Sick

155 15 0
                                    

CARLO POV:

Nakiusap ako kay Karl na ako muna ang papasok sa eskwelahan niya. Sempre tuwang tuwa naman ang loko sa sinabi ko malamang magbubulakbol na naman siya pabor kasi sa kanya hindi pumapasok sa eskwelahan kahit labang sa kalooban ko kunsintihin ang kapatid ko kelangan ko makausap si Adelina wala na ako iba maisip na paraan kung hindi ito lang.

Maaga ako umalis sa bahay, sa susunod  na araw darating si mama kaya kelangan maayos ko na to gusot na to bago pa kami mahuli.

Nilagay ko ang kanan kamay ko sa baba ko at tinukod ito sa lamesa kasabay ang malalim na buntong hininga. Napalingon ulit ako sa upuan ni Adelina na ngayon ay bakante.

Oo hindi siya pumasok ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya pumasok siguro ayaw niya ako makita? Baka naman may nangyari na sa kanya.

Bakit ba kasi wala ako number niya eh sana natawagan ko man siya. Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na nga pinapakinggan ang lecture ng professor dahil sari sari mga dahilan ang pumapasok sa isip ko tungkol kay Adelina.

Nagulat na lang ako ng bigla may tumapik sa balikat ko dahilan naman para lumingon ako sa likod ko. Nasilayan ko si billy nakatayo katabi si jc na ngayon nakasukbit na ang bag. sa likod nila.

"Ano Karl? Hindi ka pa ba uuwi? Tapos na klase ohh". tanong nito.

Napalingon pa ako sa paligid ng makita ko halos lahat na ng tao sa room eh nagsitayuan na yung iba nag-aayos pa ng bag.

Agad ako tumayo at pinasok ang iba ko mga gamit sa loob ng bag ko.

"Lutang lang Karl? Nawala lang si miss transfery nawala ka na sa wisyo!". pangaasar ni jc.

Rinig na rinig ko ang pagtawa ng dalawa kumag sa tabi ko habang nagapir pa sinyales na nakaisa sila saken. Napailing na lang ako sa inasta nila at mabilis na naglakad palabas ng room ni hindi ko na inaksaya ng oras lumingon sa kanila bahala sila kung susunod o hindi basta kelangan ko puntahan si Adelina.

-------------------------------------------------------

Buti na lang at nagpresenta ako ihatid siya nung araw na yun. Kung hindi,hindi ko na alam kung san ko siya hahagilapin ngayon pa wala kami communication.

Umakyat na ako sa hagdan,buong buhay ko ngayon lang ako pumunta sa bahay ng babae para manghingi lang ng sorry kasi sa totoo lang ayaw ko mapalapit sa babae kasi para saken distraction lang sila. kaya sa eskwelahan wala ako kaclose o kinakausap na babae madalas sila lang lumalapit pero hindi ko na sila binibigyan ng pansin.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimula kumatok. Ng pagkatok ko bukas pala ang pinto, nagtaka ako bakit bukas ang pinto pinihit ko pa ang doorknob para icheck kung nakalock ba o hindi baka kasi may magnanakaw na pumasok at sapilitan ito binuksan. Pero wala naman sinyales na sinira ang pinto.

"Adelina! Adelina!". sigaw ko.

Pero wala sumasagot. Kaya nagpasiya na ako pumasok. Bumugad saken ang madilim na paligid at bumalot ang paligid ng katahimikan. Kinapa kapa ko pa ang pader para mahanap ang switch ng makapa ko agad ko naman binuksan sabay ang pagbukas ng ilaw ang pakita ko sa buong paligid.

Ngayon ko lang nakita ang loob ng bahay hindi ako pinapasok ni Adelina nung hinatid ko siya kaya ngayon ko lang nasilayan ang loob. Maliit ito at mababa ang bubong,  kulang kulang ang appliances, halos isang sofa lang ang andito at isang maliit na t.v may kusina naman ito pero wala kainan siguro dahil magisa lang siya kaya mabuti na yung wala lamesa para sa kainan.

Malinis naman ang paligid halatang babae ang nagmamay-ari. Nakarinig ako ng mga yabag at pagbukas ng pinto galing sa isang kwarto.

Niluwa nun si Adelina, nakasuot ito ng pagama na wari'y kakagising lang nito gulo gulo pa ang buhok nito habang nakabalabal ang makapal na tela sa may katawa nito. Kinusot kusot pa nga niya ang mata niya habang naglalakad palapit sa kusina mabagal pa nga ang lakad nito na wari'y napakatamlay.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon