Kabanata 6

11 1 0
                                    

"Open the goddamn door, Rain Alisha Nuevo!" malakas na sigaw ni Ryz habang kinakalabog ang pinto. Hapon na pero nangbubulabog parin sila dito. Kung kaya niyang sirain 'yang pinto paniguradong sisirain niya 'yan mabuksan lang "Buksan mo 'to!"





"Leave me alone!" sigaw ko.






"Anong leave me alone?! Hindi! Lintik na 'yan. Wala ka pang kinakain! Ano ha? Nabusog ka ba sa lahat ng sama ng loob? I said open the door!"






"I want to be alone! Iwan niyo 'ko!" sigaw ko na 'di umaalis sa higaan.






"Hindi parin ba lumalabas?" rinig kong tanong ni kuya. I'm sure kakadating niya lang "Rain, ano ba? Hindi ka daw pumasok and worst hindi ka lumabas ng kwarto. Bumabalik ka na naman ba sa dati? Bumangon ka na diyan at pag-usapan natin 'yang nararamdaman mo"





"No words can explain how I feel" mahina kong sabi habang humihikbi.






"Rain, we're worried. Please, lumabas ka na" pakiusap ni Ayesha, sa tono niya mukhang paiyak na siya.





"We love you, Rain. Lumabas ka na. Nag-aalala na kami sa'yo" si Stella.





"Rain, huwag mo naman kaming pag-alalahanin ng ganito. Please, Rain? Lumabas ka na" pakiusap ni Kiko.






Tumayo ako hindi para buksan ang pinto kundi para dagdagan ang harang sa pintuan. Baka mamaya ay mabuksan nila.





Pagtulak ko ng upuan ay bigla akong natumba dahil sa panghihina at biglaang pagkahilo. Sunod sunod at malakas na katok ang ginawa nila. Binabantayan talaga nila ako. Pinapakiramdaman nila ang kilos ko base sa tunog. Hindi sila umalis.




"Rain!! Buksan mo 'to!" sigaw ng kung sino.





Nanlabo ang paningin ko at dumilim ang paligid. Nakita ko pa ang pagbukas ng pinto bago ako mawalan ng malay.






Dahan dahan akong dumilat, nung una ay nanlabo ang paningin ko pero nawala din kaagad. Una kong nakita ay si daddy na kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya.





"Daddy" naiusal ko, kaagad dumalo ang mga kaibigan ko para tignan ako.





"I'm so worried, Rain. Don't dare do it again. We know that you are in pain but please don't torture yourself like this" hinaplos niya ang buhok ko "Hindi ko alam ang magagawa ko oras na may mangyaring masama sa'yo"






"I'm sorry, daddy" napatingin ako kay kuya na nakatiim ang bagang, nasa tabi ko siya pero hindi siya nakatingin sa'kin "Are you mad at me? I'm sorry, kuya" sabi ko, galit siyang tumingin sa'kin.





"Pinag-alala mo 'ko. Alam mong konting kibot lang ay alalang alala na ako. Subukan mo lang talagang ulitin 'yun"





Napanguso ako.





"I'm sorry. Paano niyo pala nalaman?" tanong ko sa lahat pero lahat din sila ay tumingin kay Xior.




"Nag-alala kasi ako sa'yo kaya 'di na ako pumasok at pinuntahan silang lahat" sabi niya, I sighed.




"Alam ba 'to ni mommy?" tanong ko kay daddy, umiling siya.




"Ako lang ang tinawagan ng kuya mo. Kung alam niya malamang sumugod na 'yun dito" sabi ni daddy.





Coming Back To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon