Meet His Brother

73 2 0
                                    

ADELINA POV:

Halos mapanganga ako sa nakita ko. kung si Karl ang nasa harapan ko sino to kasayaw ko? dahan dahan ako napalingon dito. kung kanina Nakangiti ito sa akin ngayon nawala na ang mga ngiti nito habang kunot noo ko ito tinitignan.

"kanina pa kita hinahanap". masigla sabi ni Karl.

Pero hindi ko siya pinansin. Mas nakaagaw ng atensyon ko to lalaki kasayaw ko kanina. kung umasta siya parang matagal niya na ako kilala. kahit na nakamaskara ito parehas sila ni Karl ng katawan tangkad. pero iba ang awra nito lalaki to iba din ang mata nito parang may mga lungkot ang mga ito na tinatago.

"Hey! Adelina! kanina pa kita tinatawag". malakas na sabi ni Karl.

Mabilis ako napatingin kay Karl na ngayon nakakunot ang noo nito. Mukhang masyado malalim na ang iniisip ko sa lalaki nakamaskara na to.

"Ano kasi". kagat labi ko sabi habanh palipat lipat ang tingin ko kay Karl at sa lalaking nakamaskara.

Nakita ko tumingin si Karl sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Nakita ko nanlaki ang mata nito sa nakita niya. at madali niya hinawakan ang braso ko.

"Let's go Adelina". awtoritado sabi nito.

"Teka Karl".pagpoprotesta ko.

Pero malakas ito kaya nahatak niya ako palayo dun sa lalaking nakamaskara. Tinignan ko mula sa likuran ko at nakita ko nakatingin lang ang lalaki nakamaskara habang palayo ako.

Hanggang ngayon naguguluhan ako. Namimisteryuhan ako sa lalaki nakamaskara na yun. yung mga salita sinabi niya at bakit ganito ang inasta ni Karl.

Naramdaman ko binitawan niya na ang paghawak niya sa braso ko at napansin ko medyo malayo na kami sa gitna at nasa banda may lamesa na kami.

"Hindi ka ba tinuruan nung bata na wag makipagusap sa hindi mo kakilala". galit na sabi nito.

Mabilis ako napatingin dito na ngayon matalim na binibigay sa akin tingin. "Akala ko kasi ikaw yun? at kasalanan mo kasi pinapunta mo ako dito na magisa lang ako. ". galit ko sinagot.

Nagkrus ang kamay ko malapit sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Sino ba naman maiinis kung pinapunta ka dito na mag-isa. hindi ko nga alam kung bakit ako nandito tapos magagalit siya dahil may kasama ako lalaki na akala ko siya. Ano ba problema nito lalaki to?.

Nakita ko napahilot ito ng ulo at malungkot na tumingin sa akin. "okay sorry Adelina. kasalanan ko". mahina sabi nito.

Mabilis niya ako niyakap, dahilan para mawala ang inis ko sa inasta niya. "Ayoko lang na nakikita kita kasama ng iba. Lalo na at lalaki pa. nagseselos ako". bulong nito sa tenga ko.

Halos uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Nasilayan ang ngiti ko sa labi ko ng marinig ko yung mga salitang yun. Oo nagdududa ako sa nararamdaman niya sa akin. Masisi niyo ba ako dahil sa mga narinig ko sa bar. Kumawala ako sa pagkayakap niya. tumingin ako sa mga mata niya. kelangan ko na itanong sa kanya, gusto ko malaman, gusto ko ng sagot sa mga katanunga ko. pabuka ng ang bibig ko ng makarinig ako ng boses mula sa likod namin.

"Karl!". tawag ni Billy.

napalingon naman kami dito. Nakita ko kasama din nito si Jc at ang mga kabarkada ni Karl sa basketball. Napakunot naman ako ng noo. Mas lalo ako nacurious bakit nandito yata ang lahat ano ba ang okasyon.

Umupo na kami sa lamesa. Mainggay ang lamesa namin dahil puro biro ang kwento ng mga kabarkada ni Karl.

"Goodevening ladies and gentlemen". tawag ng atension ng lalaki nasa stage.

Sa paglagay ko magsisimula na ang program kahit hindi ko pa alam kung ano talaga meron dito. Nagsalita na ang Mc. Halos lahat nagsitawanan dahil sa mga biro binitawanan nito.

"Let's call the birthday boys tonight". sigaw ng mc.

Ngayon alam ko na birthday to. Tumingin tingin ako sa paligid para makita ang lalaki na pupunta sa stage.

"Karl and Carlo!". sabi ulit ng mc.

teka ano daw? Karl at Carlo? Wala yata ako natatandaan na may kilala ako Carlo? Nakita ko tumayo si Karl at tinapik ang balikat ko. Sinundan ko ng tingin ito hanggang sa tumayo ito sa stage. hanggang ngayon litong lito ako sa mga nangyayari lalo na ng makita ko nakatayo din sa kabilang parte ang lalaking nakamaskara. Nakita ko dahan dahan nito tinanggal ang maskara nito. halos lumaki ang mata ko sa gulat ng makita ko kamukha ito ni Karl.

Napatingin ako sa kasama ko sa lamesa at pareho sila ng reaksyon kagaya ko. mabilis ko binalik ang tingin ko ulit sa kanila.

"Kantahan natin ang kambal ng Masayang happy birthday". masigla sabi ng Mc.

narinig ko ang pagkanta ng mga tao habang nilalabas ang dalawang cake palapit sa kanilang dalawa. Kambal? may kakamabal si Karl? tingin ko sa kanila dalawa na ngayon nagblow na ng kandila.

"Ano pa hinihintay niyo kainan na". sabi ng mc.

Nakita ko bumababa na ng stage ang dalawa. Naptingin ako kay Karl. Nakingiti ito patungon sa lamesa namin Napatingin naman ako ss lalaking nakamaskara na kanina nakilala ko.patungo ito sa kabilang direksyon ng lamesa. Nagtama ang mga mata namin, Ang mata nito na punon ng lungkot. Narinig ko ang pagbilis ng puso ko. Napahawak ako dito habang sinusundan ko siya ng tingin.

"Pre di mo pala sinasabi birthday mo". rinig ko sabi ni Billy.

Mabilis ko binawi ang tingin ko sa lalaki nakamaskara at tinignan ko si Karl na nayon nakaupo sa tabi ko.

"Kaya nga surprise diba?". tawa sagot ni Karl.

nagsimula na i-serve ang pagkain. Kumain ako ng tahimik. hindi ko parin alam kung ano reaksyon ko sa nalaman ko ngayon. napatingin ako kay Karl at napatingin ito sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi birthday mo pala?". taka kong tanong.

ngumiti ito bago nagsimula magsalita. "Alam ko naman bibili ka ng regalo kahit hindi ako pumayag". dahilan na sabi nito.

"Kahit na. minsan ka na lang magbirthday kaya kelangan ng regalo". mabilis na sagot ko dito.

pinisil niya ang ilong ko at ngumiti. "Ayaw mo talaga magpatalo". sabi nito.

"maiba ako bakit hindi mo sinabi may kambal ka pala. so ano feeling?". masigla ko sabi.

Mabilis ito lumingon sa pagkain at nagsimula kumain. "ahh. hindi ka naman kasi nagtatanong". malamig na sabi nito.

Kunot noo ako napatingin dito. Nakita ko nagbago ang mood nito. May mali ba ako nasabi? Kaya Hindi na ako nagtanong at nagsimula na lang kumain.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon