REVELATION

102 3 0
                                    

CARLO POV:

Pinisil pisil ko ang kamay ko habang nakatingin sa paligid. nakikita ko halos dumadami na din ang tao sa paligid. Wala ka na magagawa Carlo. Sinabi mo na napasubo ka na.
FLASH BACK:

Inimbitahan ako ni mama at papa sa bahay. kahit ayaw ko man pumunta at umiwas kay Karl wala ako magagawa kundi pumunta. Alam ko maghihinala yun mga yun paghindi ako pumunta.

Nakaupo na kami sa pagkainan at nagsisimula na kami kumain. Si papa nasa dulo ng lamesa, si mama nasa kaliwa nito habang ako nasa kanan ni papa at katabi ni mama si Karl.

Tahimik lang kami kumakain. gusto ko na nga matapos to pagkain ko para makaalis na dito. Hindi ako kumportable nasa isang bubong kami ni Karl.

"Malapit na pala birthdat niyo ahh!". pagbasag ng katahimikan ni mama.

Napaanggat naman ako ng tingin dito. "oo nga ano plano niyo?". tanong ni papa.

sa totoo lang ayoko icelebrate ang birthday ko. bakit ako magcelebrate kung wala naman sa tabi ko ang mahal ko.

"meron na ako plano pa!". masigla sabi ni Karl.

Lahat kami ngayon napatingin kay Karl. "Meron ako nakita isla na sa tingin ko bagay na bagay sa okasyon". pagsuggest nito.

"isla? parang masyado yata mahirap yan?". pagaalala ni mama.

"hindi po. gusto ko po sana icelebrate ang birthday ko ng tahimik alam niyo po. gusto ko sana magsolo". ngiti sabi nito.

nakita ko naman nagtinginan si mama at papa sa sinabi ni Karl. "Karl! ang birthday mo dapat sinicelebrate yan with your family. at isa pa lagi naman kayo nagcelebrate ni Carlo magkasama diba?". sagot ni mama.

Nakita ko nagbago ang expressyon ng mukha ni Karl na wari'y hindi niya nagustuhan ang tinutukoy ni mama.

"pero nakareserve na po ako!". pagpoprotesta nito.

"pwede mo naman gamitin yan after ng birthday mo". sagot ni papa.

"oo nga naman anak! pagbigyan mo na papa mo. aalis naman na siya next week hindi na natin siya makakasama". malungkot na sabi ni mama.

Nakita ko hinawakan ni papa ang kamay ni mama at binigyan to ng ngiti.

"Ang gusto kasi namin magkaroon ng party para sa inyo dalawa at sempre party na din dahil nabuo ulit tayo pamilya.". ngiti sabi ni mama.

"tapos imbitahin niyo na din ang mga kaybigan niyo. para makilala namin". dagdag ni papa.

Mabilis ako tumingin kay Karl. "Oo nga naman Karl. Bakit hindi mo dalhin si Adelina. para makilala namin". mabilis na sabi ko. sabay ngiti dito.

Nakita ko nagulat ito sa sinabi ko. "ohh! so Adelina pala name niya. At last my name na din siya.". masigla sabi ni papa.

"oo nga Karl. para makilatis namin ng papa mo si Adelina". pagsangayon ni mama.

Nakita ko gulat ito napatingin kay mama at papa at sa akin. Napabuntong hininga to bago tuluyan sumagot. "opo". mahina sagot nito.

END

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun nung araw na yun. ano ba pumasok sa isip ko para masalita ng ganun.

Napaanggat ako ng tingin. Nakita ko ang isang babae nakasuot ng black na dress habang tumitingin sa paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko na namalayan nagsimula na pala ako makalakad at makalapit dito. Alam ko siya to. Ang amoy niya ang buhok niya. ang petit niya katawan at ang mata niya.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon