"Boring, gala tayo?" yaya ni Ryz habang kumakain ng kwek kwek.
"Wala ka bang date?" taas ang isang kilay na tanong ko.
"Bakit, ikaw? Mayroon?" she asked back "Why am I asking? Hindi ka naman nawawalan ng lakad. Palagi kang may date" dagdag niya bago pa ako makasagot.
Natawa si Ayesha kaya napatingin kami sakanya.
"Ang cute niyo. Pareho naman kayong maraming lalaki" sarcastic na sabi niya habang natatawa pa.
"What?" syempre aangal talaga si Ryz, tinuro niya ako "Iyan ang maraming lalaki. 'Yung lalaki ko pinakamarami lima at hindi na lumalagpas do'n. Si Rain she's changing men like she's changing clothes"
"Hoy, grabehan 'yan. Wala naman akong ginagawa ah? Nagrereply lang ako sakanila. I'm just being friendly" I shrugged.
"'Yang pagkafriendly mo may halong harot. Hindi mo naman pala jojowain pero pinapatulan mo" napapairap na sabi ni Ayesha.
"Landian lang naman kasi ang gusto ko. Nilalandi ko lang biglang magtatanong ng label. Duh? Kung gusto ko ng commitment ako na sana nanligaw" mataray na sabi ko "Kung ako sa'yo sinagot mo na si Carlos" pag-iiba ko ng usapan.
Ayesha suddenly blushed! I laughed at her reaction. Kapag nababanggit si Carlos natatahimik 'yan.
"Ayoko na. Sa mga lalaki mo palang stressed na ako" nagmamataray na sabi niya.
Natatawa akong napailing at sumakay na sa kotse.
"Kayo nalang gumala ni Ayesha may lakad ako" sabi ko kay Ryz at tumingin kay Ayesha na hanggang ngayon ay namumula pa rin "Feeling ko malaki etits ni Carlos. Sagutin mo na, sayang 'yun"
"Alisha! Ang dumi niyang bibig mo!" mahinang sigaw niya.
"Umalis ka na nga, Rain. Magkakalat ka pa ng kamanyakan mo dito" maarteng sabi ni Ryz.
Kumaway lang ako saka sinarado na ang pinto ng kotse. Sa aming tatlo I'm the most vulgar and straightforward. Sa kay mommy ko namana ang ganoong ugali.
Pagdating ko sa club nakipagbeso pa ako kay Stella. Nirent niya 'tong buong lugar para sa birthday niya. Stella and Kiko are my friends, too.
"Happy birthday, girl" I greeted her.
"So, where's my gift?" she handed her hands.
"Lalaki nalang" bahagyang nakangusong sabi ko "Choices are from a to z"
"Yuck! Hanggang ngayon ang dami mong lalaki"
"Impakta. Ito na gift ko" iniabot ko sakanya ang kwintas na binili ko. Baka mamaya mainsulto pa ako sa sasabihin niya.
We both like jewelries.
"Gosh! Ang mahal nito! Thank you, bb!" she hugged me at kinaladkad ako papunta sa table kung nasaan si Kiko.
"I thought you're not coming" inabutan ako ni Kiko ng shot glass.
"Duh? Ang daming malulungkot kung wala ako" I slightly flipped my hair, they both chuckled.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...