Kahit hindi pa ako totally na magaling ay nanood padin ako ng presentation. Ang alam ni Xior ay papasok pero hindi niya alam na manonood ako. He dropped me at the school pero nagpasundo ako kay kuya.
"'Ayun siya" tinuro ni kuya si Xior na nakaformal attire.
Halata sakanya na kinakabahan siya.
Ngumiwi ako nang makita na lumapit si Ailee sakanya at niyakap siya pero si Xior na mismo ang kumalas at kitang kita na nairita siya sa ginawa ni Ailee.
"Lapitan mo na doon, sis. Payag ka nun? Syempre, hindi" bulong ni Ryz.
Yeah, she's here. She was so excited when I texted her na manonood ako.
Panay ang paghugot ng malalim na hininga ni Xior at panay din ang tingin sa phone at sa papel na hawak niya.
"Go" tinulak tulak ako ng dalawa papasok ng classroom nina Xior.
Eksaktong nakatalikod siya sa'min at 'yung mga kaklase niya lang ang nanlalaki ang mga mata at nakangiti.
"Kabado, Xior?" tanong ng isang kaklase niya at sinulyapan kami "Representative ka lang naman ng buong engineering department" tumawa ang kaklase niya, hinampas siya ni Xior ng papel.
"Ay, mapanakit" sabi ko habang magkakrus ang braso.
Agaran siyang lumingon. Naluha pa si abnoy nang makita ako. Sa isang iglap lang ay yakap-yakap niya na ako.
"I really want to tell you to watch me represent kaso ayoko namang makaabala sa studies mo. I didn't expect you to come. Kanina lang ay gusto na talaga kitang sabihan pinigilan ko lang ang sarili ko" paiyak na sabi niya.
"You are free to invite me, manonood naman ako. Besides hindi naman ako nag-aaral" natatawang sabi ko habang tinatapik tapik ang likuran niya.
Sa gano'n kaming sitwasyon when his prof entered the classroom kaya kumalas kami ni Xior, he hold my hands.
"Prof, gusto ko sana na sa harap sila umupo" paalam ni Xior at tinuro ako saka 'yung dalawa kong kasama.
"No problem. Bumaba na tayo because ten minutes nalang we'll start na" nakangiting sabi ng prof niya at lumabas din.
Lahat kami maging ang mga kaklase niya ay bumaba. Naupo kaming tatlo sa pinakaharap. Nakipagbatian pa muna ako sa mga magulang ni Xior saka ako umayos ng upo.
Xior is doing his great. Every questions ay nasasagot niya and every conflicts ay may explanation siya. But still kinakabahan din ako dahil iilang prof palang 'yung nagtanong sakanya about doon sa miniature house na ginawa niya. Kung ako 'yun ay hindi ko kakayanin. Reporting palang sa harap ng mga kaklase nauutal na ako paano pa kapag presentation sa harap ng maraming tao.
I take a picture of him na sumasagot habang may hawak na mic and as usual pinost ko na 'yun, hindi na sa IG story. I captioned 'Everyday I believe in you. Now, I am so proud of you!'
Napatingin ako kay Xior dahil natigilan siya sa tanong ng isang licensed engineer. Nagtanong ba naman about sa ibang formulas in Basic Calculus na hindi pa daw nagagamit. Ano 'yan? On the spot gagawa ka ng sariling formula? Abnoy din palang tunay 'to, eh.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...