CHAMPIONSHIP

73 4 0
                                    

CARLO POV:

Sinundo ako ng parents ko sa condo ko para manuod ng laro ni Karl. Hindi ko naman pwede sila tangihan baka magduda na yung mga yun na may namamagitan na away samin ni Karl.

Nakatingin ako ngayon sa bintana ng kotse. Habang palapit kami sa eskwelahan ni Karl nakakaramdam ako ng kaba at pagkaexcite na sa wakas makikita ko na din si Adelina.

Matagal na din simula nung huli ko siya nakita. Hindi ako gumawa ng anuman hakbang simula ng huli pag-uusapan namin ni Karl. Hindi ko alam ang mga gagawin ko para makuha ko si Adelina na talaga naman sa akin. Yung tipong hindi ako mag mapapanggap bilang si Karl. siguro nag-aantay lang ako ng tamang panahon para gumalaw.

Pumasok na ang sasakyan sa loob ng eskwelahan ni Karl. narinig ko pinatay na ni papa ang makina ng sasakyan. bumababa na si mama at ako at si papa.

Napatitig ako sa building na kahit papaano naging parte din ng buhay ko. kahit minsan naranasan ko maging malaya at maging isang teenager na wala inaalala kundi pumasok at magpakasaya sa eskwela.

Teka? eskwelahan to ni Karl, ibig sabihin. Napatingin ako sa paligid sabay yuko. hindi nila ako pwede makita. Hindi nila alam na may kakambal si Karl at baka mapaghinalaan ako ng mga kabarkada niya o kaya teacher niya. Hindi pa to ang tamang panahon para malaman ng lahat.

napatingin ako ng may tumapik sa balika't ko.

"Carlo?may problema ba!". pagaalala tanong nito.

nakita ko ang pag-aalala ni mama dito pati si papa na napatigil sa paglalakad. umiling ako. "no. wala po! siguro mag-c.r lang ako. susunod na lang ako sa gym". mabilis na sabi ko.

Hindi ko narinig ang sumunod na sinabi ni mama at madali ako tumakbo papunta sa c.r. madali ako pumasok sa loob at humarap sa salamin. Ano gagawin? paano ako makakalapit ka Adelina nang ganito?.

Napatingin ako banda sa may cubicle ng may nakasabit dito. dahan dahan ko to kinuha.

"oy! akin yan!". huli ko narinig na sigaw.

"peram muna! babalik ko din to!".mabilis na sigaw ko sabay ng mabilis na patakbo lumabas sa c.r.

--------------------------------------------------

ADELINA POV:

Umupo ako malapit sa pwesto nila Karl. Championship nila ngayon kaya medyo mainit ang laban. Gusto kasi ng school namin na makuha ang 1st place dahil last year hindi daw nila ito nakuha.

nakikita ko ang mga cheerleader ng bawat eskwelahalan. Nang isa isa na lumabas ang mga player, dumagungdong ang hiyawan sa paligid. napatakip pa ako ng tenga sa hiyawan ng mga babae malapit saken. Halos sumabog na ang eardrum ko.

Kumaway si Karl banda sa pwesto ko at binigyan ko siya ng ngiti.

"ohh my god! nakita mo kinawayan tayo ni Karl!". sigaw ng babae na halos mamatay matay na sa kilig.

"We love you Karl!". sigaw naman ng mga babae nakabanner.

napailing na lang ako sa inasta ng mga ito. Wala na ako magagawa, gwapo si Karl at hindi ko na maalis na maglaway ang mga babae sa kanya. napalingon na lang ako sa court ng marinig ko ang pito hudya't na magsisimula na ang laro.

wala sa first five si Karl kasi siya yung magaling na player nila. medyo lumang ang kabila school sa first part ng game. Ng nagsimula ang second game nakita ko pinapasok na nila si Karl, lumakas ang hiyawan ng mga babae at pag cheer dito.

Mas humigpit ang bantay ng kabilang school kay Karl, siguro narinig nila ang usap usapan na baka siya ang susunod na MVP.

pero nakalusot ito at naka-three point shot ito ng sunod sunod. natapos na third half ang laro ng laman ang school namin. last game na kelangan na matambakan ang kabila para manalo na ang school namin.

Nagsimula na ang laro ng bigla yung mascot ng eskwelahan namin umiksena. medyo na nakakatuwa dahil napatigil ang laro dahil nababangga niya ang mga player na halos sinakop niya na ang gitna.

napaupo ito sa gitna habang nagtatawanan ang lahat. pinuntahan ito ng mga ibang player para tulungan tumayo pero nadulas to kaya kasama niya mga tumulong napahiga din. Isang malalakas na tawa ang bumalot sa gym sa sobra saya ng mga tao na wari'y nanunuod ng comedy bar.

Pero napatayo nila ang mascot at napaalis sa gym. Ilang oras nag resume ang game. mas dumami ang nagbantay kay karl medyo nahirapan ang mga kagroupo niya dumipensa.

Last minute na ng mabigay ka kay Karl ang bola. tumakbo ito ng nakuha niya na ang tamang pwesto tumalon to ng malakas at hinagis ang bola, kasabay ng pagbaksak ng paa nito ang pagpasok ng bola sa ring at ang tunog na hudyat na tapos na ang game.

Parang slow motion ang nangyari. Nagsitayuan ang mga tao at isang nakakabingi sigaw ang umalingawngaw sa gym. Nakita ko nagsitakbuhan ang mga tao palapit kay Karl sabay buhat dito. bumababa naman ako para i-congrats ito.

Lumapit ako sa mga kumpulan na tao pumapalibot dito. "Karl! Karl!". sigaw ko. pang agaw sana ng pansin niya ng unti unti ako makalapit. Pero napatigil ako ng makita ko hinalikan siya ng babae sa pisngi at halos binubunyi siya ng mga tao nakapaligid dito. Napaatras ako hanggang sa makalabas na ako sa kumpulan ng tao pumapalibot sa kanya.

nakita ko ang kasiyahan ni Karl sa mukha at tagumpay na matagal niya na gusto makuha. Naglakad ako palabas ng gym at umupo ako sa may quadrangle na may waiting shed. sinalampag ko ang katawan ko kasabay tingala sa langit.

Nagbuntong hininga ako ng malalim. Nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Nakita ko ang isang mascot. Sa pagkaalala ko ito yung mascot ng school namin pulang ibon to. Medyo napatawa ng maalala ko ang ginawa nito kanina sa gym.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon