FINDING ADELINA

106 5 2
                                    

KARL POV:

Minulat ko ang mata ko. Napatitig ako sa bintana. Umaga na pala!. Napahawak ako sa ulo sa sobrang sakit. Tumayo ako bahagya ng maramdaman ko ang sakit sa pisngi ko at bibig ko.

Agad ako tumayo at pumunta sa may salamin. Nakita ko ang pasa sa pingi ko. Sugat sa gilid ng labi ko. Napakunot naman ako ng noo. Teka ano ba nangyari kagabi?

Napaupo ako sa upuan sa tabi ng salamin. Inaalala ko ng mabuti kung ano nangyari kagabi. Pumunta ako sa bar. Uminom kasama ng mga kabarkada ko. Nakipagasar at pumunta kay Adelina.

Napatayo ako nangmaalala ko si Adelina. Dali dali ako nagbihis at lumabas sa kwarto. Bumugad saken si mama na ngayon naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"teka Karl san ka pupunta!-". Sigaw ni mama.

Nakita ko hinabol pa ako nito pero hindi din niya ako naabutan nakasakay na ako sa sasakyan at pinaandar ko na to. Sorry ma! Pero mas mahalaga ito.

Madali ako pumunta sa bahay ni Adelina. Nagbabaka sakali makita ko siya dito.

Bumababa na ako mula sa kotse ko. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kelangan ko magpaliwanag sa kanya. Alam ko hindi niya ako papatawarin sa nagawa ko pero gusto ko magpaliwanag.

Kinatok ko ulit ito pero wala sumasagot. "iho! Wala tao dyan. Umalis kanina!". Boses ng matanda lalaki.

Napatingin ako sa baba. Isang matanda lalaki ang nakatingin sa direksyon ko ngayon. "ahh ganun po ba? San po kaya siya pumunta?". Pagtatanong ko.

Nakita ko napakamot ito ng ulo na wari'y nagiisip. "ahh! Pumasok sa eskwelahan niya!". Sabi nito.

"ahh salamat po!". Mabilis ko sagot.

Nawala sa alaala ko na may pasok nga pala ako.Nagmaneho na agad ako sa papunta sa eskwelahan ko. Park ko to agad at madaling pumasok sa loob. Agad ko pinuntahan ang room pero wala siya dun. Pumunta ako sa canteen pero wala din siya dun. Bawat room pinuntahan ko na halos mawalan na ako ng pagasa makita ko siya.

Ito ang karma ko nung nagtago ako sa kanya katulad ng ginawa ko sa kanya. Ngayon alam ko na amg hirap kung paano maghanap ng tao ayaw naman magpakita sayo.

Nakarinig ako ng inggay mula sa may labas. Napasilip pa ako sa may bintana dahil asa taas ako. Nakita ko marami tao nakapaligid sa isang sulok na wari'y pinipwestahan nila ito.

Tinignan ko to ng mabuti may lima babae ako nakikita pero hindi ko makita kung sino yung mga yun at kung ano ginagawa nila kaya lumipat pa ako pwesto para makita ko nang mabuti at laki gulat ko nang makita ko si Adelina na halos hindi na siya makatayo ng pagtulungan ng mga bababe.

"shit!". Tangi nasabi ko.

Patakbo na ako pababa ng hagdan sa sobrang taranta. Nabunggo ko na nga ang mga nakasalubong ko sa kakamadali. Nang makarating na ako sa baba. Mabilis ako sumuksok sa mga estudyante nakikiyoso.

Nang marating ko ang gitna. Nakita ko si Adelina nakahiga sa ilalim ng babae.hawak hawak nito ang buhok ng babae nakapaibabaw ito habang sinasabunutan ang buhok nito. Ang babae nakadagan naman kay Adelina hawak hawak ang buhok ni Adelina sinasabunutan din ito at ang isa naman babae hawak ang kamay ang isa nito kamaya para hindi makapaglaban at ang isa naman ang paa nito para hindi makatayo.

Madali ako tumakbo at lumapit dito. Hinatak ko ang isang babae nakadagan kay Adelina. Naglaban to wari'y pusa ayaw magpaawat. Pero napatigil ito nang makita niya ang mukha ko.

Agad ko to binitawan at nakita ko tumigil na din ang dalawa babae at tumayo. Yumuko sila sa sobrang hiya nang makita ako.

Nakita ko umaangat ito nang mapansin niya napatigil ang mga ito. Mabilis ito tumayo pero bago ito magsimula maglakad agad ko ito binuhat. Hindi ito nagsalita. Nakita ko ang gulat nito sa mukha.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon