Pagkatapos kong ilibre si Xior ay hinatid niya ako sa condo. I rolled my eyes for the nth time. Daig niya pa ang parents ko at si kuya.
"Anong oras na, Rain. You sleep early. Hindi maganda sa katawan ang palaging alak" mahinahong sabi niya.
I mocked.
"Kaya nga ako umalis sa bahay para walang may mangingialam sa'kin" inirapan ko ulit siya.
"Isang irap pa niyang mga mata mo I'll make sure na titirik 'yan mamaya" banta niya.
Binato ko siya ng throw pillow na nasa sofa.
"Paubos na 'yung laman ng ref" sabi niya after pulutin 'yung unan.
"Maggrocery ka" sabi ko at tumayo na "May grocery store diyan sa baba"
"Really? Let's go"
Hinila niya ako bago pa ako makaangal.
Masama kong tinitignan si Xior habang nakasunod ako sa likuran niya. Umaayos lang ako kapag nakatingin siya pero nasa isip ko ay sinusumpa ko siya.
Napatingin ako sa dalawang babae na naghahagikgikan habang nakatingin kay Xior. Bitches, he's with me. Magbubulungan sila tapos pasimpleng magkukurutan at hahagikgik.
Makapal pa ang pagmumukha ng isa dahil lumapit pa at talagang hinarangan ako. Sinisilip niya si Xior na busy sa pagpili ng mga gulay at prutas.
Paglingon ni Xior ay kitang kita ko pa kung paanong nanlaki ang mga mata niya dahil ibang babae na ang nasa likuran niya. Nginitian siya ng babae pero hindi niya 'yun pinansin, parang wala nga siyang may nakita. Binalikan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Are you done there, babe?" tanong niya, tumango ako "Let's go to the meat station" yaya niya at hinila ako habang nakahawak parin sa kamay ko.
Nilingon ko ang dalawang babae na masama na ngayon ang tingin sa'kin. I smiled at them. 'Kala niyo ha. Again, he's with me.
Binitiwan din ni Xior ang kamay ko dahil pipili na siya ng karne. Napatitig ako sa side profile niya. He is the type of a guy na itataya mo lahat ng yaman mo makuha lang siya. Kahit sa simpleng pantalon at white shirt ay napakahot niyang tignan.
"Done staring?" nakangising tanong niya dahilan para mabalik ako sa wisyo "Bili pa tayong snacks" nakangiting dagdag niya.
"I'm not staring at you. Parang may nakita kasi akong kakilala ko" I lied.
Dahan-dahan siyang tumango tango habang nakangiti padin.
"Tayo lang ang nandito mula pa kanina" nakangiting tinignan niya ako "Kailan ka pa nagkaroon ng kakilalang multo?"
"Bahala ka sa buhay mo" inirapan ko siya at inunahan siya sa paglalakad.
Tumawa pa talaga ang abnoy na kinainis ko.
Pagkuha namin ng snacks pumila na agad kami sa cashier. Habang nakapila ay nahagip ng tingin ko si Laurence. He is looking at us. May cart din sa harap niya. I avoided his gazed.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...