Kabanata 7

8 1 0
                                    

"Bantayan mo nang maayos 'yan, Xior" bilin ni daddy kay Xior, tinanguan naman siya ng kausap.


Kakadating lang namin sa condo ko. Nakalabas na kasi ako ng hospital.

"You take care" sabi sa'kin ni Stella at hinalikan ako sa pisngi.


'Yung iba ay hindi na ako nasamahan dahil may pasok. Si kuya ay umalis din agad pagkatapos akong ihatid.

Pag-alis ni daddy at Stella dumiretso ako sa kusina para kumuha ng alak. Sumandal ako sa counter table at pinaglaruan ang baso ko.

Sumandal din si Xior sa harapang pader at pinagkrus ang braso. Sinulyapan ko siya saka inubos ang Johnnie Walker na nasa baso ko.


"Aren't you drinking meds?" masungit na tanong niya "Ang aga-aga ay umiinom ka"



"Katawan ko naman 'to" mataray na sabi ko.


Magsasalita pa sana siya kaso nagring ang phone niya. Sinagot niya 'yun sa harapan ko.


"Ailee? No, hindi ako pwede. I'm busy right now. I'm sorry" pagbaba niya ng phone ay tumingin siya sa'kin.


"You're not busy, Xior. Puntahan mo na siya" nagsalin ulit ako ng alak pero mabilis niyang kinuha 'yun nung iinumin ko na.


"I'm staying. Walang may magbabantay sa'yo" nilagay niya sa sink ang baso at binalik sa ref ang alak.


"I can take care of myself" inirapan ko siya at naglakad papunta sa kwarto.


Nagbihis ako para magyayang mag-inuman. Raxam is inviting me, anyway.

"Who told you you're allowed to go out?" humarang si Xior sa pinto.


"Wow, am I grounded? Chill, you're not my dad" tatawa tawang  sabi ko.

"Hindi ka pwedeng umalis" mariing sabi niya.


"Xior, 'yung mga magiging anak nalang natin ang ganyanin mo, ha? I want to enjoy" nanatili siyang nakaharang sa pinto "Xior" medyo inis na pagtawag ko sakanya "Okay, babe may I go out? I want to enjoy, babe. If you want you can come with me"


"Fine. Stay here. Magpapalit lang ako" masungit paring sabi niya at tinungo ang kwarto niya.


"Gusto mo lang pala na tawaging babe, e!" tumatawang pahabol ko.


Umupo muna ako sa sofa at hinintay siya.

Paglabas niya ng kwarto ay ayos na ayos na siya at talagang magkapareho pa kami ng kulay ng damit.


"What?" kunot noong tanong niya pagkatapos ko siyang titigan.


"So handsome" I giggled.

"Ganito ako araw-araw" masungit na sabi niya at nauna pang lumabas sa'kin.


"You know what? Ang gwapo mo sana masungit ka lang" sabi ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.


"Ang tigas kasi ng ulo mo. If you'll listen to me hindi na ako magsusungit"


"Sige, makikinig na ako pero dapat may kapalit" nakangising sabi ko, sinulyapan niya ako "Mahalin mo 'ko"


"Psh" inirapan niya lang ako bago pumasok ng elevator.


May dalawang babaeng pasimpleng nagkurutan pagpasok namin. Halatang crush nila si Xior. Nakakainis naman!


Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon