AVOIDING

85 6 0
                                    

KARL POV:

Halos masira na ang court sa kakaslam duck ko sa bola. Pag naiinis ako o gumugulo sa isip ko o problema hilig ko maglaro pumunta dito o kaya sa bar. Ayoko sa lahat ang drama kaya mas gugustuhin ko lumayo dito at magpakasaya na lang.

Napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang pagod. Nilagay ko ang twalya ko sa ulo habang binabalik ang ang tamang paghinga ko.

Halos mapalundag ako sa gulat ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng gym.

"ohh pre! Andito pala si Karl ehh!". Sabi ng isa ko kabarkada.

Tumayo ako sabay apir sa mga ito. "Ano pre! May problema kaya ka nagiisa dyan?". Tanong ng isa ko kabarkada.

"wala!". Sabi ko. Saby punas sa leeg ko.

"Pre hinahanap si Karl ni Adelina!". Sagaw ng kabarkada ko kakadating lang galing sa pinto.

"Shit!". Pre sabihin mo wala ako!".Agad ako tumakbo nagtago sa may gilid ng gym. Halos taranta pa ako naghanap kung san ako magtatago.

"ahh si Karl ba!-". Paputol na sabi ng isa ko kabarkada ng bigla binato to ng isa ko kabarkada ng bola.

"Wala siya dito ehh. Bakit?". Agad na sagot naman ng isa ko kabarkada.

"ahh ganun ba. Paki sabi na dumaan ako dito.". Boses ni Adelina na ngayon ang naririnig ko.

"oo sige! Sasabihin ko sa kanya!". Sabi ng kabarkada ko sabay lingon saken.

Nang umalis na si Adelina agad ako lumabas at kinuha ang bag ko. "pre! Ano yun?". Takang tanong ng kabarkada ko.

"Wala yun!". Pagsisinungaling ko.

Agad ako umalis sa gym baka kasi makita pa niya. Ako dun. Nagpalit ako ng damit at pumunta sa Canteen. Bumili ako ng softdrinks at tinapay. Naglakad ako sa hallway para makapagisip. Nang makita ko siya palapit. Agad ako nagbago ng direksyon at madaling umalis.

     ------------------------------------------------------

ADELINA POV:

Halos ilang araw na din simulan nung pumunta siya sa bahay. Simula nang magbago siya at umiwas saken. 

Tuwing nasa loob kami ng room paglalapit ako agad naman ito tumatayo sa upuan at umaalis palabas ng room. Pag nakikita ako sa hallway nagiiba to ng direksyon na wari'y ayaw niya talaga magsalubong ang landas namin.

Pagpinupuntahan ko sa court lagi naman wala, hindi kami napapangabutan gusto ko na siya kausapin, gusto ko na siya lapitan para itanong pero siya mismo lumalayo.

Patakbo ako pumunta sa room kung san mga kabarkada niya at siya lang ang nandun pag oras ng lunch break.

Binuksan ko to. "Karl!". Sigaw ko.

Imbis na si Karl ang makita ko puro kabarkada lang nito ang andito at takang nakatingin saken.

"wala siya dito!". Sagot naman ni billy.

"pero lagi siya andito dvah?". Palapit ko tanong.

"may nangyari ba?". Tanong naman ni Jv.

"wala. Wala naman nangyari.". Mahina ko sabi. Sabay yuko na wari'y naubusan na ng lakas.

"Baka naman may nasabi ka?baka naman inasar mo? Alam mo naman pikon yon?". Biro sabi ng mga ito.

Napaanggat naman ako ng tingin sa kanila. "hindi ko siya inasar.wala ako sinabi na ganun!"sigaw na sabi. Ko.

Nakita ko nakatitig lang sila saken na wari'y gulat sa sinabi ko. Napasalampak na lang ako sa upuan habang minamasahe ko ang noo ko. "hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya.". Pagod ko sabi.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon