Desisyon

98 11 0
                                    

CARLO POV:

Nagising ako ng sobrang aga kahit wala ako pasok ngayon. Nasanay siguro ako dahil madalas ako magpanggap bilang si Karl pagwala ako pasok sa school naman ako ni karl papasok.

Pero tapos na yung araw na yun. Napatayo ako sa kama, naglakad palapit sa bintana kita ko ang malungkot na langit na atimo'y umiiyak ito dahil sa ulan. Nakita ko naglalakad si Karl palabas ng bahay habang nakahawak ito ng payong.

Kinausap ko na din si Karl nung nakaraan araw.

Flashback:

huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Agad naman ako nakarinig ng boses hudyak na pinapapasok ako.

Nakita ko si Karl na busy nakaharap sa computer na wari'y naglalaro ito. Agad naman siya napatingin saken sabay ang pagbalik nito mabilis na tingin sa computer para itigil at madaling humarap ulit saken.

"oh Carlo himala napapunta ka sa kaharian ko?".pabiro pa nito sabi.

Pero walang emosyon ang gumuhit sa mukha ko ,naglakad ako at umupo sa may kama ni Karl tinukod ko ang siko ko sa dalawa ko binti sabay ang paghawak ko sa dalawa kamay ko.

"ano problem Carlo? May nangyari ba sa eskwelahan mo o saken?". Paguusisa nito sabi.

Halos puro buntong hininga na lang ang lumabas sa bibig ko bago tuluyan magsalita. Ang tangi nasa isip ko lang kelangan ko na matapos ang kalokohan to.

"Karl itigil na naten to.". Mahina ko sabi.

Binalot kami ng katahimikan hudyad na pagkagulat ni Karl sa mga sinabi ko. Narinig ko ang pagtayo nito mula sa pagkaupo at mabilis na lumapit sa harap ko.

"te-teka! Itigil? An-ano?". Gulat na sabi nito.

Tila hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ko. Na parang nabingi at hindi lubusan narinig ang mga sinabi ko.

"Karl ayoko na! Pakiramdam ko napakasama ko tao dahil sa ginagawa naten. Mabuti pa tapusin ko na to kalokohan ito bago pa magulo ang lahat!". Sabay tingin ko karl habang binibigkas ito.

"ano ba yun Carlo parang ewan naman to. Kung kelan sumasangayon na lahat saka ka pa magbbaback-out! pambira naman!". Pikon na sagot nito.

Napaupo na si Karl sa sobrang pagkadismaya nito sa mga narinig niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil tapos na ang maliligaya niya araw magbulakbol.

"sige fine payag na ako tapusin na to! Tutal marami ka naman na natulong saken". Dagdag pa nito.

End of Flashback.

Buti na lang at pumayag na si Karl sa desisyon ko pero kahit ano ang pilit niya saken hindi naman na ako papayag alam ko kasi na pag nagdesisyon ako wala na makakapigil saken.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon