"Xior" I looked at Ailee "May ipapagawa ako sa'yo kapag nagawa mo ay sasagutin na kita"
I arched a brow.
"I'm willing to do everything" I shrugged.
"Do you know Rain Alisha Nuevo?" I nodded. "Break her heart"
"Why would I do that?"
I was shocked when she cried in front of me. Kaagad ko siyang inalo.
"Sinaktan niya ako Xior. Sinulsulan niya 'yung kuya niya para makipaghiwalay sa'kin. I want my revenge. Ang sama ng ugali niya"
I really like Ailee, she's the shy type and beautiful.
"I will do anything for you Ailee" I seriously said.
"Promise me, Xior"
"I promise you na masasaktan siya sa gagawin ko. Ako ang gaganti para sa'yo"
Pinunasan ko ang luha niya.
The next day kinulit ako ni mommy para ipakilala sa anak ng kumare niya.
"Come on, just try" pamimilit sa'kin ni mommy "She's beautiful and a nursing student. Promise, you'll like her"
"Mommy, I'm already courting Ailee"
"I don't like that girl. Mabigat ang loob ko sakanya. This one is so pretty, wala kang masasabi sa ugali niya"
Natigilan ako when she showed me the picture of Rain. She's wearing a black two piece, napatitig ako sa mayaman niyang dibdib at sa makinis at maputi niyang balat. Nililipad ng hangin ang maganda niyang buhok. She looks so hot and beautiful at the picture. Tatawanan ka kung sasabihin mong pangit siya.
Sa mga litrato ko lang talaga siya nakikita and everyone knows her. Every boys like her, except me. Rinig ko she's a playgirl. Ang mga lalaki ay iniiyakan at hinahabol siya.
"You stared at her picture!" tuwang tuwa na sabi ni mommy.
"I was just curious"
Sumunod sa'kin si mommy.
"Anak, please? Just try" pamimilit niya.
"Pagbigyan mo na ang mommy mo. Hindi ka tatantanan niyan" sabat ni daddy.
I sighed.
"Fine. I'll talk to her"
My mom pouted.
"Set a lunch date tomorrow with her parents mom para makasigurado ka. Sabay kaming pupunta bukas"
Mom smiled so sweetly. Ayaw niya kay Ailee pero sa babaeng 'yun ay botong boto siya? I don't understand her.
BINABASA MO ANG
Coming Back To You (COMPLETED)
RomanceDate lang sana pero nahulog siya. Naging mabait lang kinailangan na niya. Nag-alala lang ginusto na niya. Lastly, nagpanggap lang minahal na niya. Tinanggap niya, ginusto niya, kinailangan niya at minahal niya pero lahat pala ng 'yun ay hindi totoo...