Confession

144 13 0
                                    

ADELINA POV:

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan ko binuksan ang mata ko nasilayan ko ang araw tinaas ko pa ang kanan kamay ko para matakpan ang liwanag.

Umaga na pala. Medyo gumaan gaan na din ang pakiramdam. Hinawakan ko pa ang noo ko para matiyak na bumababa na talaga ang lagnat ko.

Nanaginip ako kagabi na pumunta si Karl dito. Inalagaan pa nga niya ako kasi may lagnat ako. Napailing na lang ako sa panaginip ko. Siguro dahil sa mataas na lagnat ko kaya kung ano ano ang pinapaginipan ko.

Napalingon ako gawi sa kaliwa parte ng kama napakunot ang noo ko kasabay ang tingin ko sa lamesa katabi ng kama ko. Nakita ko ang baso na may tubig, mga tablet na gamot at medyo yumuko pa ako sa may ilalim ng kama at nakita ko ang palanggana na may towel na nakasabit.

Sa sobrang yuko ko na-out of balance ako dahilan para mahulog ako sa sahig kasama ang kumot na tumalukbong saken. Agad ko tinanggal ang kumot sa ulo ko,dahan dahan tumayo habang hinihilot ang likod ko na medyo tumama sa sahig.

Totoo andito siya kahapon? Lahat ng nasa panaginip ko totoo, so hindi yun panaginip? Ahhh nakakahiya! Nakita niya itsura ko na walang kaayos ayos. Pagtaranta ko sabi sa sarili ko.

Napatigil ako ng makarinig ako ng inggay mula sa kusina. Di kaya andito pa siya? Tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan ako lumakad palabas ng kwarto ko patungo sa kusina.

Nasilayan ko ang lalaki nakablack pants, plain white shirt at nakasuot to ng apron habang nakatalikod ito na wari'y nagluluto ito.

Napangiti ako sa lalaki nasa harap ko ngayon na halos aligaga maghanda ng pagkain. Humarap na si Karl habang may mga dala plato,kutsara at baso sa mga kamay nito. Halatang gulat na gulat ito nakita ako.

"ohh! Bakit ka tumayo? Okay ka na ba?". sabi nito habang nagaayos ng pagkainan sa lamesa.

Napakunot naman ako ng noo.nang mapansin ko ang lamesa malapit da kusina. Sa pagkaalala ko wala ako lamesa dito sa bahay dahil nga mag-isa lang naman ako dito sa bahay kaya hindi na ako naglamesa. San niya kaya nakuha yan lamesa?.

"Adelina!". sabi nito.

Napatingin naman ako kay Karl na ngayon nasa harap ko na pala habang nakatitig saken na wari'y nagaalala ito.

"ano ba! Lumayo ka nga!". taranta ko sabi. Habang tinulak ko pa siya ng bahagya para mapalayo sa akin,damang dama ko ang paginit ng pisngi ko, kasabay ang paglakad sa may lamesa at umupo dito. Para makaiwas sa kanya. Naalala ko na naman kasi yung nangyari sa amusement park na gusto ko na talaga kalimutan.

"Uy hiningi ko to lamesa mo sa kapitbahay mo itatapon niya na sana to kasu sabi ko akin na lang sayang naman at mukhang maayos pa". Kwento nito.

Napalingon naman ako sa kanya na ngayon nasa lutuan habang sinasandok niya ang pagkain. Galing pala ang lamesa ito sa kapitbahay, kung matagal ko na pala ito nalaman ehdi nauna pa ako kumuha nito lamesa to.

"kain na! Mainit pa yan ahh!". dagdag pa nito.

Napatingin naman ako sa bowl na nasa harapan ko ngayon. Parang may kanin na sabaw. Sinandok ko ito ng kutsara at pinagmasdan.

"Ano to?". pagtataka ko tanong.

Nakaupo siya katapat ng pwesto ko,pasimula pa lang siya sumubo ng mapatigil at kunit noo ito napatingin saken.

"lugaw! Bakit? May mali ba sa itsura o lasa?". paguusisa nito.

umiling ako bilang sagot ko. "this is my first to eat this.". sabi ko. Kasabay ang pagsubo nito. "hmm! And its taste great! Magaling ka pala magluto ahh!".

Halos sunod sunod ang pagsubo ko na wari'y wala ako pinapatakas ni isang butil sa sobrang sarap. Ng matapos na ako. Napatigay pa ako ng malakas kasabay ang patakip ng bibig ko. Napatingin ako kay Karl na mukhang kanina pa siya nakatingin saken, dahil hindi parin ubos ang pagkain niya simula ngayon.

