Kabanata 10

10 0 0
                                    

Sinabuyan ko ng tubig si Stella at saka ako lumapit kay Kiko para magtago. Tatawa tawang umilag si Kiko kay Stella. Mula sa likuran ay hinampas ako ni kuya ng floater kaya natumba ako. Mabilis akong tumayo at tinulak siya.




"Picture, guys!" sigaw ni Ryz.


Nagjumpshot kami, wacky at by gender picture.


Napatingin ako kay Xior dahil umahon siya. Pagbalik niya ay dala niya na ang kanyang phone.


"Ryz, can you take a picture of me and Rain?" tanong ni Xior sa kaibigan ko na 'agad namang tumango.



Unang picture ay magkatabi lang kami, the second picture ay nakaakbay siya and lastly! Niyakap niya ako! Paniguradong nanlalaki ang mga mata ko sa huling kuha.


Umahon ako at nagpunas nang may lumapit sa'kin na dalawang lalaki. They both look hot pero 'yung isa ay mukhang inosente at 'yung isa ay mukhang wild.


"Hey, you really caught our attention. Can we take a picture with you?" tanong nung naka shorts lang.



Alanganin akong tumango. Tig-iisang kuha lang naman 'yun. Nagpasalamat sila bago umalis. Pagbalik ko sa dagat ay nakatingin na sa'kin ang mga kasama ko.



"Ganda" napapailing na sabi ni Kiko habang nakangiti "Magpicture taking tayong lahat" sabi ni Kiko at kinuha na rin ang camera niya.



Nagtagal nga lang kami sa pagkuha ng litrato. Pinost ko 'yun sa IG ko at nilagyan ng sun at wave emoji. Mahirap na magcaption ng English tapos mali pala, madami pa namang judgerist.


Syempre kumuha rin kami ng litrato ni kuya. Magkaiba 'yun sa pinost ko.



"Ang daming comments sa'yo" sabi ni Ayesha at mahina akong hinampas "Lahat ay compliments about your beauty and body"



"Magmomodel nga dapat si Rain. Ayaw lang ni daddy at ni mommy. They want Rain to focus on her studies" sabi ni Kuya.



Hindi na ako nagsalita dahil I was busy scrolling. Nakapagpatigil sa'kin sa pagscroll ang pinost ni Xior. It was a picture of us. 'Yung tatlong picture ay pinost niya at may caption na 'I want to start new memories with you. You're rain but you shine bright as sun. I love rain'


Nakita ko ang comments ng mga kaibigan ko sa comment section.


Zyrfiori: OMG! Mahal daw ang ULAN pero tirik na tirik ang araw. Anong ULAN ba? 'Yung naglalakad o 'yung galing sa ulap?



Kikstrong: Love rain? The rain in the picture? Lol, I support you both.



Thndrnuevo: Ah, you love rain? Rain with Alisha as second name and Nuevo as surname. Right or I'm right?


stellaindahawz: I also love rain! Akin 'yan. Don't get my girl, jk.



Ayeaye: Wow, kabado na ang ibang loveteam. Support #FakeRaXi



Lintik na 'yan.


Nagyaya akong bumalik na sa hotel dahil tirik na tirik na ang araw. Masakit na sa balat ang init.



"Ikaw, sabi mo sa'kin ay mas matino sa'kin 'yung dinidate ni Xior" bulong ko kay kuya habang naglalakad na papasok ng hotel.



"Nakatalikod kasi si Ailee nun. Hindi ko na namukhaan"



"Impossible. Dalawang taon na naging kayo 'di mo alam? Kahit figure niya lang?"



Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon