Bothering

111 5 0
                                    


ADELINA POV:

Nilabas ko lahat ng damit ko at nilagay ko to sa kama ko. Ito kasi ang unang date namin ni Karl, oo inaya niya ako makipagdate kahit na nanliligaw pa siya. nakakatawa nga isipin na nag-effort siya manligaw kahit hindi niya alam kung paano ba manligaw.

Kinuha ko ang simple dress na kulay blue at sinuot ko ang sapatos ko doll shoes na creme. humarap ako sa salamin. tumalikod, gumilid gilid. tinanggal ko ang tali ng buhok ko at nagsuot ako ng headband, dahil sa tali kaya medyo kumulot ang dulo.

Buti na lang at kinuha ko ang mga damit ko sa bahay nung lumayas ako, kung hindi hindi ko na talaga alam ang susuotin ko.

Narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Sa sobrang pagkataranta ko hindi ko na alam kung san ko huli na ilagay ang cellphone ko. sinundan ko ang tunog sa kama. hinalukay ko ito dahil puno ng mga damit at yun nakita ko din. binuksan ko to at si karl ang nagtext.

Karl
Andito na ako sa baba.:)

napangiti ako sa text niya at nireplyan ko namam to.

"pababa na po ako!".text ko.

nagmadali ako kinuha ang sling bag ko kulay black at sinuot ko to sa katawan ko sabay lagay ng cellphone ko dito. tumingin muna ako sa salamin at magsimula na ako naglakad palabas.

nakita ko sa di kalayuan ang kotse ni Karl. mabilis ko to pinuntahan. Pero hindi ito lumabas sa loob. kita ko nakatingin lang ito sa malayo. kaya kinatok ko ang salamin nito. pero nakatulala ito na wari'y malalim ang iniisip. kaya kinatok ko to ulit. nakita ko ang pagkagulat nito mabilis na pagbukas ng pinto at pagbaba nito.

"kanina pa kita kinakatok dyan ahh?!". pagsita ko sa kanya.

"ay sorry Adelina. Medyo hindi ko narinig?". ngiti sabi nito.

napakunot naman ako ng noo. hindi daw narinig? halos mamula na nga mga kamay ko sa kakakatok.

"Shall we?". tanong ni Karl sabay taas ng kaliwa kamay.

Napangiti ako dito sabay lagay ng kamay ko sa braso niya. Naglakad kami papunta sa kabilang parte ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok ako dito at mabilis na sinarado ito ni Karl. di nagtagal umupo na din ito sa driver seat.

tumingin ito sa akin, lumapit ito bahagya sa mukha ko ng dahilan para ikapula ng pisngi ko. Nakatitig ito sa mga mata ko. habang ako nakatulala lang at inaantay ang susunod nito gagawin. Ano to? napakaaga naman para halikan niya. ano gagawin ko? kung itutulak ko siya baka masira ang date namin. Napapikit ako ng lumapit pa ito ng bahagya.

bahala na kung ano mangyari. sabi ko sa sarili. naramdaman ko ang paghinga niya sa kabila ko tenga. "you are so beautiful Adelina!". bulong nito.

napamulat ako ng mata. "there you are!". sabi ni karl sabay ang rinig ko paglock ng seatbelt. napatingin ako sa katawan ko at nakita ko ang seatbelt na nakalagay sa katawan ko. halos mamula ang mukha ko sa naisip ko. akala ko hahalikan niya ako. ano ba to! ang dumi ng iniisipi mo Adelina.!

sinimulan niya buksan ang engine ng sasakyan at nagsimula niya na ito patakbuhin. Halos tahimik lang si Karl sa bayahe. medyo nagtataka ako bakit bigla ito tumatahimik. alam ko nung una kami magkakilala at magsama tahimik talaga ito at pikon kaya nga lagi ko siya inaasar nun.

pero ngayon mainggay na to at ako na lagi ang inaasar nito dahil sa mga moves niya pamatay. dahil siguro playboy kaya huli niya mga kiliti ng babae.

Napatingin naman ako sa sign ng makita ko 1km to tagaytay. nanlaki ang mata ko sa nakita ko. di ko naman akalain tagaytay kami pupunta ang sabi lang niya may date kami ngayon pagtinatanong ko kung san secret daw.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon