‘to nakatira. Napatango naman ako roon. Napatitig naman siya sa akin ngunit tahimik lang akong nakatulala sa isang gilid.

“Don’t worry about your tuition fee, may kaunting ipon pa naman ako kahit paano.”sambit niya pa sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil masiyado ng tuliro ang isipan, hindi na ako sigurado sa lahat. Para bang gusto na lang na talikuran ang lahat.

“Doon mo na tapusin ang grade 11 mo.”aniya pa sa akin. Tumango lang naman ako, malaki ang pasasalamat ko na nandito si Mama Ella. Siguro nga mahal pa rin talaga Niya ako, He didn’t left me alone kahit na sobrang nakakapagod na.

“Iiwan muna kita rito, hintayin mo na lang ako.”sambit ni Mama Ella sa akin.

Napatingin naman ako kay Mama na tumatawa lang sa isang gilid, unti-unti nanamang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi si Ate rito sa bahay. Kahit naman na parang hindi ako kabilang sa pamilya namin, pamilya ko pa rin sila. Para bang unti-unting nawala sa akin ang lahat. Baka ako tama rin sila? Sarili ko lang din ang iniisip ko, na baka nakikita ko lang ‘yong paghihirap ko pero hindi ng iba. Baka sa tingin ko’y ako lang ‘tong kaawa awa pero ang totoo? Hindi ako marunong magmatiyag. I didn’t even think that my mom is already suffering from mental illness.

Napapikit na lang ako habang nakaupo sa gilid. Sobrang bigat. Parang hindi ko na kayang tumayo, but I know I should. Dapat lang, Asterin.

It’s my last day sa school, lahat kinuha na ni Mama ang requirements ko. Pinayagan akong magexam dahil kaunting araw na lang naman ay makakatapos naman na ako.

“Talaga bang aalis ka na, Asterin?”tanong sa akin ni Natilie. Tipid lang naman akong ngumiti roon. Pinalibutan naman ako ng ilang nga kaklase ko, ilang mga tanong pa ang mga tinanong nila.

“Oo,”sagot ko na tipid siyang nginitian.

“Si Ate Caroline talaga ang author no’ng mga comics? Ang gaganda!”sabi niya pa. Ngumiti lang ulit ako roon, oo, mayroon pa rin ang galit sa akin, pupwede ko siyang kasuhan ngunit hindi ko ‘yon gagawin, hindi ko naman kayang gawin ‘yon kahit na nagawa niyang nakawin ‘yon.

“Bibisita ka pa ba rito?”tanong nila. Nagkibit naman ako ng balikat dahil hindi ko sigurado. Baka hindi, baka oo. Kahit paano’y may gusto rin akong bisitahin kahit pa nakakatakot na baka tama ang lahat ng hinuha ko.

Ako:

Ate, nasaan ka? Hindi ka pa ba uuwi? Aalis na tayo rito. Hinahanap ka rin ni Mama Ella.

Kahit na galit ako, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kung nasaan siya, kahit paano’y tinuring ko pa rin siyang kapatid. Napabuntong hininga ako dahil ilang beses ko na siyang tinext ngunit kailanman ay hindi niya ako nireply-an.

Ate:

Stop acting like I’m your sister! Wala kang pakialam!

Ako:

Just visit Mama kahit sandali lang, kahit silipin mo lang. Let’s go to Mama Ella’s province together.

Hindi niya ‘yon nireply-an, napabuntong hininga na lang ako ngunit natigilan nang may isinend sa akin ang ilang kaibigan sa classroom.

Natilie:

Look at your Ate’s post.

Napukunot ang noo ko roon, tila ba nilamon na ako ng galit ng makita ko ang article na shinare niya patungkol kay Mama. She said in that interview na the late actress ay nababaliw na, nakapost din do’n na masama raw ang trato sa kaniya ni Mama. Hindi ako mapaniwalang nagagawa niyang sabihin ang lahat ng ‘to gayong pinalamon siya ni Mama at lahat lahat. Mas tinuring pa siyang tunay na anak nito. How can she say that? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang tinitignan ‘yon.

Mas lalo naman akong natigil sa kinakatayuan ko nang makita ko si Ate na nakayakap kay Esai. Ang galit sa loob ko’y mas lalo pang sumiklab habang pinagmamasdan sila. Alam kong hindi dapat ako nagagalit dahil walang kami ni Esai pero totoo bang ginamit niya lang talaga ako para mapalapit kay Ate? That’s fuck up. Akala ko’y galit ang nangunguna ngunit napagtanto ko na sobrang sakit pala.

Nag-iwas na lang ako ng tingin bago sumakay ng bus. Parang namamanhid na ang puso ko, masiyado na akong pagod sa lahat. Parang wala na akong kakampi. Nakatulala lang ako hanggang sa makarating sa bahay.

Papasok na ako sa bahay ni Lola nang may humawak sa palapulsuhan ko. Kita ko agad ang malamyos na mga mata ni Esai sa akin.

“Bitaw, Esai, papasok na ako.”sambit ko ngunit nakatingin lang siya sa akin.

“Aalis ka?”tanong niya habang nakatingin sa aking mga mata. Tumango lang ako sa kanya.

“Saan?”tanong niya sa akin.

“Pwede ba, Esai?! Pagod na ako, huwag ka ng dumagdag pa!”inis kong saad, masiyado ng napupuno dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mukha niya. Huwag siyang umaktong para sa akin ang pag-aalala niya dahil alam kong hindi! Alam kong hindi ako.

“I’m sorry…”pabulong niyang saad ngunit hindi pa rin binibitawan ang palapulsuhan ko.

“lhahatid ko kayo.”sabi niya pa ngunit umiling ako. Seryoso na sa desisyon na gagawin.

“Tama na, Esai! Huwag mo na akong pag-aksayahan pa ng oras dahil ginamit lang naman kita! Ginamit lang kita para may libangan dahil ikaw lang ang nandiyan. Ikaw lang ang choice ko, kaya, pwede ba? Tigilan mo na! Wala na akong oras para sa’yo!”sigaw ko pa, nakitaan ko ng sakit na dumaan sa kanyang mga mata, iwinasiwas ko ang kanyang kamay.

Hindi ko rin alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ‘yon sa kaniya gayong gustong gusto ko siyang sumbatan na ako itong ginamit niya.

“Please, hindi na kita gusto. Boring kang kasama, saka ko lang ‘yon nagpatanto noong mayroon na akong ibang mga kaibigan. Ikaw lang ‘yong choice na mayroon ako kaya baka nagustuhan lang din kita dahil do’n.”sambit ko, hindi alam kung sino nga ba ang pinaniniwala sa sinasabi, sa kanya nga ba sinasabi o baka pinipilit ko lang ‘yong itinatatak sa aking isipan? Alam kong kahit may mga bagong tao, hindi nila matutumbasan ang presensiya niya.

Nakita ko ang sakit na sumasalamin sa kanyang mga mata mata bago ko siya tinalikuran. Sobrang bigat bawat hakbang. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. That’s when I realize na hindi lang ‘yon basta basta paghanga. Alam kong iba na. Alam kong gusto ko na talaga siya o baka higit pa roon. Gustong gusto.

“Naayos mo na ba lahat, Nak?”tanong ni Mama Ella sa akin. Tumango naman ako bago ko tinignang muli ang bahay, pasimple kong pinahid ang luha mula sa aking mga mata ng makita ang ilang litrato namin na nilalagay ko sa bag. It’s our family picture. Mayroon din ‘yong litratong kinuha namin ni Esai noong nandito kami sa bahay, litrato ‘yon na kasama ang picture ni Lola. Tumayo na lang ako ng maayos ko na.

“Sorry po, Mama Ella…”pabulong na saad ko sa kanya.

“Alam ko pong malaking parte ang bahay na ito sa buhay niyo…”sambit ko sa kanya. Nginitian niya naman ako bago ginulo ang buhok.

“Ano ka ba? Huwag mong isipin ‘yon, Hija.”natatawa niyang saad at nginitian ako. Napatingin kami sa labas ng bahay ng may kumakatok doon. Natigilan ako ng makita si Esai na siyang nakatayo lang sa may pintuan.

“I know you don’t really want to see me but give me my hug…”pabulong na saad niya. Tila nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Nang yakapin siya’y parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi.

“Kung nagustuhan mo man ako dahil ako lang ang choice mo, I would always like to be your only choice… kahit anong kaya mong isukli, ayos lang… tatanggapin ko… but I don’t want to be unfair with you, you deserve someone who won’t make your day boring…”sambit niya, hindi ko na namalayang umiiyak na ako. Gusto kong bawiin ngunit hindi ko magawang makapagsalita.

“Happy birthday, Asterin,”aniya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap bago ko naramdaman ang pagsuot niya ng necklace.

“You’ll always be my sunray…”pabulong niyang saad bago ako hinalikan sa noo.

Hanggang sa makaalis kami roon ay hindi naalis sa isipan ko ‘yon, nakatitig lang ako sa sunray necklace na ibinigay niya.

“What a day to celebrate my birthday…”pabulong na saad ko sa sarili bago tuluyang tinalikuran ang nakagisnang buhay.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon