Mascot

114 4 0
                                    

CARLO POV:

Pagsuot ko ng costume na ibon na pula pumunta ako sa gym agad. nakita ko nagpagsimula na ang game, sa sobra hirap isuot nito costume na to at maglakad kaya ako natagalan at tamang tama lang ito para hindi ako makita ni Adelina.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap hah!".sabi ng lalaki. mabilis niya ako hinatak.

Nagulat ako ng makita ko si Karl na naglalaro na sa court. napatalikod pa ako sa pagkataranta ko. pero teka? hindi naman niya ako makikilala na ka costume nga pala ako.

"ohh ano pa ginagawa mo?". sigaw ng lalaki na ngayon nakapamewang sa harap ko.

napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito. ano ba dapat ko gagawin?Mabilis ako tinulak nito at dahilan para mapapunta ako sa gitna nabangga ko pa ang mga player at dahilan para bumaksal ako sa gitnang ng court.

Narinig ko nagsitawanan ang mga tao. nakita ko mabilis na pumunta ang mga player na kasama ni Karl para tulungan ako itayo pero imbis na makatulong nadulas pa ako at sabay sabay kami nahulog at nadaganan ko pa sila.

mas lalo nagsitawanan ang mga tao sa nangyari. Pero nakatayo ako sa wakas at pinalabas nila ako ng court.

"Ano ba naman kasi ginagawa mo hah!". sigaw ng lalaki saken.

nakayuko na lang ako sa sobrang pagkahiya sa nangyari. ginulo ko ang lahat simple pag mascot na lang punalpak na lang ako.

"Mabuti pa lumabas ka na lang. umuwi ka na at baka! nakow! high blooding ako sayo!". sigaw nito. na ngayon pabalik na sa loob ng gym.

nagpasiya na ako lumabas ng gym. pumunta ako sa di kalayuan sa may quadrangle pero medyo tago. tinanggal ko ang ulo ng mascot ko para makahinga ng maluwag. hindi ko naman alam na ganito pala kainit at hirap to.

Nakita ko sa di Kalayuan ang isang babae naglalakad nung una hindi ko masyado makita pero nung nagtagal nakita ko si Adelina ito. Sinusundan ko to ng tingin hanggang sa umupo to ng di kalayuan.

sinuot ko ulit ang ulo ng mascot sabay lakad papunta palapit kay Adelina. Nakita ko nakatingin ito sa langit, umupo ako sa tabi nito at narinig ko nagpakawala bumuntong hininga ito. Mukhang malalim ang iniisip nito. hindi ako nagsalita hinihintay ko lang na mapansin niya ang pagtabi ko dito.

Nakarinig na lang ako ng tawa, nagtaka ako napatingin dito pero patuloy sa pagtawa. "sorry! hindi ko kasi mapigilan". sabi nito sabay pahid ng mata nito ng luha sa sobrang kakatawa.

Mukhang alam ko na kung bakit ito natatawa, malamang nakita niya ang show ko kanina. nakakahiya. payuko ko ginawa.

"uy! okay ka lang?". sabi nito.

tumango ako hudya't na okay lang ako at hindi ako galit sa pagtawa niya. ang totoo nahiya lang ako. Pero siguro nagpapasalamat ako na may custome ako at hindi nakita ng libo libong tao ang mukha ko.

Bumalot ng katahimikan ang paligid. napatingin ako bahagya dito na wari'y nakatingin lang ito sa paligid. Kinalabit ko to at napatingin naman to, nagsenyas ako gamit ang kamay ko. Nakita ko napakunot ng noo ito. "ballpen?". tanong nito.

umiling ako at nagsenyas ulit. "sulat?". tanong ulit nito.

napataas ako ng kamay sabay hawak sa ulo ko dahil nauubos na ang pasensiya ko.

"Ahh! ballpen? at paper ba?". mabilis na sagot nito.

tumango tango naman ako dito hudya't na tama ang sinasabi nito. Naglabas ito ng notebook at ballpen sabay abot saken. binuksan ko to sabay sulat dito.

"Bakit ka andito sa labas?". sulat ko.

inabot ko to at pinakita ito sa kanya. nakita ko binasa niya ito.

"Ahh! kakatapos lang kasi ng laro?". sagot nito.

kinuha ko ulit ang notebook at nagsulat ulit ako dito. pinakita ko ulit dito pagkatapos ko magsulat.

"Bakit mag-isa ka? wala ka bang kasama? ".tanong ko.

"mga kaybigan ko asa loob. nauna lang ako dito". mahina sabi nito.

tumango tango na lang ako at hindi ko na kinuha ang notebook niya. napatingin na lang ako sa harap. Kontento na din ako sa ganito yung katabi ko siya at naririnig ang boses niya.

"Naramdaman mo ba minsan na malapit ka naman sa tao yun pero parang napakalayo niya?". sabi nito.

Napatingin ako dito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Agad ko kinuha ang notebook, nakita ko ang gulat nito sa inasta ko.

"may problema ka ba? pwede mo sabihin saken". sulat ko.

sabay bigay dito, nakita ko nagulat to sa binasa niya nagalangan pa nga ito. kaya kinuha ko ulit ang notebook niya. at nagsulat ulit ako. sabay bigay ulit dito.

"pinagtawanan mo naman ako kanina. kaya bawi mo na lang yan!". sulat ko.

nakita ko napangiti pa to sa binasa niya sabay abot nito ng notebook ko. "sige na nga!". sabi nito. nagayos to ng pagkaupo at nagsimula magsalita.

"Hindi naman to problema. siguro naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko. para may nagiba pero hindi ko alam kung ano yun.". sabi nito.

"Para kasing yung tao mahal ko nagiba? para masyado na siya napapalayo saken?". dagdag pa nito.

Nagsimula ako magsulat sa papel. Nang marinig ko may tumatawag kay Adelina. Napatingin kami sabay sa boses na to at nakita si Karl na matalim na nakatingin saken.

Tinignan ko din siya pero alam ko hindi niya ako nakikilala at nakikita kaya parang wala lang ang ginagawa ko. Mabilis na naglakad si Adelina palapit kay Karl. Kumaway ito saken habang pinagmamasadan ko ang paglakad nito palayo.

Tinanggal ko ang ulo ng mascot ko sabay Napatingin ako sa notebook na hawak ko. "Baka hindi siya yung tao minahal?".basa ko dito sabay tingin ulit dito habang kasama si Karl.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon