Realization

101 10 0
                                    

CARLO POV:

Bumalik na ang dati ko buhay. Tahimik, bilang na tao ang kinakausap, lagi nakatutok sa libro, hindi magawa ngumiti na atimo'y wala na ako alam na kasayahan sa mundo. Bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa locker ko.

Simula ng nagpasiya ako tapusin na ang pagpapanggap halos bumaksak ang langit at lupa. Dinaig ko pa nga ang namatayan dahil sa pagluluksa ng mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako bago ko kunin ang susi mula sa bulsa ko.

Sinuksok ko to at binuksan kagaya ng dati marami na naman nahulog na mga sulat mula sa locker ko. Isa isa ko to pinulot at napailing na lang ako.

"Carlo!". Boses ng isang lalaki umagaw sa atensyon ko.

Napalingon pa ako gawi sa kanan ko at nakita ko si Angelo na patakbo palapit saken. Napakunot naman ako ng noo at nagtaka.

Madali ako tumayo kasabay ang pagpagpag ng damit ko. Hingal na hingal pa si Angelo nung makarating sa harap ko halos hindi pa nga ito makasalita sa pagod.

"ano yun Angelo? May kaylangan ka?.". Tanong ko.

Tumayo ito ng tuwid at binigay ang libro sa akin. Nagtaka naman ako sa inasta nito.

"Naiwan mo.". Dagdag niya pa.

"ahh. Salamat!". sagot ko kasabay ang pagkuha ko sa libro.Nilagay ko to sa loob habang inaayos ang laman nito.

"Ano ba nangyayari sayo Carlo?". nagsimula magsalita si Angelo.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon nakasandal ito sa tabi ng locker habang nakatingin sa malayo. "Ano ibig mo sabihin?". Paguusisa ko.

"Wala ka lagi sa sarili. Laging lutang. Alam mo kung hindi lang kita kilala sasabihin ko broken hearted ka!". Pagtuloy nito.

Agad ko binalik ang tingin ko sa locker ko, nagpatuloy ako sa pagaayos nito. "Wala naman nagbago saken Angelo. Baka nababaliw ka lang!". pagtatangol ko sa sarili ko.

At sinara ko na ang locker ko. "baka nga!". Pagsangayon nito kasabay ang pagtawa nito.

Umupo ako para pulutin ang mga letter na nahulog sa sahig at nilagay to sa plastic. "A-Ano Angelo may tatanong lang ako sayo hah.". sabi ko.

Tumango lang ito habang nagpupulot ng mga sulat. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita. "Meron kasi ako kaybigan may kakambal. Nagpanggap ito bilang kapatid niya kasi yun yung favor nito. Pero hindi naman niya sinasadya mahulog yung loob niya dun sa babae classmate nito. Pero dumating ang araw na gusto na itigil nung lalaki yung pagpapanggap at palayain na lang ang babae kasi ayaw nito masaktan-". Paputol na kwento ni Carlo.

"g*g* pala yung lalaki eh!". Sigaw ni Joshua.

Napatingin ako kay Angelo na wari'y hindi maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung ano dapat ang reaksyon ko sa sinabi ni Angelo.

"hah? Ba-bakit?". Tangi nasagot ko.

Tumayo na ako at kinuha ko na ang plastic nagsimula na kami maglakad papunta sa labas kung san ang basurahan. Habang naglalakad kami muli nagsalita si Angelo.

"Nasabi niya ba na mahal niya yung babae?". Tanong nito.

"hindi". Sagot ko.

"sinabi niya ba ang totoo". Tanong ulit nito.

"hindi". Sagot ko.

"Eh g"g" nga talaga! Hindi niya pa nasusubukan gawin eh umaatras na. Nu bayan kaybigan mo napakatorpe lalaki ba yan?". Sabi nito.

Napatigil ako sa paglalakad. Daig ko pa yata ang nabuhusan ng yelo sa pagkastatwa sa kinatatayuan ko. Para ako minulat sa realidad.

"ohh Carlo? ano nangyari sayo?".kunot noo nakatingin si Angelo habang medyo malayo na siya saken. Hindi nito namalayan napatigil ako sa paglalakad.

Agad ako tumakbo papunta sa kanya. Halos nagulat ito na wari'y nakakita ng aso dadamba sa kanya. Madali ko siya niyakap. "salamat joshua!". Sabi ko. Agad ko binigay ang plastic ko hawak. "ikaw muna bahala dyan ahh". Dagdag ko.

Nagsimula na ako tumakbo. "teka pre san ka pupunta! May klase pa tayo.". Huli narinig ko kay joshua bago ako tuluyan makalabas ng school.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon