"Wow" pagkamangha ko sa bahay.
Nakatiles ang sahig sa ibaba pero 'yung ibang parts ay nakakahoy naman. 'Yung pader sa unang palapag ay semento at 'yung nasa taas ay kahoy na maging 'yung sahig sa pangalawang palapag ay kahoy. It looks old fashioned pero may halong pagkamoderno maging 'yung mga gamit ay moderno na.
Inayos ng caretaker nila ang mga gamit namin. Ang caretaker nila ay mag-asawa at nakatira sa may likod ng bahay.
"Baka may multo dito, Xior" natatakot na sabi ni Ryz habang ginagala ang tingin.
"Takot na takot ka sa multo eh sanay ka ngang maghost" pang-aasar ni Ayesha kay Ryz.
"Tangina ka" plastik siyang nginitian ni Ryz "Takot ka nga sa titi"
"Omygosh" natakpan ni Stella ang bibig at maya-maya ay mahinang tumawa.
"Pakilagyan naman ng konting filter bibig niyo please" natatawang sabi ko at lumabas para malibot 'yung garden nila.
"Painosente ka pa, Rain. Ilang titi na nga nakita mo. Hindi ka takot sa multo kasi ikaw mismo isang ghost" sabi ni Ryz habang sinusundan ako.
"Tapos marami na 'yang naghost" gatong naman ni Ayesha.
Hinarap ko sila.
"Hoy, hindi ko gawain 'yang mangghost na 'yan" I defend.
"Hindi daw pero sa tuwing nagsasawa ka na bigla mong hindi nirereplyan" umiling iling si Ayesha.
"Nagpahinga lang, eh"
"Nagpahinga lang pero 'di na binalikan" pang-aasar ni Ryz.
"Ano ba? Baka marinig kayo ng boyfriend ko"
Naks, boyfriend.
"Guys, tawag kayo ni Xior" sigaw ni Stella.
Bumalik kaming tatlo sa loob ng bahay.
"Anong gagawin natin diyan?" tanong ko kay Xior habang pinapanood siya na maglagay ng pagkain sa basket.
"We'll have our dinner outside" nakangiting sagot niya at binuhat na ang basket.
"Wow, picnic" parang batang nanabik si Stella.
Malapit na rin naman gumabi.
Gumawa ng bonfire si Xior at Kiko. Kami namang girls ay inayos na ang mga pagkain. Bumalik pa si Xior sa loob at pagbalik niya ay may dala na siyang isang case ng beer.
"Bukas sa restaurant na tayo kakain" sabi ni Xior at umupo na sa tabi ko.
Pinaghimay niya ako ng inihaw na isda at sinubuan pa ako. Sinubuan ko din naman siya ng inihaw na pusit.
We also enjoyed star gazing. We had some deep talks with beer. We talked about life and our plans in the near future.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...