Cry

139 1 0
                                    

CARLO POV:

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya o itatanong ko kung kanina pa siya andyan. gusto ko siya yakapin at magpaliwanag pero tahimik lang ito nakatingin sa amin dalawa ni Karl.

"A-Ano ang ibig niyo sabihin kanina". panginginig na boses na tanong nito.

Halos marinig ko na ang kaba sa puso ko ng marinig ko ang tanong niya. Ito na ba? ito na ba ang kinakatakutan ko.

Nakita ko mabilis lumapit si Karl kaya Adelina. "ahh wala yun Adelina. tara pasok na tayo sa loob". mahina sabi nito.

Nakita ko tinulak niya ng palayo si Karl nangdahilan para ikagulat niya ito. "Ano ba nangyayari hah! narinig ko ang lahat lahat Karl! at hindi ko na maintindihan". pagsusumamo ni Adelina.

Pero wala ni isa sa amin ang nagkalakas loob na magsalita. Napapikit ng madiin si Adelina hudyat na naiinis na to dahil wala ito sagot na nakukuha mula sa amin. Napabaling ako sa ibang direksyon ng hindi ko kaya ang mga nakikita ko lungkot kay Adelina.

Narinig ko binato niya ang purse niya. Dahilan para mabilis ako napatingin dito. "Karl! magsalita ka! pinaglalaruan niyo ako dalawa hah! ano to pustahan! ang galing niyo naman!". galit na sabi nito.

Hindi ko na namalayan nakalapit ako dito  hinawakan ko ang kamat niya. Nakita ko gulat ito napatingin sa akin. "Hindi Adelina. Hindi pustahan. Alam ko nararamdaman mo at kilala mo ko.". malungkot ko sabi.

Binitawan ko ang paghawak ko sa kanya at lumayo ng kaunti. "Nagpanggap ako noon bilang si Karl para matakpan ko ang mga kalokohan ng kapatid ko!". diin ko tingin kay Karl. Nakita ko umiwas ang tingin niya sa akin.

binalik ko ang tingin ko kay Adelina. "at nakilala kita nung araw na yun Adelina. Lahat ng pinakita ko sayo ay totoo. lahat ng sinabi ko sayo totoo. maniwala ka!". pagsusumamo ko sabi.

"Ikaw yung una nakilala ko simula nung tumapak ako sa eskwelahan na yun?". mahina sabi nito.

"oo Adelina. ako yun". pagtatama ko sabi.

Napaatras ito bahagya. para kumapit sa pader. "Kelan ko nakilala ang totoo Karl?". paguusisa nito.

Nakita ko napatingin si Karl at lumapit ito ng kaunti. "Alam ko ako ang puno't dulo nito. Pero maniwala ka Adelina mahal kita. kahit hindi ako ang una nakilala mo. kaya ko tumbasan ang pagibig niya.". pagsusumamo nito.

"Sabihin mo kung kelan ka nagsimula pumasok sa buhay ko?". pagtatanong nito.

Napatahimik saglit si Karl at nagsimula magsalita. "sa bar! nung gabi may sinuntok ka lalaki. ako yun. hindi kita kilala nun Adelina. Nagulat ako ng makita kita at malaman classmate pala kita. ang totoo galit ako sayo nun gusto kita gantihan sa pagkapahiya mo sa akin. ang plano ko nun ang saktan ka. pero maniwala ka Adelina lahat yun nawala dahil minahal na kita. nahulog na ako sayo Adelina". pagkwento nito na ngayon nakaluhod na kay Adelina.

Hindi ko alam kung ano maramdaman ko. maawa ba ako sa kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakita lumuhod at nagmakaawa. peri hindi ko parin maiwasan magalit. dahil una pa lang wala na siya maganda intensyon dito. mabilis ako naglakad palapit dito. Kinuha ko ang collar ng damit niya. Tinaas ko siya at tinignan ng matalim.

"diba sabi ko sayo wag na wag mo na siya saktan! Ano ginawa mo hah! sinasabi mo mahal mo siya. pero may plano ka pala saktan siya!". galit ko sabi. sabay suntok dito.

Napadapa ito sa sahig. nakita ko pinunasan niya ang labi niya na may dugo at madaling tumayo ito. hinawakan niya ang collar ko at tumingin sa akin ng matalim.

"Bakit? sino sa atin dalawa ang karapat dapat sa kanya! ikaw?". tumawa ito saglit at nagsimula magsalita. "Hindi mo nga magawa ipaglaban ang si Adelina. mas pinili mo takbuhan ang nararamdaman mo.". diin na sabi nito.

tinulak ko siya sabat suntok ulit sa kanya. napaatras siya bahagya ng mataman ko siya. sumugod siya at nasuntok niya ako.

"tama na!". sigaw ni Adelina.

napahinto kami. nang makita ko ang luha ni Adelina na isa isa nahuhulog sa mga pisngi niya. napansin ko ang panginginig ng mga binti nito.

"Ayoko pumili. Ayoko nakikita kayo nagsasakitan dahil saken". mahina sabi nito.

Tinakpan nito ang bibig niya. narinig ko ang pagitak nito. "niloko niyo ko. parehas niyo ko sinaktan.!". dagdag nito.

Maglalakad sana ako palapit sa kanya. ng marinig ki ang boses ni mama.

"Ano nangyayari dito?". pagtatanong ni mama.

Nakita ko halos madami na pala tao sa paligid. si mama at si papa andito na din. Mabilis ako napatingin kay Adelina. pero patuloy ito sa pagiyak. Nang mapansin niya din na madami na tao. mabilis to naglakad paalis. Hinabol ko siya. Nang humarang sa akin si papa.

"Where are you going? maguusap pa tayo!". awtoritado sabi nito.

Nakita ko na lang ang paglayo ni Adelina sa lugar na yun.

ADELINA POV;

Hindi ko alam kung ano dapat ko maramdaman, naguguluhan ako sa mga narinig at natuklasan ko. Ang alam ko lang masakit masakit dito sa puso ko.

Naramdaman ko na lang na nasa labas na ako. Patuloy parin ang mga luha ko pumapatak. Halos hindi ko na makita ang nilalakaran ko dahil sa mga luha ko. Nakakita ako ng taxi mabilis ko to pinara at sumakay na ako dito. Wala na ako pakielam sa suot ko. Ang gusto ko lang makaalis sa lugar na to.

"Maam san po tayo?". tanong ng driver.

Napatingin ako ito. "drive mo lang". mahina ko sabi.

Naramdaman ko nagsimula umandar ang sasakyan, Mabilis ko binawi ang tingin ko at tumingin sa madalim na paligid na halos mga ilaw na lang ng mga building ang nakikita.

Patuloy parin ako sa pagluha. Pabalik balik parin sa isip ko ang mga nangyayari kanina. kung paano nila ako pinaniwala, niloko, pinaikot. Napakuyom ako ng palaf sa sobrang inis at pagkatanga ko sa paniniwala sa kabaitan pinakita nila.

Ang masakit pa hinayaan ko mahulog ako sa kanila. lumipas ang oras napaikot ikot kami muli nagsalita ang driver ng taxi.

"Maam! kanina pa po tayo paikot ikot san po ba tayo pupunta". tanong nito.

pinahid ko ang luha ko at mabilis na tumingin dito. "Basta umikot ka lang. babayaran naman kita". galit ko sabi.

Nanahimik ang driver ng taxi at nagpatuloy sa pagmamaneho. Napabuntong hininga na lang ako sabay kapa ng pouch ko. wala ako naramdaman na pouch sa tabi ko, napatingin pa ako ilalim pero wala. Napasapo naman ako sa noo ko. Naiwan ko nga pala sa lamesa ko.

Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga. "Manong sa Block 3 tayo sa may Carmen village". mahina ko sabi.

Mga ilang minuto nakarating din ako sa Carmen Village. Napatingin ako sa bahay kung san nakarapat ang taxi.

"Antayin mo ko. kukuha lang ako pangbayad". Awtoritado ko sabi.

Mabilis ako bumababa sabay pindot ng doorbell sa gate. Agad lumabas ang maid. Nagulat pa ito ng makita ito pero mabilis ito binuksan ang pinto.

"Maam! masaya po ako nakita po kita ulit". ngiti bungad nito.

sinuklian ko siya ng matipid na ngiti. "Iniwan ko yung taxi. Pakibayaran naman po. salamat". sabi ko.

Agad na naglakad ako papasok. Bago ako pumasok sa loob napabuntong hininga muna ako bago itulak ang pinto. Wala parin nagbago, Wala parin siya binago sa paligid.

Nakita ko isang matanda lalaki sa sala habang nagbabasa ito ng libro. Napaanggat ito ng tingin. Nagulat ito sabay mabilis na napatayo. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Patakbo ito lumapit sa akin sabay yakap ng sobrang higpit. Napayakap din ako sabay pikit ng madiin. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Halos lahat ng kinimkim ko nung gabi yun lumabas. Para ako nagkaroon ng karamay ng gabi yun. Yung tao tinalikuran ko ngayon nandito sa tabi ko dinadamayan ako.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon