Kabanata 5

13 1 0
                                    

"Selos ka, babe?" nakangiting tanong ko kay Xior paglabas namin.






"I'll drive you home" seryosong sabi niya at nilahad ang kamay "Give me your keys"






"Kiss?"





"Keys, Rain" mariing sabi niya.






Tumawa ako kahit medyo nahihilo.






"Palagi mo nalang siniseryoso mga sinasabi ko. Ako? Kailan mo 'ko seseryosohin?" natatawang tanong ko at binigay na sakanya ang susi ng kotse ko.







Hindi na siya nagsalita at pinagbuksan nalang ako ng pinto ng kotse. Pagsakay ko pinanood ko pa ang pag-ikot niya para sumakay na din.







"Gusto kong dumaan muna sa coffee shop" sabi ko, tumango lang siya.






Paghinto niya ng kotse bumaba na agad ako, sumunod naman siya kaagad.







"Good evening, ma'am. What is your order po?" magalang at nakangiting tanong ng waitress.








"Two espresso,please" sagot ko at maglalapag na sana ng pera kaso naunahan na ako ni Xior.






"Umupo ka nalang do'n" tinanguan ko siya saka ako naghanap nang mauupuan.






I was scrolling at my phone when someone blocked my peripheral vision. Napatingin ako sa gilid ko at halos mapigil ko ang hininga. I stared at him for awhile. He slightly smile pero hindi nakaapekto 'yun sa'kin. Mas naapektuhan ako sa presensya niya.







Wala sa sarili akong tumayo at lumabas. He followed me, kahit lakad takbo ang ginawa ko ay naabutan niya ako. He held my hands and just like that my tears ran down to my face. Nag-uunahan at animo'y hindi matigil. After two years I didn't expect na magkakaroon ng ganitong impact ang simpleng paghawak niya sa kamay ko.







I thought I was okay. I thought I already moved on. I thought I can slap him for cheating on me and I thought I can look at his eyes without crying. Those are only my thoughts! Masakit parin pala. Hindi pala lahat ay nahihilum sa paglipas ng panahon.






"Rain" he called.






Napaluhod ako at humagulgol. Ito na ba 'yung luhang hindi ko naiyak noon? Ito na ba 'yung sakit na pinigilan kong maramdaman? Ang kalasingan ko ay biglang nawala.







"Laurence" I cried out loud when I mentioned his name after two years.







"I saw you inside so pumasok ako to say sorry. I know it was too late to ask but will you forgive me? I'm sorry, Rain" pigil ang luhang sabi niya "It was almost two years but I still carry the guilt inside me"







"Anong nagawa ko sa'yo? It was almost two years but the thought of you cheating on me keeps on hunting me and it makes me awake every night. I keep on asking my self kung saan ako nagkulang? Kung ano ang nagawa kong mali? Damn it. Kailangan ko pang lunurin sa alak ang sarili ko gabi-gabi para lang makatulog na 'di iniisip ang ginawa mo" hinagod ko ang buhok gamit ang daliri ko "Sumobra ba ako? Nagkulang ba ako? Nasakal ba kita? May ginawa ba ako na ikakasawa mo? Nagsinu----" he cut my words.







"No, Rain. It's my choice. I choose to cheat and I choose to hurt you. Wala kang ginawang mali. Hindi ka nagkamali at hindi ka nagkulang"







Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon