Kabanata 8

8 0 0
                                    

"Oh, heto si Rain ang pangbato ko" sabi ni Rasmy at hinila ako papunta sa harap.

Dito kasi ako dumiretso pang palipas oras lang sana. Dumaan din ako sa tambayan ni Kiko kanina pero boring doon, puro couple ang umiinom.

"Lintik, sunugan ng baga 'yan" halos magreklamo ako, tinuro ko ang mga alak na nasa pool table.

Bawat bote ay may kapalit na pera kapag naubos mo ang laman. Okay lang sana kung beer lang 'yan pero lahat ay whiskey, walang chaser at walang pulutan!

"Kaya mo 'yan, Rain" sabi ni Rasmy at mahina akong tinulak tulak.

"What is the total prize?" tanong ko.

"Two hundred thousand" sagot ni Rasmy.

"Palitan ko in cash. Ayoko niyan. Hindi pa naman ako suicidal" akmang aatras ako kaso nahagip ng paningin ko si Laurence.

Nasa gilid siya at nasa madilim na part. I know he's watching me. Siya lang ang taong nandoon at hindi nakikihalubilo. Kapag umalis ako ay paniguradong susundan niya ako at sisirain niya na naman ang araw ko.

Walang pasabi kong nilaklak ang Jose Cuervo. Nagpalakpakan ang mga taong nandoon at naghiyawan pa. Ilang minuto lang ay naubos ko na kaya sinunod ko ang Andy Player, Red Label, Japanese whiskey, Johnnie Walker, Jinro, Scotch, Bourbon, Rye Whiskey at Brandy.

Hilong hilo kong kinuha ang cash prize at pabagsak na umupo sa single couch. Akmang lalapit sa'kin si Laurence kaso ay may lalaking kumausap sakanya.

Putangina, sana ay may tumulong sa'kin dito.

Nanlabo bigla ang paningin ko pero nakita ko ang paglapit ni Rasmy. Malamya akong sumenyas na umalis siya.

Kumuha ako ng isang mint na nasa bag ko. Baka kasi sumuka ako.

Pagring ng phone ko hindi ko na nakita kung sino ang caller pero sinagot ko parin ang tawag.

"Where the hell are you?" tanong ng kung sino, humagikhik ako "Fuck, I'm sure as hell that you're drunk. Where are you?"

"Teen's Palace" sagot ko, biglang namatay ang tawag.

"Anong oras na?" tanong ko sa waiter na napadaan lang.

"Ala una na po ng madaling araw" sagot niya at bahagyang tumungo saka umalis.

Papikit pikit na ang mata ko pero pinipigilan kong makatulog. Kahit pa sigurado akong walang gagalaw sa'kin dito ay kailangan kong magising para makauwi.

Maya maya pa ay may lalaking bumuhat sa'kin. Wala na akong lakas para umangal pero kahit papikit pikit na ako ay alam ko kung sino siya.

"You're so wasted, Alisha! Ang sabi ko ay maglibang ka muna but I didn't tell you to get drunk! Amoy alak ka na" galit niyang sabi "Ang uniform mo ay amoy alak pa"

"Easy, nasa club ako. What do you expect me to do? Magbasa ako ng bible verses? Sermonan silang lahat?"

"Godness" sinakay niya ako sa kotse. "Dapat talaga ay hindi ko hinayaang umalis ka mag-isa"

Hindi na ako nagsalita dahil sa kalasingan. Pagdating namin sa condo ko ay nakita ko pa si Ryz na may hawak na palanggana.

Dumiretso ako sa banyo at sumuka. Halos yakapin ko ang inidoro. Sobrang pait ng panlasa ko! Bwisit na 'yun.

Inalalayan ako ni Ryz na mahiga. Pinunasan niya ako at pinalitan ng damit. Nilagyan pa niya ako ng pulbo.

"Ang sweet naman. I love you" nginitian ko siya pero inirapan niya ako.

Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon