Starting

119 9 0
                                    

ADELINA POV:

"Karl! You disappointed me. What happen to you? Bumababa na ang mga grade mo. You need to study more!". Sigaw ng prof kay karl.

Sinundan ko ng tingin si Karl habang paupo ito sa lamesa niya habang hawak hawak ang papel nito.

Ano nangyayari sa kanya? May problema ba siya? Bakit bumababa ang mga grade niya. Nakita ko nilagay niya ang papel niya sa bag niya. Tumayo na ito at sinukbit ang bag niya.

Uwian na rin naman kaya mabilis ako tumayo at humarang sa harap niya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nito nang madaling nawala.

"Karl. Ano nangyayari sayo bakit bumababa ang-". Paputol ko sabi.

"tara manuod ka ng practice game ko". Agad na sabi nito.

Bago man ako makasalita agad niya na ako hinatak papunta sa gym, ni hindi na nga ako nakapalag. After ng school nito lagu na siya nasa gym dahil malapit na din ang championship ng team.

Nakaupo ako ngayon sa bench habang pinapanuod ang ito naglalaro. Hindi kaya napressure ito sa game kaya napapabayaan niya na ang pagaaral niya? Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin kay karl.

"Adelina!". Nagbalik ako sa uliran ng marinig ko ang gawag ni Karl sa pangalan ko.

Dali dali ako lumapit dito. "Ano yun Karl?". Tanong ko.

"kuha mo naman ako ng tubig? Okay lang?". Sabi nito.

Hindi ako nakadala ng tubig niya ngayon, dahil biglaan kasi ang practice game. Tumango ako at nagsimula na maglakad.

"Teka adelina!". Pagpigil ni Karl. Lumingon naman ako agad kay Karl. "Isama mo na mga kateam ko hah wala kasi sila tubig din".Dagdag nito.

Tumango na lang ako na may pilit na ngiti. Agad na ako naglakad palabas ng gym. Pumunta na ako sa Canteen dahil dun may libre tubig, wala naman kasi binigay saken pera si Karl at wala din ako pera para manlibre ng isang katutak ng basketball player noh.

Kumuha ako ng tray at mga baso. Isa isa ko to sinalin ng tubig ng matapos na ako nagsimula na ako maglakad. Nang bigla may humarang sa nilalakaran ko. Napaanggat ako ng tingin ng makita ko ang isang babae nakamamewang habang nakataas ang kilay nito.

"So ikaw ba si Adelina!". Pagmamaldita nito tanong.

"ahh oo. Bakit?". Agad na sagot ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsimula magsalita. "So kayo na ni Karl? Girlfriend ka na ba niya?!". Sigaw na tanong nito.

Napaatras naman ako dito sa tanong nito. Hindi ko alam kung ano estado ng relation namin ni Karl. Hindi niya sinabi at ayaw ko naman itanong dahil babae ako baka ano isipin nun. "ahh ehh ewan.". Mahina sabi ko. Sabay tingin sa ibang direksyon.

"Wala ako pakielam kung kayo na or hindi pa. Ito lang ang tandaan mo. Akin lang si Karl akin lang!" pagbabanta nito.

Napanganga naman ako sa sinabi nito. Tumalikod ito at nagsimula na maglakad, pero nakita ko to tumigil at mabilis na bumalik sa kinatatayuan ko ng ikaatras ko naman bigla. Sinagi niya mula sa ilalim ang dala ko tray dahilan para bumaksak ang baso dala ko at humapas sa sahig ang tray dahilan para lumikha to ng inggay.

Napatingin ang lahat samen dahil sa inggay. "hindi lang yan ang mararanasan mo pag hindi ka pa lumayo sa kanya!". Pagbabanta sabi nito sabay mabilis na naglakad palayo.

Isa isa ko kinuha ang mga baso at binalik sa lagayan ng madudumi mga gamit. Panglima na yang babae nagbanta saken. Hindi ko alam kung ano mga nakaen nila. Dati hindi naman sila ganyan ahh. Ano ba meron at naging sa kanila si Karl?.Nakita ko naman kinuha ito ng staff ng canteen.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon