After that lunch hinatid na ako ni Xior sa condo. I found out na kapag hindi niya pala ako ididate ay mapapalayas siya sakanila. Well ako malilintikan ako kay mommy. Ngayon lang siya humingi sa'kin ng gano'n.
"Nakikipagkita ka? Bakit?" tanong ni Kuya paglabas niya ng campus nila.
Kumaway pa muna ako at nakipagbeso sa mga kakilala ko na dumadaan.
"Syempre namiss naman kita" panlalambing ko. Tumaas ang isang kilay niya.
"Magpapamisa ako kung totoo 'yan. Magkano kailangan mo?" tanong niya at inakbayan ako.
"Naisip lang kitang puntahan, okay?"
Ngumiti siya.
"Wow, nabakante schedule mo. Wala kang date" inakbayan niya ako hanggang sa bilihan ng fishball.
"Mayroon. Tinatamad lang ako" kibit balikat na sabi ko at tumuhog ng fishball "Bakante ka ba? Inuman tayo?"
"Hanep, parang tropa mo lang kinakausap mo ah" dinuro niya ang noo ko "Ipapaalala ko lang Rain Alisha Nuevo na ako pa rin ang kuya mo"
"Hindi ko 'yan nakakalimutan, Thunder Stanford Nuevo. G ka?"
"Ge lang" matipid niyang sagot.
Kaya ang dami kong kakilaka mapababae o lalaki, e. Marami kasing nagkakagusto kay kuya dahil pasok siya bilang isang ideal man.
Pagdating namin sa club ay ako pa ang nag-order ng alak namin. Hindi na ako kumuha ng VIP kasi dalawa lang naman kami.
"Hi, Rain!" bati ng isang kakilala pero kay kuya ang tingin.
"Hoy! Huwag mo 'kong iwan! Wala akong kakilala dito!" sigaw ni Kuya habang hawak ang palapulsuhan ko. Aalis sana ako.
"Ano ka ba? Makipagkilala ka kasi!" sigaw ko. Malakas ang sounds so hindi kami magkarinigan.
Umiling lang siya at nang masiguro na hindi ako aalis ay saka palang niya ako binitiwan.
"Si Xior nakita ko! Same school kami. I saw him with another woman!" sabi ni kuya at ininom ang Smirnoff niya.
"Nililigawan niya 'yun! I don't mind"
"Not your type?" nanunuksong tanong niya.
"Type but I don't mind" tumawa ako "Dating lang kami kapag kaharap ang parents" napailing si kuya dahil sa sinabi ko.
"Mas maganda ka naman do'n kaso mas matino siya sa'yo!"
I rolled my eyes. Natawa siya.
"You need to drink holywater! Para malinisan 'yang bibig at kalooban mo!" I rolled my eyes for the second time.
"Chill, 'lil sis"
Inambahan ko siya saka ko inubos ang Jinro na nasa baso ko.
Gabi na nang makauwi kami ni kuya. Diretso na 'yun sa condo niya. Pareho na kaming hindi tumitira sa bahay dahil siya tinatamad magdrive galing sa bahay papuntang school. Ako naman ay nabobored sa bahay.
Kinabukasan tumambay ako malapit sa bilyaran ng school nina Ayesha. Kaming tatlo kasi ay magkaiba ng school, pinilit ko sila sa gano'n para madagdagan ang gagalaan ko. Boring kapag pareho kaming tatlo ng school.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...