"bakit hindi mo ginagalaw yan?". sabi ko.

"ahh! wala lang. Hindi kasi ako makapaniwala first time mo kumain ng lugaw". Sagot nito. Habang sumusubo ulit. "kung hindi kita kilala iisipin ko anak ka ng mayaman". Dagdag pa nito.

Napabuga naman ako ng tubig habang umiinom ako napaubo ubo pa ako. Dali dali naman siya tumayo at pinagpag ang likod ko.

"okay ka lang?". pagaalala sabi nito.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon katabi ko na. At kitang kita ko ang sobrang pagaalala niya saken. Tumango na lang ako bilang sagot ko.

"akala ko kung ano na nangyari. Hayy!. oo nga pala uminom ka na ng gamot mo iniwan ko dun sa kwarto mo". sabi nito.

Agad naman ako pumunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng gamot at ininom ito. Bakit ba ako nagreact ng ganun. Napahawak na lang sa ulo ko Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto. Madali ako naglakad papunta sa kwarto at binuksan to agad. Bumungad si Karl na may ngiti sa labi.

"an-ano Adelina mauna na ako. Okay ka lang ba dito?". sabi nito.

Tumango ako bilang sagot ko. Tumalikod siya at nagsimula na maglakad. Sumunod na ako sa kanya para isara ang pinto. Nang palapit na siya sa pinto tumigil siya at lumingon paharap saken. Nang ikagulat ko at dahilan para tumigil ako bahagya.

"Adelina. Ano kasi.". Mahina sabi nito. Napahawak siya sa leeg niya na wari'y na hindi siya kumportable sa sasabihin niya. Alam ko kung ano ang sasabihin nito at san patungo ang usapan nito. Napacross arms ako malapit sa dibdib habang hinihintay ang susunod niya sasabihin.

"yung kahapon. Yung nangyari. Sorry! Hindi ko sinasadyang ano yun ha-halik. Maniwala ka hindi ko sinasadya yun hindi ko din alam kung ano pumasok sa isip ko". pagpapaliwanag nito.

Napataas naman ang kilay ko sa mga sinabi niya. "hindi sinasadya? Ganya naman ang mga lalaki pag wala na madahilan!". Galit ko sabi.

Agad naman lumapit saken si Karl sabay ang paghawak ng kamay ko.

"Adelina. Maniwala ka saken. Ibahin mo ko sa mga nakilala mo lalaki. Hindi ko alam kung ano nangyari saken adelina nung mga oras na yun. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko sa tuwing kaharap,gusto kita makita lagi, araw araw iniisip kita. kanina sobrang pagaalala ko na baka mawala ka saken kaya napasugod ako dito sa bahay mo. At hindi ko mapaliwanag ang-". paputol na sabi nito.

Habang unti unti nito tinaas ang kamay ko papunta sa dibdib niya at nagpatuloy ulit sa pagsalita.

"tibok nito puso ko sa tuwing nakikita kita".diin sabi nito.

Halos matameme ako sa mga sinabi niya sa harapan ko at ang lakas ng kabog ng puso niya nararamdaman ko. Ano to? Nagtatapat na ba siya saken?. Agad ko binawi ang kamay ko galing sa dibdib niya.

"ano to sinasabi mo Karl?".madali ko sagot.

"hindi ko din alam adelina ang tangi alam ko lang gusto ko nakikita kita nakakasama kasi masaya ako pag malapit sayo". Sagot nito.

Madiin pero tagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Hindi ko akalain ganito na pala ang nararamdaman niya saken.

"Karl umalis ka na please! ". Mahinahon sabi ko.

"pero-". Paputol na sabi nito.

"karl alamin mo muna kung ano ba talaga ako sayo. Baka nabibigla ka lang. Alam ko naguguluhan ka lang dahil sa nagyari. Tsaka ka bumalik pag malinaw na sayo ang lahat.".sagot ko.

Nakita ko napayuko siya sa mga sinabi ko mukhang natamaan sa mga sinabi ko. Malungkot ito naglakad palabas ng apartment ko habang sinara ko na ang pinto at sumandal dito. Akam ko hindi pa alam ni Karl ang nararamdaman niya para saken gusto ko sa bibig niya mismo sabihin kung ano yung nararamdamn niya saken.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon