Kabanata 17

10 0 0
                                    

"What was that?" tanong ni kuya "Why you're  packing your things?"



"Anong nangyari, Rain?" nag-aalalang tanong ni Ayesha.




Sunod sunod na ang pagpasok nila sa condo ko.



Hindi ako sumagot. Patuloy akong nag-impake ng gamit ko hanggang sa may bisig na yumakap sa'kin mula sa likuran.




"Babe, don't do this please. Don't leave me"




Hindi ko pinansin ang pag-iyak ni Xior. Patuloy kong pinagpapasok sa maleta lahat ng damit at gamit ko.




"Omygod" napalingon ako dahil sa naging reaksyon ni tita Xiara.




And there was Xior already kneeling in front of me. Niyakap niya ang dalawang tuhod ko at nagsimulang umiyak.


Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mas lalo niya ring hinihigpitan ang pagyakap.





"I'm done! You hear me? Tapos na ako! Let go of me"


"Can you please tell us what is happening?" naiinis na tanong ni mommy.



"Hayaan mo akong umalis, Xior. Kapag hinayaan mo 'kong umalis walang may makakaalam ng nangyari" tunog nakikiusap na sabi ko.




"I used Rain" nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang pag-amin niya "I courted Ailee and she said kapag nagawa kong wasakin ang buhay ni Rain sasagutin niya ako. I was desperate. Gusto niyang gantihan si Rain dahil si Rain daw ang dahilan kung bakit naghiwalay si Thunder at siya. She wanted to take her vengeance and she used me"




"Nagpagamit ka, tama ba?" galit na tanong ni kuya, nakayukong tumango si Xior.



Malakas siyang hinila ni kuya dahilan para mapahiwalay siya sa'kin. Ang malakas na suntok mula sa kapatid ko ang nakapagpatumba kay Xior.




"Gago ka! How dare you used her?! Putangina ka, Xior! Ipinagkatiwala ko sa'yo ang kapatid ko! Hinayaan kita kahit alam kong nililigawan mo talaga si Ailee. Anong karapatan mong saktan siya?! Lahat binigay ko sa kapatid ko! Ni minsan hindi 'yan umiyak dahil sakin tapos papaiyakin mo lang?!"




Pinigilan ko si kuya sa pagtangka niyang tadyakan si Xior.



Nilingon ako ni Xior. He looks devastated. Awang awa ako sakanya pero mas naaawa ako sa sarili ko.




"Rain....please let me explain" pagmamakaawa ni Xior.


Umiling ako.




"Ako na ang nakikiusap sa'yo, Xior. Hayaan mo na ako, please? Pakawalan mo na ako" humagulgol ako sa iyak.




Kaagad siyang lumapit sa'kin. Pipigilan pa sana siya ni kuya pero pinigilan din ni daddy si kuya.




"Ayoko na, Xior. Sobrang sakit. Pakiramdam ko wala na akong lakas. 'Yung sakit nilubog ako, eh. Pakiusap, pakawalan mo na ako. Huwag mo na akong pahirapan, please?"



Ramdam ko ang pag-iling niya.



Tumingin ako kay daddy, tingin na humihingi ng tulong. He sighed at sapilitang hiniwalay sa'kin si Xior.



"Tito, please" tangka akong hahabulin ni Xior pero pinigilan siya ng daddy niya "Rain!!" malakas niyang sigaw.


Walang lingunan akong umalis.


Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon