REALITY

161 16 0
                                    

CARLO POV:

Hinulog ko ang katawan ko sa kama kasabay nun ang pagtingin ko sa kisame. Hindi ko na nga nagawa nakapagbihis sa sobrang pagod ng mga  paa ko kakalakad. Hindi ko lubos maisip na ginabi na naman ako nakauwi sa bahay, buti na lang at nagextend si mama kung hindi mahuhuli niya ako. Hindi ko kasi to gawain yung gabihin, yung magkapasa sa mukha at higit sa lahat ang lumakwatsa kasama ang isang babae.

"aba! Aba! Mukhang ginagabi n- aha! What is the meaning of that smile hah Carlo!". Paguusisa tanong nito.

Napalingon ako sa kapatid ko na ngayon ay halos mapunit na ang mga labi sa lawak ng ngiti nito. agad ako humarap patalikod sa kanya at nilagay ang kanan kamay ko sa ilalim ng ulo ko.

"bakit masama ba ngumiti?". Pagdedepensa ko.

Hindi ko na nga namalayan ang pagdating ng kapatid ko sa sobra lalim yata ng iniisip ko.

"alam mo Carlo para may nagbago sayo?". Seryoso boses na sabi nito.

Naramdaman ko na lang ang pag-upo nito sa study table ko kaharap lang ng kama ko.

"Hindi ko lang matukoy kung ano yun." dagdag niya.

Agad naman nawala ang mga ngiti ko sa labi na ngayon napalitan ng bigat na pakiramdam na halos tinutusok ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, Alam ko naman sa sarili ko na may nagbago talaga saken,  simula nung nagpanggap ako bilang si Karl ng makilala ko si Adelina.Napapikit na lang ako ng madiin.

"Karl!lumabas ka na!matutulog na ako!". malungkot na sabi ko.

Narinig ko ang pagtayo nito at ang yabag nito palapit sa kama ko.

"Ano problema Carlo?". pagaalala tanong nito.

Kahit hindi man ako humarap kay Karl alam ko nagulat siya at nagaalala sa mga pagbabago kinikilos ko sa bawat araw na nagdadaan.

"Karl please. Gusto ko na magpahinga." pagmamakaawa ko sabi.

Narinig ko na lang ang yabag niya na unti unti humihina kasabay nun ang pagsarado nito ng ilaw ko at ang tunog ng pinto na hudyad nun ang tuluyan niya pag-alis.

Minulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko kasabay nun ang pagharap ng buong katawan ko sa kisame at paglagay ng kaliwa braso ko sa ibabaw ng mga mata ko.

Hindi ko na alam kung ano nangyayari saken. Alam ko sa sarili ko hindi ako ganito dati. Hindi ko ginagawang komplikado ang lahat, Ayoko din ng kahit anong sagabal sa pag-aaral ko. Pero May parte ng isip ko gusto ang pagbabago na ito dahil nagagawa ko na sumaya sa mga bagay na hindi ko nagagawa noon pero may parte ng isip ko pumipigil sa pagbabago ko to. Dahil mali, marami ako niloloko kasama na dun ang sarili ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Bukas babalik na ako sa mundo ko, Sa totoo ako at kung san talaga ako nabibilang ang realididad na bilang ako.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon