Trying me?

113 5 2
                                    

CARLO POV:

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Para ako nabunutan ng tinik nung nakita ko ang matanda lalaki sa tapat ng bahay ni Adelina. Akala ko kung sino karibal ko na naman o kaya pinagkautangan niya o nasangkot na naman siya sa gulo.

Hanggang ngayon hindi ako.makapaniwala sa bigat na problema niya dala, tinatago lang pala ng mga ngiti ito. Bakit ba hindi ko napansin agad yun.

Kung dumating lang ako ng maaga sa buhay niya, eh sana hindi na nadagdagan ang paghihirap at lungkot niya.

Alam ko mahirap mamuhay sa lugar na hindi mo nakagisnan. Mayaman siya pero mas pinili niya maghirap para iparealize sa papa niya ang kahalagahan niya.

Hindi ko naman masisi ang papa niya sa inasta niyo. Iniisip ko lang kung mawala saken si Adelina. Para na tumigil ang mundo, para wala na saysay para mabuhay.

Kinuha ko ang susi ko sa bulsa, sinuot ko to sa pinto pero nang ipagtaka ko bukas na ito. Nagtaka ako bigla. Alam ko iniwan ko to ng sarado bakit nakabukas. Nagsimula ako makaramdam ng kaba. Baka may magnanakaw na pumasok.

Dahan dahan ko to binuksan, isang familiar na mukha ang bumugad saken ng ikabago ng expresyon ng mukha ko.

"ohh Carlo!, Hindi mo naman sinabi lumipat ka na pala".masigla bungad nito.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at nagpasiya pumasok. Nilagay ko ang susi ko sa lamesa at sinara ko ang pintuan.

"Pano ka nakapasok?.". Seryoso ko tanong.

Napatigil ito sa pagtutok sa t.v at lumingon kung san ako nakapwesto.

"ahh yun ba? Simple!". Tumayo pa ito at samandal sa pader paharap saken. "akala nila ako ikaw!". Tawa sagot nito.

Oo nga pala. Sa sobrang magkamukha namin kaya malolo nito ang mga tao dito idagdag mo pa ang mga salita bulaklak nito ginamit. Napailing na lang ako sabay lakad papunta sa kusina. Naghugas na lang ako ng plato. Dahil ayoko talaga siya makita. Hindi pa ako handa. Pagkatapos ng ginawa niya kay Adelina. Wala na ako pakielam kung naalala niya o hindi yung ginawa ko sa kanya at sinabi ko nung gabi yun pero isa lang ang alam ko I mean all of those word. Kaya gagawin ko lahat ng yon.

"Carlo! Nakikinig ka ba?". Sigaw nito.

Gulat ako napatingin dito. Mukhang masyado nagiisip kaya hindi ko na napapansin ang mga sinasabi nito kapatid ko.

"Ang sinasabi ko. Bakit ka nagpasiya lumipat ng condo? I mean hindi mo naman yung tipong umalis ng walang dahilan? Or else-". Paputol na sabi nito.

Tinignan ako nito taas baba sabay ngiti ng nakakaloko. "ohh! So you have a girl right? I mean my girlfriend kana?". Pangaasar nito.

Kung hindi lang kami magkaparehas ng nagustuhan babae siguro matutuwa ako ikwento ito sa kanya at magpapaturo pa ng mga kung ano ano nagpapasiya sa babae. Pero hindi iba ngayon ehh.

Bumalik ako sa ginagawa ko at hindi ko siya binigyan ng pansin sagutin. Nasabi ko na nung gabi yun ang dapat ko sabihin.

"O'cmon Carlo. Sabihin mo na. Sino to malas na babae to!". Pangaasar na sabi nito.

Umalis na ako sa kusina pero patuloy parin ito sa pagsunod, tumungo ako sa kwarto ko. Umupo ako sa study table ko para ayusin ang bag ko at mga gagamitin ko bukas sa eskwelahan.

"Ano maganda ba siya? Sexy? Kelan ko siya makikita?". Patuloy na pagsasalita nito.

Naririndi na ako sa mga tinatanong niya. Bakit ba kasi hindi niya tantanan. Bakit ba kelangan kung san ako magpunta andito to. Lahat ng gusto ko gusto niya makita makilala at makuha.

"Ano pangalan niya hah Carlo?". Excited pa ito nagtanong.

Napatingin ako ngayon sa kanya na kasandal ito sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako nagulat sa sinabi niya kung hindi naninigurado ako kung gusto niya talaga malaman. Nakita ko ang kasabikan nito na gusto nito malamam kung sino yung babae yun. Binalik ko ang tingin ko sa lamesa ko at sinimulan buksan ang libro nasa harapan ko.

"Adelina! Adelina ang pangalan ng babae gusto ko.". Madiin ko sinabi sabay ang pagbukas ng libro hawak ko. Hindi ko siya tinignan, alam ko nagulat ang reaksyon nito dahil sa katahimikan bumalot sa lugar. Hindi na ako nagtaka kung bakit.

"A-AAdelina?". Pautal pa sinabi nito. "Ohh. May kilala din ako ganyan ang pangalan, akalain mo magkaparehas pa. Kaeskwela ko ka-". Paputol nito sabi.

"Classmate mo si Adelina. Parehas kayo ng course na kinuha. Kakalipat niya lang sa eskwelahan niyo nung nakilala ko siya!". Diin sabi ko na ngayon nakatingin nasa mga mata ni Karl.

Nakita ko kumunot ang noo nito.kung kanina nasilayan mo ang ngiti sa mga labi nito ngayon halos hindi ito maipinta sa pagkalito na wari'y naguguluhan sa mga naririnig niya ngayon.

"teka! Nakilala mo din si Adelina?". Pilit na ngiti sagot nito.

Nakatingin parin ako ngayon sa kanya habang hindi nilulubayan ang mga mata ni Karl. "bago ka pa dumating, nakilala ko na si Adelina". Malamig ko sabi.

Napaupo ito sa kama, habang tinatago nito ang kaguluhan sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Ahh. So san mo nakilala si Adelina mo?". Pagiiba nito sabi.

Tumayo ako sa kinauupian ko at lumakad paharap sa pwesto niya. "Sa eskwelahan mo. Kung san ka nagaaral ngayon. Yung araw na nakiusap ka magpanggap ako bilang ikaw.". Diin ko sabi.

Hindi ito makatingin saken. Nakayuko ito habang nakasabunot sa buhok nito. Alam ko ngayon naiinitindihan niya na ang mga sinasabi ko.

"Ba-bakit hindi mo sinabi saken!". Mahina sabi nito.

Hindi ako sumagot. Dahil ang totoo may mali din ako sa mga nangyari dahil hindi ko sinabi sa kanya agad ang tungkol kay Adelina. Hindi ko masisi ang sarili ko dahil ngayon ko lang naramdaman ito at huli na bago ko malaman ang nararamdaman ko kay Adelina.

Nagulat ako ng tumayo ito at huli na mapansin ko hawak na nito ang kwelyo ko at nakasandal na ako sa pader. Matalim ang mga tingin nito saken. Nagulat ako ng makita ko ang naglilisik na mata nito. Oo inaamin ko ngayon ko lang ito nakita. Ngayon ko lang nakita nagalit to.

Lagi kami magkasama, pero lagi masaya ito sa paningin ko. Dahil nakuha at nagagawa niya ang lahat at ako ay hindi kaya siguro naging malamig ang trato ko dito.

"Bakit hah Carlo! Bakit hindi mo sinabi saken? Bakit hinayaan mo pa magkagamito hah?". Galit sa tanong nito.

"kasalanan ko ba hindi ko alam ang nararamdaman ko sa kanya?Akala ko mawawala din to nararamdaman ko kay Adelina pag lumayo ako. Pero hindi ehh mas lalo tumitindi ito at mas lalo ako nasasaktan na ngayon akala niya ako ikaw!". Diin ko sabi.

Nagpamatigasan kami tumingin sa isa't isa na halos wala ni isa nagpangahas na umiwas ng tingin.

"Ako ngayon ang nagpapanggap sa pagmamahal na dapat sayo?". Diin tanong nito.

"oo! Kaya sasabihi ko na lahat ng ito sa kanya! Para matapos na ito.". Galit na sagot ko.

Tinulak ko siya ng malakas dahilan para mapabitaw siya sa pagkahawak ng kwelyo ko. Napaatras ito ng bahagya.

"At ano? magiging kayo na? Magiging okay na ang lahat?". Tumawa ito ng malakas at mabilis nito binawi ang tawa at tumingin ulit saken.

"sige sabihin mo para malaman niya all this time niloko mo siya! Nagsinungaling ka sa kanya. Sa tingin mo maniniwala pa siya sayo pag nalaman niya. In your dreams Carlo!". Sigaw nito sabi.

"hinahamon mo ba ako?".agad na sagot ko.

Lumakad ito malapit sa pintuan ng kwarto ko. At binigyan ako ng ngiti. "yes my dear brother. At sisigurduhen ko ako ang mananalo. Tandaan mo mundo ko ang pinasok mo at sa mundo ko yun ako ang hari!". Panghahamon sagot nito.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng kwarto niya. Napahilot ako ng noo ko. Naalala ko ang kakasabi lang saken ni adelina ayaw niya ng sinungaling at niloloko siya dahil yun yung ginawa ng papa niya sa kanya.

Napahiga ako sa kama ko. Mukhang pumasok ako sa laban na dehado ako.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon