Pinanood ko siyang maglakad papunta sa harap hanggang sa napagdesisyunan kong umalis na.
Hinigit ni kuya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Nagsisimula na akong umiyak.
"Baby, please? Huwag ka munang umalis. Treat Xior as someone you just know. Wala ng feelings 'yung tao sa'yo. Bumalik ka na sa loob at 'wag mong ipahiya ang sarili mo"
Napabuntong hininga ako at hinayaan si kuya na hilahin ako pabalik. Malungkot akong tinignan ng mga magulang ko.
Pagkatapos ng talk ni Xior lumapit sa table namin ang mga magulang niya. I don't know if they were mad at me but I understand kung gano'n nga.
Tumingin sa'kin si tita Xiara at matipid akong nginitian. Tito Matthew waved his hands at me. I smiled a bit at them.
"Mama" kinalabit ako ni Glax kaya tumingin ako sakanya "I need to go to comfort room"
Nagpaalam muna ako saka sinamahan siya papunta sa banyo. Hinintay ko siya sa labas. Maya maya pa ay lumabas na siya pero magulo na ang suot dahil hindi nakatuck-in ang panloob niya. Ang cute ng pamangkin ko in his black tuxedo.
Yumuko ako para ayusin ang nagulo niyang damit pero natigilan ako nang lumabas si Xior. Natigilan din siya at maya maya'y tumingin kay Glax saka tumingin ulit sa'kin.
"Mama, hurry up. Baka hinahanap na tayo nina daddy-lo"
Nanlaki ang mga mata ni Xior dahil sa sinabi ni Glax and when he realized that he is already listening ay mabilis siyang umalis.
Habang naglalakad na kami pabalik nakatingin silang lahat sa'min. Ang mga magulang ni Xior ay kitang kita ang gulat dahil sa reaksyon nila at si Xior naman ay tinignan lang kami saglit.
"Where is your dad?" tanong ni daddy kay Glax.
"Nasa business trip po. I don't know the specific place" magalang na sagot ni Glax at kumuha ng dessert.
"He is so cute" tita Xiara giggled, nginitian siya ni Glax. Tumingin sa'kin si tita "Anak mo, Rain?"
"Panganay niya, tita" natatawang sagot ni kuya.
Kahit hindi ako ang nagluwal kay Glax ako parin ang nagpalaki sakanya for six years lalo na't ang daddy niya ay palaging wala. Panganay ko siya, yes.
"Hindi mo pa pala binabati si Xior, Rain" kaswal na sabi ni daddy pero halatang pinipigilan niya lang na ngumiti.
Tumingin ako kay Xior.
"Happy birthday" bati ko at sinubuan si Glax "I'll introduce you to them" bulong ko kay Glax at saka tumingin sa mga magulang ni Xior "Tita, tito this Glax Rodriguez"
"Ayaw mo'ng ipakilala kay Xior?" inirapan ko si kuya dahil sa pang-aasar niya.
Natawa ang mga nakakatanda. Bumaling si kuya kay Xior.
"Mukhang hindi na ikaw ang makakasama niyang bumuo ng pamilya, bro" pang-aasar ni kuya, Xior just smirked.
"I'm Xiara but you can call me lola and you can call my husband lolo" nakangiting tumango si Glax at tumingin kay Xior.
"How about you po? Can I call you tito?"
Malakas na tumawa si daddy at tito Matthew.
"You can call him papa" malakas na tumawa si tito.
"He is your mama's ex boyfriend" sabi ni daddy kay Glax.
Putangina.
"I prefer it that way" nakitawa din si tita Xiara pero si Xior ay parang wala lang may narinig.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...