Pain

108 3 1
                                    

Ang mga luha isa isa pumapatak sa mga mata niya. ang tingin nito na kitang kita mo ang sobrang sakit na nararamdaman nito. halos gusto ko tumakbo para yakapin ito. pero wala ako nagawa. dahil binalot na naman ako ng takot at pagkahina ng loob.

Paulit tunatakbo sa isip ko ang mukha ni Adelina ang mga katangahan ko ang kasalanan ginawa ko.napayukom ako ng palad sa sobrang inis.

"Carlo! Ano ba hindi ba talaga kayo magaayos.". sigaw ni papa.

Pagkatapos ng pangyayari yun, mabilis kami pinauwi ni papa sa bahay. halos hindi ko na napakinggan ang mga sinasabi nito. ang tangi nasa isip ko lang si Adelina wala ng iba kundi siya.

inangat ko ang ulo ko at tiningnan ko si papa. "Pa, galit siya sa akin, hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad". hanggang sa isa isa nahuhulog ang mga luha ko sa mata.

"Ayoko mawala siya pa,". mahina ko sabi.

Nakita ko ang nagbago ang reaksyon ng papa ko. Mabilis na tumakbo ang mama ko sa tabi ko at mabilis niya ako niyakap. Hindi ko ugali magsabi kung ano nararamdaman ko, hindi ko ugali magsabi pag nasasaktan ako pero ngayon halos mabuhos ko ang sakit, at pagsisi sa mga ginawa ko. napatahimik ang lahat na wari'y nakikiramay. ni hindi ko na nakita kung andun pa si Karl ang alam ko lang parang gumuho na ang mundo ko. parang wala na ako dahilan para mabuhay.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon