Amasona

166 15 0
                                    

CARLO POV:

Hindi ko alam kung ano ba to nararamdaman ko kay Adelina,nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung ano ba talaga siya para saken. Bakit ganito naguguluhan ako. Umaga na ng makarating ako sa bahay halos lutang ako. Pinindot ko ang door bell ng bahay agad naman bumukas ang pinto at niluwa nun si Karl.

Halatang gulat at nataranta pa ito ng makita ako napakunot ako ng noo sa inasta nito bago man ako makapagsalita hinatak niya na ako papasok at kaladkad niya ako hinatak sa kwarto ko.

"ano ba nangyayari Karl!". Sabi ko habang minamasahe ang braso ko hatak hatak niya kanina.

Napaupo siya sa kama ko at huminga ng malalim na wari'y nakahinga ng maluwag.

"Ano ka ba! Kagabi pa dumating si mama! Nataranta kaya ako.". Sabi nito.

Agad ako lumapit sa harap niya na wari'y gulat na gulat sa sinabi nito.

"ano! Teka nahuli ka? Ano sabi?".sabi ko.

"Chill! Pasalamat ka pagod si mama kagabi kaya diretso siya sa pagtulog buti lang paggising ko kanina sinabi ng katulong kundi nakow!". Sagot nito.

Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa mga nalaman ko. Agad ako humilata sa kama.

"teka nga bakit inumaga ka na umuwi?". Tanong nito.

"wala!". Sagot ko.

Hindi niya pwede malaman tungkol kay adelina panigurado pipilitin niya na ipagpatuloy ko ang pagpasok sa eskwelahan niya.

"mukha mo Carlo. Bakit may pinupormahan ka na ba?".paguusisa nito.

Agad ako tumayo at humarap kay Karl. "lumabas ka na nga at magbibihis ako papasok na lang ako kesa guluhin mo pa". Iritable ko sabi.

Napakamot na lang ng ulo si Karl at madaling lumabas ng kwarto ko. Agad naman ako humarap sa damitan ko at kinuha ang uniporme napatingin naman ako sa wall clock 10 na pala ng umaga buti at 1 pa ng hapon ang pasok ko nang makapaghanda pa.

Napatingin ako sa salamin ng makita ko ang reflection ko. Napansin malaki na pala ang pinagbago ko simula nang magpanggap ako bilang si Karl yung mga bagay na hindi ko pa ginagawa nagagawa ko na ngayon,mga dating akala ko alam ko na lahat kulang pa papala at ang dating hindi ko nararamdaman ito at nararamdaman ko na ngayon.

Siguro kelangan ko na tigilan ito kung ipagpapatuloy ko pa to baka hindi ko na lubos makilala ang sarili ko. Masyado na magulo marami na tao ako niloko dapat tapusin ko na to habang kaya ko pa umalis.

------------------------------------------------------------

KARL POV:

Kakatapos lang ng klase, dumaan lang ako sa bahay para sempre maligo at mapapogi at dumiretso na agad ako sa bar inaya kasi ako ng mga kabarkada ko sa gym kanina sa school, hindi naman kasi uso saken ang salitang pagtanggi.

Mag gagabi na din bago ako makarating sa bar pagpasok ko agad bumugad saken ang mainggay na paligid at tunog na nakakaintak ito ang lugar kung san talaga ako kabilang.

"hello handsome boy!". Mapangakit na bulong nito.

Napatingin ako sa babaeng humarang saken nakadress na black ito na wari'y bakat na bakat ang buong katawan nito sa sobra sikip nito mahaba ang buhok .amo'y na amo'y mo pa ang brand na gamit nito at ang malambot at makinis nito balat na dinidikit pa sa braso ko.

Damang dama ko din ang bawat paghinga nito sa tenga ko.

Agad ko pinulupot ang kamay ko sa bewang ng babae ng dahilan para mapasigaw siya sa gulat. Agad naman niya ako hinampas at tumawa ng malakas.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon