Paranoid

65 2 0
                                    

KARL POV:

narinig ko nagring ang phone ko. Dali dali ko kinuha yun mula sa bulsa ko.

"Hello!". sagot ko.

"Sir andyan na po siya". sagot ng nasa kabilang linya.

Agad ko binababa ito at nilagay sa bulsa ko. Nagsimula na ako maglakad at tumingin tingin sa paligid. Kelangan ko na siya mahanap, Alam ko plano niya to. hindi kung ano klase laro to pero hindi ako papayag na matalo sayo Carlo.

Nakita ko ang isang familiar na babae nakatayo sa gitna habang may mga tao nasa paligid na sumasayaw. Mabilis ako naglakad papunta dito. Tinawag ko ang pangalan niya. Nakita ko gulat ito napatingin sa direksyon ko.

"kanina pa kita hinahanap". masigla ko sabi.

Pero parang wala sa akin ang atensyon nito.

"Hey! Adelina! kanina pa kita tinatawag". malakas ko nasabi.

Nakita ko Mabilis ito napatingin sa akin. mukhang nagulat to sa napalakas na boses ko tawag dito.

"Ano kasi". kagat labi nito sabi habang nakita ko palipat lipat ang tingin nito.

Kaya napatingin ako sa tinitignan niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang lalaki nakatayo sa harapan namin ni Adelina. Nakasuot ito ng maskara. Pero kahit na nakamaskara ito alam ko kung sino to.

Matalim ko to tinapunan ng tingin. Mabilis ko hinawakan ang braso ni Adelina. kelangan ko mapalayo si Adelina dito.

"Let's go Adelina". awtoritado sabi ko.

"Teka Karl".pagpoprotesta nito.

Pero hindi ko siya pinakinggan. Ang tanging nasa isip ko na makalayo si Adelina kay Carlo. Ano kaya ang pinagusapan nila? sinabi niya kaya? napakuyom ako ng palad sa inis. Paano kung nahuli ako ng dating?

Binitawan ko na ang paghawak ko sa braso niya

"Hindi ka ba tinuruan nung bata na wag makipag-usap sa hindi mo kakilala". pangangaral ko sa kanya.

Mabilis siya lumingon sa akin at binigyan niya ako ng matalim ng tingin. "Akala ko kasi ikaw yun? at kasalanan mo kasi pinapunta mo ako dito na magisa lang ako. ". galit nito sagot.

Nagkrus ang kamay nito malapit sa dibdib niya habang nakatingin sa ito sa akin. Siguro nagover act lang ako. Masyado ako napaparanoid dahil nandito si Carlo. siguro nga hindi niya pa alam. wala pa sinasabi si Carlo sa kanya.

napahilot ako ng noo at malungkot ako tumingin dito. "okay sorry Adelina. kasalanan ko". mahina sabi ko.

Mabilis ko siya niyakap, "Ayoko lang na nakikita kita kasama ng iba. Lalo na at lalaki pa. nagseselos ako". bulong ko sa tenga niya.

Naramdaman ko Kumawala siya sa pagkayakap niya. tumingin ito sa mga mata niya. Nakita ko na ang bibig ni Adelina pabuka na wari'y may gusto sabihin ito.

"Karl!". tawag ni Billy.

napalingon naman kami dito. Nakita ko ang mga kabarkada ko palapit sa akin. katulad ni Adelina hindi din nila alam kung bakit ko sila inimbitahan dito.

Umupo na kami sa lamesa. Mainggay ang lamesa namin dahil puro biro ang kwento ng mga kabarkada ko.

"Goodevening ladies and gentlemen". tawag ng atension ng lalaki nasa stage.

Nagsimula na ang Program. Napatingin ako kay Adelina na ngayon nakamasid sa paligid. Bulis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. pano kung makita niya si Carlo? baka magduda siya? baka. makilala niya ito.

"Let's call the birthday boys tonight". sigaw ng mc.

"Karl and Carlo!". sabi ulit ng mc.

Tumayo ako at inayos ko.ang damit ko at tinapik ko ang balikat ni Adelina. Nagsimula na ako maglakad papunta sa stage. Alam ko halos lahat ng kakilala ko dito nagulat sa sinabi ng Mc. Hindi na ako nagataka kasi dalawa kami umakyat sa stage.

Napatingin ako Kay Carlo na ngayon binigyan ako ng pangaasar na ngiti. so eto ang plano niya. na ipakilala ang sarili niya sa lahat ng tao na may kakambal ako.

Pilit ako ngumiti at tumingin sa paligid. gusto ko na matapos ito at mabilis na pumunta sa tabi ni Adelina. gusto ko sa lahat ng oras nasa tabi ko siya. Matalim ko tinignan si Carlo. hindi ako papayag na makuha mo siya sa akin.

bumababa na ako sa stage ng matapos na namin hipan ang cake. Naglakad ako palapit sa lamesa kung nasaan si Adelina. Nakangiti ako dito. Nakita ko napatingin ito sa di kalayuan at nakita ko nakatingin din si Carlo dito. Halos napakuyom ulit ako ng palad sa inis. gusto ko sugutin si Carlo at suntukin. alam ko ito ang gusto niya gawin. Ang mapunta ang atensyon ni Adelina sa kanya. ang guluhin ang isip nito.

"Pre di mo pala sinasabi birthday mo". sabi ni Billy.

Mabilis ako napatingin sa tao nasa harapan ko ngayon. Nagulat ako at di ko na namalayan nasa harapan ko na pala si Billy.

"Kaya nga surprise diba?". tawa sagot ni Karl.

sabay upo. nagsimula na i-serve ang pagkain. Nakita ko napatingin sa akin si Adelina.

"Bakit hindi mo sinabi birthday mo pala?". taka kong nito.

ngumiti ako bago nagsimula magsalita. "Alam ko naman bibili ka ng regalo kahit hindi ako pumayag". pagdadahilan ko.

Ang totoo wala ito sa plano ko. gusto ko lang na isama siya sa isang isla na kami lang dalawa. pero lahat ng ito nagbago dahil kay Carlo.

"Kahit na. minsan ka na lang magbirthday kaya kelangan ng regalo". mabilis na sagot nito.

pinisil ko ang ilong nito at ngumiti. "Ayaw mo talaga magpatalo". sabi ko.

"maiba ako bakit hindi mo sinabi may kambal ka pala. so ano feeling?". masigla nito sabi.

Mabilis ako lumingon sa pagkain at nagsimula kumain. "ahh. hindi ka naman kasi nagtatanong". malamig na sabi ko.

Wala na ako narinig na tanong mula kay Adelina. At nagpapasalamat ako dun. hindi ko din naman alam kung ano ang isasagot ko kay Adelina. Mas lalo kumukulo ang dugo ko pag naririnig ko si Adelina nagtatanong kay Carlo.

Nagpaalam si Adelina na magsiC.r lang. tumango ako. nakita ko naglakad na ito papunta sa C.r at mabilis ako tumingin sa paligid ng makita ko si Carlo naglalakad papunta sa bulcany mabilis ako tumayo para sundan siya.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon