Kabanata 9

7 0 0
                                    

"Welcome to Batangas" salubong ng ibang staff pagdating namin.





Binigyan pa kami ng shake isa-isa. Tinulungan kami ng iilang bellboy para sa mga dala naming maleta. Usapan namin nila mommy ay sa dinner na kami magsasabay kumain.





Nagpadala nalang kami ng pagkain sa hotel. Magkakasama sa room kaming girls at nasa ibang room naman ang boys. Si Ryz ay agad humilata pagpasok niya. Si Stella ay inayos pa ang ibang gamit niya. I take some pictures of the view.





Lumabas ako para kumuha pa ng litrato. I was busy taking pictures when I saw Xior. Malayo ang tingin at nakaupo siya sa buhanginan. Kinuha ko ang phone ko at kinuhaan siya ng litrato. Pinost ko 'yun sa IG story ko at nilagyan ng heart emoji.





Naglakad ako palapit sakanya at umupo sa tabi niya. Sinulyapan niya lang ako at naglaro siya ng buhangin.





"Looks like your mind is full of thoughts. You can share it with me" nakangiting sabi ko.





He took a deep sighed. Ilang sandali pa ay tumingin siya sa'kin.





"Ikaw ang nasa isip ko" pag-amin niya na bahagya kong ikinagulat "Habang nakakasama kita realizations hit me" hinintay ko ang idadagdag niya "Kapag ikaw na 'yung pinag-uusapan I always pay attention. Kapag wala ka hinahanap kita. Gusto ko alam ko lahat ng mga lakad mo, mga ginagawa mo at lahat ng tungkol sa'yo. You can make me smile kahit sa simpleng pagngiti mo lang. You complete my day, Rain" lumamlam ang kanyang mga mata.





Nakatakas ang isang patak ng luha sa mata ko pero pinunasan ko 'yun at matipid siyang nginitian.





"'Yung mga pinaparamdam mo at 'yung nararamdaman ko ay hindi ko pa naramdaman kay Ailee. Kapag ikaw pakiramdam ko hindi ko kailangan ipilit 'yung sarili ko. Kapag ikaw handa akong gawin ang lahat at handa akong mawalan ng lahat 'wag lang ikaw" nagsimula na siyang umiyak "I think I like you" malungkot siyang ngumiti "But liking you means hurting Ailee"





Hindi ko alam ang sasabihin. Si Ailee ang una niyang nagustuhan. Tumayo ako kaya napatingin siya sa'kin.






"Choose Ailee, then" wala sa sariling sabi ko "I can't be your second option, Xior. I'm not in the menu. Besides siya naman talaga ang una mong nagustuhan. If you can't hurt her then choose her. I can stay away. No hard feelings" pigil ang luhang sabi ko at tinalikuran siya.





Pagbalik ko ng hotel ay hindi ko na pinansin ang pagtawag ng mga kaibigan ko. Dumiretso ako sa banyo at doon umiyak.





Bakit kailangan 'tong mangyari? I don't  like him in the first place. Bakit ako umiiyak?





Inayos ko ang sarili ko at lumabas. Magkakasama na silang lahat. Yes, even Xior joined at them. Kumaway lang ako at lumabas ng hotel room. Nakasalubong ko si kuya na palabas ng elevator.





Binaba niya ang dala at sinilip ang mukha ko. Nag-aalala na kaagad ang mukha niya.






"Aw, my baby is sad. Let me hug you" niyakap niya ako "Who made you cry, huh? Tell me"





"Wala"




"So, you cried because of nothing? Psh, as if I'm going to believe in that alibi"





"Wala, kuya" kumalas ako at tinignan ang dala niya "Kanino galing 'yan?" tanong ko at tinuro ang mga kung anong abubot na nasa paper bag.






Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon