Old Man

71 3 0
                                    

CARLO POV:

Simula ng pagbabanta ko kay Karl hindi ko na hinayan magkrus ang landas namin dalawa. Ayoko na makita ang mukha niya. Naalala ko lang ang gabi nakita ko si Adelina sa kalagayan yon.

Nagpasiya na ako umalis muna sa bahay. Nagdahilan ako na mas mabuti na magcondo na lang ako malapit sa eskwelahan. Sempre hindi sila pumayag pinipilit ako sabihin kung dahil ba ito nung gabi mahuli niya ako binubugbog si Karl.

Sempre tinanggi ko kasi kung malaman yun ni mama ma yun yung dahilan hindi na siya papayag na umalis ako.

Sinabi pa ni papa binigyan na ako kotse para hindi na ako mahirapan pumasok. Pero nagdahilan ako na sinabi ko sayang sa gasolina. Alam kasi nila napakakuripot ko pagdating sa pera.

Wala din sila nagawa at hinyaan nila ako umalis na ng bahay. Hindi na din ako nagpaalam kay Karl dahil ayoko muna siya makita.

Nagaayos ako ngayon ng lugar ko. May kama ito may kusina na at mga appliances. Maganda naman ito nabili ko condo maliit pero sabat na para sa isang tao.

Napatingin ako sa bintana na tanawa na tanawa ang buong paligid dito. Tinignan ko ang cellphone ko na ang wallpaper nito ay si Adelina. Napangiti ako dito.

Marami na siya nagawa sa buhay ko. Binago niya ako. Kung dati puro libro at goals ko lang ang pakielam ko sa buhay ngayon natuto ako makisalamuha sa iba, makielam sa iba at magmahal ng iba.

Natuto na din ako lumaban sa mga gusto ko at ang mahal ko. Para ako nabuhay sa kadiliman at nang dumating si Adelina nakawala ako sa pagkakulong sa kadiliman na yun. Dahil sa kanya sumaya ako.

Sinara ko ang cellphone ko at nagbihis ako. Para bumili ng iba pa gamit sa condo na kakailangin ko.

------------------------------------

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Adelina. Nakatingin lang ako dito mula sa malayo. Gusto ko siya kausapin at itanong kung okay lang siya.

Pero nagaalangan ako kung ano magiging reaksyon niya pag nakita ako. Aakalain niya ako si Karl. Baka ipagtabuyan niya lang ako.

Paalis na sana ako ng makita ko ang pagdating ng isa itim na sasakyan sa harapan ng bahay ni Adelina. Matagal ito tumigil pero hindi nagtagal may lumabas sa kabilang pinto.

At laking gulat ko na si Adelina ang tao ito mabilis ito bumababa at umakyat sa bahay niya. Magsisimula sana ako maglakad palapit dito ng marinig boses ng matanda tinatawag ang pangalan ni Adelina. Napaatras ako at nagpasiya magtago. Pinagmasdan ko ang lalaki naka amerikano ito suot ,medyo mataba ang lalaki, matangkad ito at kita mo ang puti na buhok nito hudyat ng katandaan.

Lumabas naman ito galing sa kabilang pintuan na wari'y pinipigilan si Adelina. Napakunot ako ng noo na at iniisip kung san ko nakita ang matanda lalaki, familiar kasi saken ang mukha. Napatingin ako ng mabilis sa bahay ni Adelina ng Narinig ko ang kalabog ng pintuan nito hudyat na galit ito. Parang may nangyari mula sa loob ng kotse. Para sila nagtalo.

Nakita ko yumuko ang matanda lalaki na may mga lungkot sa mata nito. Tumalikod ito at nagsimula na maglakad pabalik sa loob ng kotse mabilis din ito umalis.

Gulong gulo ako sa mga nakita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari. At ano kaugnayan ng lalaki yun kay Adelina.

Nagpasiya ako pumunta sa bahay ni Adelina. Para alamin kung sino yun matanda lalako, Alamin ang pakay nito at kung ayos lang ang kalagayan nito.

Kinatok ko ang pinto. Mabilis naman niya ito binuksan.

"sinabi hindi ako sasama-". Paputol na sabi nito.

Nakangiti ako bumugad sa kanya. "karl?". Pagtataka tanong nito.

Napahawak ako sa leeg ko. "ano kasi! May dinaan lang ako malapit dito. Kaya nagpasiya ako bisitahin ka!". Pagdadahilan ko.

Nakita ko naman naniwala si Adelina at tumango ito. Pinapasok ako nito at pinaupo. Umupo ito sa harap ko.

"parang may kaaway ka kanina ahh?". Pagbasag ko sa katahimikan.

Nakita ko gulat naman ito napatingin saken. "ahh yun ba. Ano kasi yung matanda lalaki gusto ako isama sa relihiyon niya!". Sumagot ito na may pilit na tawa.

Napakunoy naman ako ng noo. Alam ko ang nangyari kanina at alam ko magsisinungaling ito. Nakita ko ang mga nangyari kaya alam ko may tinatago ito saken.

"Alam mo hindu yun ang nagyari.". Lakas loob ko sagot.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko to nilulubayan hanggang hindi niya sinasabi saken ang totoo.

Gulat ito tumingin saken na halos hindi ito makapaniwala. "p-pano mo-". Paputol niya sabi.

"Asa labas ako kanina. Nakita ko ang lahat". Sagot ko ng mahinahon.

Magsasalita pa sana ito pero mas pinilit nito ibaksak ang sarili sa upuan. Iniba ang tingin at naglabas ng malalim ng buntong hininga.

"okay fine. Sasabihin ko na! Papa ko yun.". Wala gana sabi nito.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon