Kabanata 3

14 1 0
                                    

Halos masabunutan ko ang sarili dahil late na ako nagising at muntikan na masira ang ipapasa ko mamaya.






"Alam mo na ba ang balita?" salubong sa'kin ni Gianne pag-upo ko.





"Hindi, ano ba mayroon?"





"Sinugod si Stella ng girlfriend ni Gideon kanina. Ikaw ang hinahanap niya kanina pero 'ayun sila ang nagpang abot ni Stella. Tropa pala 'yun ng ex ng kuya mo"






Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. E, bruha talaga ang mga 'yon. Sigasigaan pero 'pag pinatulan tawag buong tropa. 'Yung isang kalaban mo nagiging sampu, e.






"Anong ginawa nung girlfriend ni Gideon kay Stella?"







"Sinampal, sinabunutan at nginudngod. Putok 'yung labi ni Stella kanina as in ta's iyak nang iyak"






Hindi na ako nagsalita. Pinlano ko na sa isip ko kung paano ako babawi mamaya.






Pagpasa na pagpasa ko sa prof ko ay tinakbo ko na papunta sa parking lot ng school. Sobrang bilis nang maneho ko papunta sa condo ni Stella at pagdating ko do'n ginagamot siya ni Kiko.





"Rain" sabay nilang sambit.






"Ituro mo sa'kin kung sino sa mga tropa ni Ailee ang gumawa sa'yo niyan" mariing sabi ko para maintindihan niya bawat salitang lumalabas sa bibig ko.






Hinila ko siya pero hinawakan din ni Kiko ang kabilang kamay niya. Masama kong tinignan si Kiko.






"Gulo na naman, Rain? Hayaan mo na" pagpigil niya sa'kin.






"Hindi, Kiko. Kung ikaw walang ginawa para kay Stella ako may gagawin"






"Huli ka na nalaman, okay? Tama na"






"Hindi" malakas kong hinila si Stella at kinaladkad hanggang sa makababa kami.






"Rain!" habol ni Kiko at sumakay din sa kotse ko.






"Ilan ang nanakit sa'yo?" tanong ko kay Stella habang mabilis na nagmamaneho.






"Tatlo" paiyak niyang sagot.





Hininto ko ang kotse kung saan nakatambay si Ailee kasama ang mga kampon niya.






"Ituro mo ang gumawa sa'yo niyan" utos ko.






Itinuro ni Stella si Ailee, ang girlfriend ni Gideon at 'yung babaeng humahagikgik. Nagtatawanan sila at sabay na mag-aapir. Bumaba ako ng kotse at sumunod naman 'yung dalawa.






Papalapit palang ako ay naagaw ko na ang atensyon ng mga nandoon. 'Yung mga lalaki ay nakangiti pero wala ako sa mood para makipaglandian ngayon.






Walang awa kong hinampas 'yung ulo ng isang babae sa lamesa dahilan para magsitayuan ang mga nandoon at gulat na tumingin sa'kin. Alam kong malakas 'yun dahil sa lagabog at talagang sinadya kong lakasan.






"What fuck is your problem?!" sigaw ni Ailee at dinaluhan ang kaibigan.






"Ikaw at 'yang mga kampon mo!" sigaw ko at hinila ang buhok ng girlfriend ni Gideon "Tatakas ka ah" kinaladkad ko siya at nginudngod ang pagmumukha niya sa semento "Ayan! Putangina ka! Masakit 'di ba?! Enjoyin mong gaga ka" talagang sinagad ko ang pagngudngod sa mukha niya.






Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon