"Lezzgoww!" malakas akong hinila ni Kiko palabas ng dance floor "Shot!!"
"Fuck you, Francisco!" sigaw ko at kinuha ang inabot niyang baso na may alak.
"Be young and free! Huwag mong panindigan ang pagiging tita!" sigaw niya din.
Nang maubos ko ang alak eksaktong dumating si Raxam. Nakipagbeso ako sakanya at nagbatian naman sila ni Kiko.
"Nadoon pala si Xior" tinuro niya ang couch na medyo malayo "May reunion kami and my friends decided to celebrate it here!"
"Sige, may discount ang alak niyo" tatawa tawang sabi ko.
"I'll introduce you to my friends" sabi ni Raxam at hinila ako.
Nagkatinginan kami ni Xior at ako ang unang nag-iwas ng tingin.
"Guys, this is Rain Alisha" pagpapakilala sa'kin ni Raxam "The girl I'm talking about"
Nakipagkamay sa'kin ang mga kasama nila.
"Hindi naman kayo bagay" napatingin kaming lahat kay Xior dahil sa sinabi niya.
"You know what, Xior? You should get your girl para hindi ka naman mukhang bitter" I smirked and I rolled my eyes.
"Should I get you then?" he smirked too.
"Boom, so smooth" bulong ni Kiko na nasa tabi ko lang.
Inirapan ko si Kiko.
"Hehehe" awkward siyang natawa at dahan-dahan akong hinawakan "Sige, mauna na kami ng kaibigan ko. Enjoy"
Hinila niya 'agad ako.
"Bakit mo ba kasi hinayaang dalhin ka ni Raxam doon?!" pasigaw na tanong ni Kiko paglabas namin.
"I don't even know, okay? Hindi ko alam na gano'n pala aakto ang isang 'yun" umirap ako.
"Rain" fuck it.
Nilingon ko si Xior.
"Ano na namang kailangan mo?" nauubusan ng pasensyang tanong ko.
Tumingin siya kay Kiko, giving the sign to leave.
"Halika na, Kiks" yaya ko at mabilis na sumakay sa kotse.
Siya dapat yung umalis at siya dapat ang hindi na magpakita pa dahil 'yun ang sinabi niya.
Nasubunutan ko ang sarili when I saw Xior's car following mine. Hindi talaga titigil ang isang 'to.
Pagbaba ko ay halos takbuhin ko na ang lobby. Pagsakay ko ng elevator mabilis kong pinindot ang elevator button. Hindi ako mapakali habang naghihintay dahil alam kong sinundan niya talaga ako. When someone held my hands I know it was Xior.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...