Rain

86 11 0
                                    

CARLO POV:

Halos habulin ko pa ang hininga ko sa sobrang hingal. Napayuko pa ako habang hawak hawak ko ang tuhod ko. Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako tumakbo ng ganun kalayo.

Simula sa eskwelahan ko hanggang sa eskwelahan ni karl, hindi ko akalain na mararating ko to ng buhay.

Ng makahinga na ako ng maayos napatingin pa ako sa building bago nagsimula maglakad papunta sa pintuan ng eswkelahan ni Karl.

Ng malapit na ako, Napahinto pa ako ng makita ko ang isang binata na pumasok sa loob.

"teka! Asan i.d mo?". Sita ng guard.

Agad na kinuha ng binata ang i.d sa bulsa nito at pinakita niya ito sa guard, agad ito tumango at pinapasok ito.

Teka! Pano ako makakapasok nito. Wala ako i.d. Bulong ko sa sarili ko. Nagisip na nagisip na nagisip ako hanggang sa Arrg! halos mapasabunot ako sa buhok ko. Ano ba naman yan Carlo scholar ka pa naman at dean lister pero ito lang wala ka maisip na paraan. Sisi ko sa sarili ko. Ahh bahala na ang importante makausap ko si Adelina.

Casual lang ako naglakad papunta sa pintuan kahit ang totoo halos mangatog na ang mga binti ko sa kaba.

Sumabay ako sa estudyante papasok sa pinto. Nakita ko check niya ang bag ng mga ito. Dahan dahan ako nagpasimple lumakad sa mga kanan gawi niya. Para ako magnanakaw sa ginagawa ko.

Ng makalagpas na ako sa guard nakahinga ako ng maluwag.

"Hoy!". Boses ng lalaki.

Dahan dahan ako napalingon sa likod, Halos lumaki ang mata ko sa gulat sa nakita ko. "Patay!". Ang tangi nasabi ko. Agad ako kumaripas ng takbo patungo sa loob ng building.

"hoy! Tumigil ka!". Sigaw ng guard.

Akala ko nakatakas na ako sa kanya pero hindi nagkamali pala ako. "excuse! Sorry! Excuse! Tabi! Sorry!'. Sunod sunod ko sabi.

Sa kakamadali ko kasi takbuhan ang guard halos madami na ako nabangga. Takbo dito, takbo dun kung kanina isa lang ang humahabol saken ngayon tatlo na sila.

Umabot na ako sa first floor pero patuloy parin sila sa paghabol saken, wala ba to kapaguran.

Hanggang sa makorner na nila ako habang pababa na ako sa hagdan.

"Wag ka na tumakbo!". Sabi ng guard.

Wala na ako magawa kundi sumuko, ang dami nila kahit banggain ko sila mahuhuli at mahuhuli din nila ako. Kinaladkad nila ako palabas ng eskwelahan halos masubsob ako sa sahig sa pagtulak nila.

"grabe ka boy, pinagod mo pa kami! Ano ba gagawin mo sa loob!". Tanong ng guard.

Nagpagpag pa ako ng damit habang nakaupo sa sahig, tumayo ako agad.

"may gusto lang ako kausapin sa loob!". Sagot ko.

"mabenta yan boy! Magisip ka nga ng bago!". Sabay tawa ng mga ito.

"hindi po totoo po yun! so please papasukin niyo ako!". Sigaw ko sabi habang pinipilit ko pumasok.

Hinawakan nila ako tatlo sa braso para pigilan, hanggang sa masubsob na naman ako sa sahig.

"Ang kulit mo ahh! Isa pang pilit mo sa bilanguan ang kakabagsakan mo!". Sigaw ng guard habang dinuduro ako.

Sinamaan ko siya ng tingin habang dahan dahan ako tumayo, naglakad ako sa may banda puno medyo malayo na sa eskwelahan pero tanay parin hanggang dito. Napasandal ako sa puno. Dama ko ang sobrang pagod, pagkadismaya, sama ng loob, at sakit ng katawan isama mo pa ang sugat sa braso ko dahil sa pagkasubsob sa sahig.

Napailing na lang ako sa nangyari saken. Daig ko pa yata ang sumugod sa gera dahil sa dumi ng damit ko, nakauniporme pa ako papunta dito ng puti ngayon parang hindi na makita ang kaputian dito pagkatapos ko makapasok sa eskwelahan ni Karl.

Naisip ko si Adelina kung ano kaya ang ginagawa niya ngayon. Iniisip niya kaya ako? galit ba siya saken dahil sa ginawa ko? Sari sari na ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko na makita si Adelina, gusto ko na linawin ang lahat. Sasabihin ko na ang lahat lahat.

Napatingin naman ako sa gate ng eskwelahan nila karl ng mapansin ko naglalabasan na ang mga estudyante. Di nagtagal nakita ko si Adelina lumabas na sa gate. Nagsimula na ako maglakad papunta kay adelina , Wala na ako paki kung makita ako ng mga classmate ni Karl kung sasaan pa eh malalaman din nila ang tungkol saken.

Napahinto ako sa paglalakad, halos napaatras pa ako ng makita ko ang paglabas ni Karl na wari'y tinatawag niya pa Adelina napahinto pa si Adelina sa paglalakad. Nakita ko ang ngiti nito at pagtango at sabay nila paglakad.

Halos ang bigat ng mga binti ko na wari'y hindi ko magawa maihakbang kahit gusto ng isip ko puntahan ko si Adelina ang katawan ko naman pumipigil.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Unti unti ko nararamdaman ang tubig mula sa langit. Napatingala pa ako habang dahan dahan pumapatak ang ulan sa mukha ko.

Huli na ba? Huli na ba ako Adelina? Huli na ba para saten dalawa?

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon