Kabanata 14

17 0 0
                                    

Pinag-isipan ko ang pinag-usapan naming tatlo and I guess they have a point. Bahala na susugal ulit ako.





Pag-uwi ko kay nakauwi na din si Xior. Half naked na naman siya.






"Ang sabi mo kanina ay uuwi ka na. Bakit naunahan pa kita?" salubong niya at kinuha ang damit niya na nasa sofa.




"Nagyaya si Stella sa condo niya. Saan ka pupunta?" tanong ko dahil mukhang aalis siya.






"Nagpahanda ako ng dinner sa rooftop. Doon tayo kakain. Let's go"





Gusto kong umangal dahil busog pa ako kaso ang pangit naman kung tatanggihan ko siya.





Pagdating sa rooftop naagaw kaagad ng papalubog na araw ang atensyon ko. Sobrang ganda! Hindi ako magsasawang tumitig.






"Kaya napili kong dito kumain kasi naalala ko na sobrang gusto mo ang sunset" sabi ni Xior habang inaayos ang kakainan namin.





"Thank you"






He smiled.





The whole time na kumakain kami ang nasa isip ko lang ay ang sunset at kung sasagutin ko ba si Xior.






Well, wala namang problema kung sasagutin ko siya. Tinigilan niya din naman si Ailee at siya ang gusto ng lahat para sa'kin. Nakikita ko rin na seryoso siya.






Pagkatapos naming kumain bumalik kami sa unit ko. Nanonood kami ng comedy movie. He suggested it kasi nga dapat ngayong araw daw ay masaya lang.






Anong oras na din kami natapos sa panonood. Panay na nga ang hikab ko habang nagsscroll sa phone ko.





An idea pop up in my mind. Tinignan ko ang oras. It's already 12:47AM, kapag gising pa siya at nabasa niya 'to kami na. Binuksan ko ang IG ko at nagstory. Pinicturan ko ang orasan at naglagay ng text '12:47AM I am saying yes! Hi, babe'






Natawa ako habang tinitignan ang IG story ko.






Mas lalo akong natawa dahil sunod sunod ang chat sa'kin ng mga kaibigan ko at ni kuya.






Kikstrong: Putangina, sana all sinasagot. Congrats! Ready ka na ulit masaktan at uminom gabi-gabi, jk.






zyrfiori: Seryoso yarn? Alam ba niyang nanliligaw siya? Joke. Congrats, sis!






stellaindahawz: Waahh! I knew it! Hello, babe :)) Makakain na din 'yung mani mo na matagal nastock.






Gago.





ayeaye: owemjii, ready ka na talaga? Ready na umiyak gabi-gabi? Ready ka na ulit na maiwan at maloko? Lol, I love you! Congratulations!





Thndrnuevo: huhuhuhu 'di pa ako ready! Reschedule mo 'yan hehehehe. Dalaga na 'yung baby ko :< Congrats, walang forever.






Mga abnoy.





Isang malupit na thank you lang ang nireply ko kahit gusto ko pang makipag-asaran sakanila, kaso nga lang tinatamad ako magtype kaya bahala sila.






Napabalikwas ako ng bangon when I received a message from Xior.





Screenshot 'yun ng story ko.





Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon