Doubt

117 7 0
                                    

KARL POV:

"Pre!". sigaw ng isa ko kabarkada.

Naglakad na ako palapit sa mga kabarkada ko na mukhang nagsimula na magparty.

"ohh pre! Bakit ang tagal mo yata". Sabi nito.

Nakipagapir ako, piss pam. Beso sa babae at yakap.Binaksak ko ang katawan ko sa upuan sabay tunga ng beer na nasa baso. "wala! May inasikaso lang". Sagot ko.

"Ano pero nakailang base ka sa chicks mo kanina?". Tanong ng isa ko kabarkada.

Sabay nagtawanan ang mga ito na wari'y sabik na sabik sa ikwento ko. Umiling na lang ako. "Wala! Laruan ko lang un!". walang gana ko sagot habang tinunga ko ang nasa baso.

"Ang sabihin mo pre tinamaan ka na sa kanya!". Pangaasar nito.

Sabay tawa ng lahat. "wooh pre wala ka pala! Sigaw ng isa ko kabarkada.

"First love yata pre!". Dagdag pa ng isa ko kabarkada.

"baka love at first sight!". Dagdag pa ulit nito.

Sabay tawana nito at nagapir pa ang mga loko. Tumayo naman ako sabay iling sa mga ito. "pre san ka punta!".tanong ng isa ko kabarkada.

"kay kupido daw pre!". Sagot ng kabarkada ko.

"g*g*!" Sagot ko. Sabay naglakad paalis sa mga pangasar ko kabarkada.

Ano daw ako mainlove sa babae yun? Malabo mangyari un. Bago man mangyari un sisinngilin ko muna siya sa utang niya saken. At nakipagsayaw na ako sa dance floor.

--------------------------------------------------------
CARLO POV:

Bakit ba hanggang ngayon hindi ko parin masabi sa kanya. Wala parin ako lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat lahat. Sinundan ko sila kanina mula sa resto hanggang sa seaside.

Oo inaamin ko naiingit ako kay Karl, hindi dahil magaling siya sa babae. Kung hindi nakakasama niya si Adelina na malaya, yung wala iniisip na problema.

Hindi tulad ko nakatago parin sa pagpapanggap. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Adelina. Gusto ko siya makausap, gusto ko siya mayakap kahit bilang si Karl.

Kakatukin ko na sana ang pinto ng bigla ito bumukas. Nabigla pa ako ng bumukas to. "ohh Karl? May nakalimutan ka ba?". Masigla sabi ni Adelina.

Agad ko siya niyakap ng mahigpit. Sana ganito na lang lagi. Sana ako na lang si Karl. paulit ulit na umiikot sa utak ko.

"teka Karl may problema ba?". Tanong nito.

Dahan dahan ako bumitaw sa pagyakap at umiiling hudyat na sagot ko. "Tara pasok ka.". Pagaaya ni Adelina.

Pumasok naman ako sa loob , umupo ako sa upuan habang nakahawak ako sa magkabilang tuhod ko.

"Ano gusto mo? Softdrinks o juice?". Tanong ulit nito.

"kape na lang.". Walang gana ko sagot.

Gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat lahat. Pero natatakot ako na kung sinabi ko sa kanya tuluyan na siya lumayo saken. Sabi ko sa sarili ko.

"Masaya ka ba kasama mo ako kanina?". Pagtatanog ko. Habang nakatingin sa pader.

"ano tanong yan? Sempre oo naman!". Madaling sagot nito.

Nilagay na nito ang kape sa lamesa at kinuha ko, hinalo, hinipan at uminom ng kaunti. "Pero mas masaya ka nung nasa Park tayo diba? Kesa sa seaside?". Agad na tanong ko.

Napakunot naman si Adelina ng noo na wari'y naguguluhan to sa mga tinatanong ni Carlo.

"Basta kasama kita masaya ako. Bakit Karl?". Pagtatanong ulit ni Adelina.

Hindi sumagot si Carlo dahil hindi niya nakuha ang gusto niya sagot mula kay Adelina. Napasandal naman si Adelina sa upuan. "Alam mo nagtataka ako, kanina para kang bossy na pala utos ngayon para kang anghel na napakabait, yung totoo dalawang tao ka noh?". Sabi ni Adelina.

Halos mabuga ko na ang kape sa pagkabigla. "okay ka lang?". Tanong ni Adelina. Nilapag ko ang kape kasabay ang pagpunas ng panyo ko sa namantsahan na damit.

"Pa-pano mo nasabi?". Taranta ko tanong kay Adelina.

Nakarinig na lang ako ng halakhak galing kay Adelina. Nang dahilan para magtaka ako. "biro lang yun. Masyado ka kasi seryoso ngayon.". Sagot nito.

Halos nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi nito. Mabilis ko to niyakap ulit dahil siguro sa takot na pag nalaman niya ang katotohanan mawawala na lang sa kanya ito ng ganun kabilis.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon