Pay Day

87 11 0
                                    

KARL POV:

Pagpasok ko mismo sa gate, napatigil pa ako kasabay ang tingin sa building na pinapasukan ko. Nakakamiss din pala ito eskwelahan ko kahit papaano ilang araw ko na din ito hindi nakikita.

Napabalik ako ng tingin sa dinadaan ko at nagpasiya na maglakad ulit. Napalingon lingon pa ako sa paligid at ng ipagtaka ko bakit parang wala na sumasalubong saken? Wala na mga babae? Wala na nagbibigay ng regalo? Bulong ko sa sarili. Ahh umuulan kasi kaya siguro nasa loob na.

Pagpasok ko sa loob agad ko sinara ang payong ko. Pinagpag ko pa ang damit ko dahil medyo nabasa ito at inayos ko pa ang buhok ko. Umakyat na ako sa hagdan ng masalubong ko ang dalawang babae na nagkwentuhan.

Sinalubong ko sila ng ngiti pero nilagpasan lang nila ako halos sumunod pa ako ng lingon sa kanila.

"girls hi!". Pahabol ko sabi.

Agad naman sila lumingon saken. Nagulat pa nga ito at nagtingin pa sila na wari'y gulat na gulat. Para nagdadalawang isip pa ang mga ito kumaway. At agad umalis. Kunot noo ako nagpatuloy maglakad hanggang sa marating ang classroom.

Binuksan ko ang pinto at mabilis na tumungo sa upuan ko. Napatingin pa ako sa paligid dahil parang nagbago ang lahat sa pakikitungo saken.

Napatingin pa ako sa pinto ng marinig ko ang pagbukas nito, niluwa nito ang mga kabarkada ko matagal tagal ko na di nakita.

"bro!". Bati nila saken.

Mabilis sila umupo sa tabi ko. "bakit ang aga mo yata?'". Dagdag pa nito.

"hah! Wala lang maiba naman.". Sagot ko.

Nagulat ako ng sabay pa sila lumapit sa mukha na wariy sinusuri nila ito. Napalayo pa nga ako sa gulat.

"ano yan pre? Tanong nila habang nakaturo pa sila ng sabay sa mukha ko.

Napahawak naman ako dito. At bigla nagbago ang emosyon ng mukha ko. "pwede ba wag niyo na lang paalala masisira lang araw ko!". Sabi ko habang lumingon ako sa ibang direksyon.

Nakita ko nagayos naman ng upo ang dalawa dahil sa sinabi ko. Ayoko na talaga kasi pagusapan yung tungkol dun at lalo na isa pang babae ang nagpabagsak saken. Pag naiisip ko nakakadugo talaga ng dugo.

"teka pre! May napapansin ba kayo nagbago sa mga babae dito?".pagiba ko sa usapan.

Nakita ko napakunot sila ng noo sabay tingin nila sa isa't isa. Agad naman sumagot si billy.

"kasi nga bro lagi na kayo-". Sabi nito.

Napatingin ako sa babae kakapasok lang sa loob halos hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni billy. Mahaba ang buhok nito na kulot ang dulo, simple lang siya pero kita mo ang kurba ng katawan nito sa damit.

Sinusundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo ito. Hindi ko alam kung san siya nakita or may kamukha lang ba kasi parang familiar.

Sempre tumayo agad ako narinig ko pa ang pagtawag saken ng mga kabarkada ko pero hindi ko to pinansin nagpatuloy ako naglakad papunta sa babae.

Tumayo ako sa harapan ng upuan niya kasabay ang pagtukod ng kamay ko sa lamesa niya. Naagaw ko ang kanya atensyon at napalingon ito paangat kasabay ang pagbaba nito sa libro hawak niya.

Binigyan ko siya ng nakakaloko ngiti. Nakita ko naman ang pagkabigla nito nung nakita ako pero madali napalitan ito ng ngiti.

"hey! You look familiar are we-". Paputol ko sabi.

Nagulat pa ako ng hawakan nito ang pisngi ko. "ano nangyari dyan karl?". Pagaalala nito sabi.

Napaatras naman ako dahilan para mabilis nito bitawan ang pagkahawak sa pisngi ko. "sorry!". Mahina sabi nito.

"Adelina!". Boses ng babae nagagaw sa atensyon namin. Nakita ko lumapit pa ito sa babae kausap ko ngayon. May sinabi ito sa babae at nakita ko ang pagtango nito.

Bumalik ito ng tingin saken at binigyan ako ng ngiti. "saglit lang karl hah. Kakausapin ko lang to. Mamaya na tayo magusap". Sabi nito.

Agad naman ito umalis habang tinitignan ko ito pumunta sa likod kasama ng mga babae nagkukumpulan dito. Para ako binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko. Adelina? Adelina? Adelina?. Paulit ulit na sanasabi ko sa isipan ko.

Hanggang sa di ko na namalayan nakaupo na pala ako sa upuan ko.

Nagbalik sa alaala ko nung gabi na yon.

Flashback;

Agad naman ako tumayo naririnig ko pa ang hiyawan ng tropa. Palapit na ako sa babae nakatayo ng makalapit na ako sa kanya na ngayon nakatalikod ito agad ko nilapit ang bibig ko sa tenga niya.

"Miss sorry! napagutusan lang.". Mahina ko sabi.

Kasabay nun ang paghimas sa isang pisngi ng pwet ng babae. Narinig ko ang pagkagulat ng babae ng maramdaman niya ang kamay ko. Agad naman na ako tumalikod at nagsimula palakad sa table ng barkada ng magawa ko na ang pinapagawa nila.

Nakaramdam ako ng bigla tumapik sa balikat ko nilingon ko to ng makaramdam ako ng kamay na dumampi sa pisngi ko napadapa ako sa sahig kasabay ang paghawak sa pisngi ko. Nakita ko nagdugo ang labi ko sa lakas ng pagkasuntok saken.

Agad naman nagsitakbuhan ang barkada ko palapit saken nilingon ko ang sumuntok saken. Expected ko yung boyfriend,o isang lalaki ang sumuntok saken. Laking pagkagulat ko ng makita ko yung babae hinipuan ko kanina ang kaharap ko ngayon na wariy hingal na hingal ito at matalim na tinatapon na tingin saken.

"Adelina! Tama na yan. Hayaan mo na siya". Sabi ng kasam nito babae habang inaawat ito.

Halos hindi ako makagalaw hindi dahil sa takot kundi first time ko nasuntok ng isang babae.

"Hoy! Napakabatos mo lalaki ka! Talaga idedemanda kita! Ano karapatan mo gawin yun hah!". Galit na sabi nito habang sinusubukan nito lumapit saken pero hawak hawak ito ng barkada ko kaya ang tangi nagawa nito ay pumiglas at pumadyak padyak.

Agad naman ito napahinahon ng kasama babae at dahilan para magpasiya umalis na lang sila sa bar.

End

Napatingin ako sa tabi row ng upuan ko banda likod ko. Nakita ko ngayon nakaupo na ang babae kausap ko, napalingon naman ito saken at binigyan ako nito ng matamis na ngiti. Sinuklian ko to ng malademonyo ngiti. Its pay day time Adelina.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon